Chapter 3

45 6 0
                                    

Chapter 3

Mico POV

*Tok tok*

Nagising ako dahil sa may kumatok sa pintuan ng kwarto ko

"Anak mubangon ka na jan kakain na tayo" boses ni mom

"Opo mom maliligo lang po ako susunod na den po ako sa baba" Sabi ko at saka bumangon

Pagkaligo ko ay nagbihis na kaagad ako lalabas na sana ako ng tumunog yung cellphone ko kaya kinuha ko kasi nasa ibabaw ng table sa tabi ng kama ko tinagnan ko kung sinong natawag

*Jake is calling....*

Sinagot ko na ang tawag

"Hello" Sabi ko

"Tol sama ka ba pupunta kaming mall nila Justine at Jude" si Jake Lopez ay isa sa mga matalik kong kaibigan actually tatlo silang matalik kong kaibigan si Justine Martinez at si Jude Del Rosario sila ang tatlo kong matalik na kaibigan

"Sige tol papunta ba ako kita na lang tayo sa mall" ako

"Sige byee" si Jake at pinutol ko na ang tawag pinasadahan ko muna ng tingin ang suot ko naka itim na jeans ako at naka plane gray v-neck t-shirt at naka block shoes ng natignan ko na ang sarili ko sa salamin ay lumabas na ako ng kwarto ko dumaretso ako sa kusina at naabutan kong kumakain na sina mom at dad kasama si kuya Mike at ate Kate na nasa hapag

"Oh Mico umupo ka na at kumain manang padagdag nga ng isang pinggan" si mom

"Manang wag na po.. mom hindi po ako kakain dito sa labas na lang po ako kakain kasama ko po sila Jake, Justine at Jude" Sabi ko

"Oh sige ingat ka anak" si mom

"Dad alis na po ako" ako

"Sige son ingat ka sa pagmamaneho wag mabilis ang patakbo mo ng kotse mo" si dad

"Yes dad" ako

Lumapit ako kay mommy para humalik sa pisngi nya at saka pumunta na sa garahe pinatunog ko ang itim kong kotse bago sumakay at saka tinawagan si Jake

*Calling to Jake....*

Sinagot din kaagad ni Jake ang tawag

"Tol saang mall" ako

"Sa sikat na mall dito sa pilipinas" natatawang sabi ni Jake

"Sige" at binaba ko na ang tawag

Nag drive ako papunta ng Latima mall mahigit thirty minutes din ang byahe nasa mall na ako ng makita ko ang kapatid ni Jamil na lumabas sa itim na kotse ipinarada ko muna ang kotse ko sa tabi malapit sa itim na kotse kung saan bumaba yung kapatid ni Jamil pero hindi muna ako lumabas ng kotse. Pinagmasdan ko ang kapatid ni Jamil paniguradong mawiwindang si Jake pag nalaman nya na nakabalik ba pala ang kapatid ni Jamil galing America patay na patay si Jake dito sa babaing to ehh kaya pinagmamasdan ko kasunod nyang lumas ang isang babaing maganda, maputi, mahaba ang buhok na kulot ang dulo kaparehas ng sa kapatid ni Jamil na si Michaella ata yon o Ella ang pangalan naka kulay yellow na off shoulder at may dalang pouch naka heels din na yellow parang na love at first sight ata ako ng makita ko ang babaing yon napatulala na ako sa kanya sobrang ganda nya kasi parang dyosa sa ganda iniisip ko kung nakita ko na ba tong babaing to dati pero hindi eh ngayon ko lang nakita ng nakatayo na ang babae sa tabi ng kapatid ni Jamil ay may lumabas na isang lalaki sa passenger seat matangkad, maputi gaya nung kalalabas lang na babae at aaminin ko gwapo ang lalaking to pero ang nakapukaw ng pansin ko ay ang kanyang muka dahil malaki ang pagkakahawig nya don sa babae

"Hindi ba talaga ako pwedeng sumama hindi naman ako manggugulo ehh sasama lang ako" nagpapacute na sabi ng lalaki dun sa babaeng hinahangaan ko

"Hindi pwede jan kana pasok na kami byee" sabay halik nung babae sa pisngi ng lalaki at hinila nya na papasok ng mall ang kapatid ni Jamil

My Two Little AngelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon