Chapter 55

36 4 0
                                    

Chapter 55

Zaira POV

"I'm sorry niloko ko kayong lahat" Sabi ko kay Justine habang umiiyak

"Alam kong hindi mo asawa si Ivan at alam ko din na kakambal mo sya at apo kayo ni Chairman Chan Villanueva" nakangiting sabi ko

"Talaga palang nabuo mo yung mga puzzle ng impormasyon na nakuha mo" natatawang sabi ko pinunasan ko na ang mga luha ko

"Syempre ako pa magaling ako eh" Sabi ni Justine

"I'm sorry hindi ko sinabi sa inyo" Sabi ko ng hindi na naiyak

"Okay lang alam kong may dahilan ka kaya hindi mo sinabi naiintindihan ko" Sabi ni Justine

"Oo naman syempre may dahilan ako" natatawang sabi ko

"Ano nga ba ang dahilan mo" tanong ni Justine na umupo sa harapan ng kotse nya at saka tinapik ang tabi nya umupo din ako sa tabi nya

"Ayaw kasi ng Chairman na ipakilala kami dahil baka malagay kami sa alanganin kaya nung umuwi kami dito sa pilipinas ay itinago namin ang katauhan namin pero hindi kami nag-iba ng pangalan at apelyido sinunod lang namin ang gusto ni Chairman para mapalagay ang Chairman maalalahanin kasi si Chairman at mahal na mahal nya kaming mga apo nya kaya ayaw nya kaming mapahamak kaya ayon hindi kami ipinakilala sa mga tao kaya hindi namin sinasabi na apo kami ng Chairman ang nakaka-alam lang ay sila kuya Mike, Sam, Jamil, Ella, Paula, kuya Alvin at yung ibang empleyado sa The V Restaurant dahil nagturo kami don ng mga recipe namin" Sabi ko

"Sayong recipe ang chocolate cake diba" Sabi ni Justine

"Oo akin nga yon at alam ko din na matagal ka ng naghihinala hindi ko lang pinapansin" Sabi ko

"Yung mga anak mo sila Kyle at Kylie si Mico ang ama nila diba" Sabi ni Justine kaya natigilan ako dahil don

"Hmm oo si Mico nga at hindi alam ng mga bata kung sinong daddy nila ang alam lang nila ay nagtatrabaho sa malayo" Sabi ko

"Bakit umalis ka na lang at hindi mo sinabi kay Mico na buntis ka" Sabi ni Justine

"Sasabihin ko na dapat sa kanya nung nalaman ko nabuntis ako papunta kami non sa bahay nila Mico ng nakita ko ang kotse ni Mico na park sa parking ng isang restaurant kaya ipinatigil ko ang sasakyan namin at nakita ko si Mico may kasamang ibang babae hinalikan nung babae si Mico bago pumasok sa kotse ni Mico akala ko niloloko ako ni Mico dahil hindi sya nagalit don sa babae nung hinalikan sya eh kasama ko non sa loob ng sasakyan ang kakambal kong si Ivan at si kuya Ched pati si Ella susugudin pa nga sana ni Ella at Ivan si Mico pero pinigilan ko sila sinabi kong hayaan na lang nila si Mico at aaminin ko nasaktan at nagalit ako kay Mico kaya sinabi ko kay kuya Ched na gusto kong magpakalayo layo kaya pumunta kami ng America pero napatawad ko na din naman si Mico mabilis din nawala ang galit ko sa kanya pero ang sakit hindi kaagad nawala yon dala ko yon hanggang pag-uwi namin dito sa pilipinas pero nabawasan naman ang sakit na naramdaman ko dahil sa mga anak ko" Sabi ko

"Buti nakaya mong palakihin ng mag-isa ang anak nyo ni Mico" Sabi ni Justine

"Hindi naman ako mag-isa lagi kong kasama si Ivan at tinulungan din ako ng buong pamilya ko pa pag-aalaga" Sabi ko

"Maayos naman ang kinalabasan eh matalino, mabait, masayayin, mapagmahal, malambing, maganda at gwapo, bibong bata din sila napalaki mo sila ng mabuing bata hanga ako sayo dahil hindi mo ipinalaglag ang bata" Sabi ni Justine

"Wala naman kasalanan ang mga bata sa nagawa ni Mico noon at hindi naman pala talaga ako niloko ni Mico may kasalanan din ako hindi lang si Mico" Sabi ko

My Two Little AngelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon