Chapter 14

26 4 0
                                    

Chapter 14

Zaira POV

"Tara na" sabay lahad ng kamay ni Ella kay mika

"Sige po" si Mika na kumapit na sa kamay ni Ella

Naglakad na ulit sila Ella kaya tumayo ako at biglang nanakit ang paa ko dahil sa pagkakatapilok ko kanina kaya naikapit ko pa ang isang kamay ko kay Mico hinawakan nya ang mga braso ko

"Ayos ka lang ba" nag-aalalang tanong ni Mico

"Oo tara na" Sabi ko pero ang sakit pa rin ng paa ko hindi ko lang sinabi kay Mico kasi ayokong mahirapan pa sya sa pag alalay sakin. Nauna na akong maglakad sa kanya at sumunod naman sya pero nakatitg pa din sya sakin habang naglalakad ako nararamdaman ko na ang sobrang pananakit ng paa ko
ng hindi ko na nakayan ang sakit ay bumigay na ang paa ko akala ko babagsak na ako sa lupa pero nakapitan kaagad ako ni Mico sa waist ko at sa braso tinignan nya ang paa ko at kinapitan nya yung laylayan sa likod ng dress ko

"Anong ginagawa mo Mico" tanong ko hindi nya ako sinagot

Kinapitan nya din ang likod ko at saka binuhat kaya naikapit ko ang dalwang kamay ko sa batok nya

"Ibaba mo nga ako Mico nakakahiya pinagtitinginan tayo ng mga tao pati mahihirapan ka mabigat ako" Sabi ko

Naglakad na si Mico pasunod kila Ella

"Iayos mo ang dress mo nakikita ko na ang panty mo" nakakunot noong sabi ni Mico kaya namula ang pisngi ko tinanggal ko ang pagkakapit ng isang kamay ko sa batok nya at inayos ang laylayan ng harapan ng dress at saka ikinapit na ulit ang kamay ko sa batok nya

"Ibaba mo na ako Mico kaya ko naman maglakad" Sabi ko

"Hindi mo kaya matutumba ka nga kanina" galit na sabi nya sakin

"Eh bakit galit ka nagpapababa lang naman ako ih dahil mahihirapan ka dahil mabigat ako" nakangusong sabi ko

"Hindi ako galit naiinis ako kasi namamaga na ang paa mo tapos ang kulit mo pa pati hindi ka naman mabigat ang gaan mo nga kumakain ka ba ng ayos" sabi ni Mico

"I'm sorry" Sabi ko at hindi na lang nag salita pa baka makulitan na naman sya sakin

Nakarating kami ng pinagparadahan ng kotse

"Oh anong ngyari best" tanong ni Ella

"Natapilok lang ako kanina habang hinahabol ko si Mika tapos na pwersa ng pagtakbo ko kaya ayan namaga" Sabi ko

"Sori po ate Zai" sabi ni Mika

"Okay lang hindi naman ikaw ang may kasalanan. Ella oh" sabi ko sabay abot ng bag kay Ella

"Ipapasok ko na sa loob ng kotse si Zaira" sabi ni Mico

"Sige tol tapos pumunta na din tayo sa kanila" sabi ni Jude

Ipinasok na ako ni Mico sa kotse at pumasok na din sya at pinaandar na yung kotse. Hindi ako nagsasalita kasi hindi din naman sya nagsasalita mimiya sabihin naman nya makulit ako kaya tumahimik ba lang ako

"Ang tahimik mo" sabi ni Mico

"Nasaan pala yung pinamili natin sa palengke kanina" tanong ko

"Ah iniabot ko kay Jake nung hinabol kita" Sabi ni Mico tumango na lang ako sa kanya kahit hindi naman sya nakatingin sakin kaya naging tahimik na ulit ang byahe itinabi ni Mico ang kotse at dahil nahuhuli kami derederetso lang sila Jake at Jude

"Bakit mo itinabi may problema ba" tanong ko

"Wala naman pero hindi kasi nakasuot ang seatbelt mo" Sabi ni Mico at siya na ang nagsuot sakin ng seatbelt

My Two Little AngelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon