Chapter 41

29 4 0
                                    

Chapter 41

Zaira POV

Ng nakarating kami sa bahay ay nag-impake na ako at ganon din si Ella nasa kwarto pa din ako dahil kakatapos ko lang ng pumasok si Ivan

"Done baby Zai" nakangiting sabi ni Ivan

"Tapos na Van" Sabi ko

Binuhat ni Ivan ang dalwang malaking luggage ko at saka kami lumabas ng kwarto isinara ko ang pinto ng kwarto at bumaba na kami

"Tara na" Sabi ni kuya Ched

"Ella sama ka muna samin ihatid mo kami sa airport mimiya don ka muna sa mansion gusto pa kitang makasama ehh matagal na ulit bago tayo magkasama kaya sama ka muna samin ipapahatid na lang kita kay mang Ben mimiya sa bahay nyo pagnaihatid mo na kami sa airport" Sabi ko kay Ella na nakaimpake na din ang mga gamit dalwang malaking luggage din ang dala nya

"Sure best basta ikaw tara na" nakangiting sabi ni Ella

"Tara na baby Zai" Sabi ni Ivan

Nilock muna namin ang bahay bago kami umalis mga ilang minutes din ang byahe bago kami nakarating sa mansion pumasok na kami sa loob ng mansion ang dalwang tauhan na namin ang may dalwa ng mga luggage namin ni Ella

"Kain muna tayo ng lunch" Sabi ni kuya Ched

"Sige kuya gutom na din ako eh" Sabi ko

Pumunta na kami sa dining room ipinaghila ako ng upuan ni Ivan kaya umupo ako don at umupo din sya sa tabi ko

"What do you eat baby Zai" Sabi ni Ivan

"Uhmm iyong gulay na lang Van at kanin" sabi ko

"Okay baby" Sabi ni Ivan at nilagyan ako ng pagkaing sinabi ko sa kanya

Kumain na kami ng lunch habang nagkukwentuhan

"Best pano ka pala papasok nyan eh buntis ka" Sabi ni ehh

"Makakapasok pa din sya Ella wag kang mag-alala sasamahan ko sya sa bahay sa bahay na lang kami papasok" Sabi ni Ivan

"Oo nga mas mabuting sa bahay na lang sila pumasok para hindi na masyadong mapagod si Zaira makakasama sa kanya ang sobrang pagod magrerequest na lang kami sa school na sa bahay mag-aaral si Zaira at Ivan ng isang taon tapos sa susunod na taon papasok na sila sa school madami namang koneksyon ang mga Villanueva kaya makakapag-aral pa rin si Zai sa bahay nga lang" Sabi ni kuya Ched

"Buti naman at hindi titigil si Zai sayang ang isang taon eh" Sabi ni Ella

"Sasamahan ko si baby Zai kahit san sya magpunta para makasigurado akong okay sila ng baby nya" Sabi ni Ivan

"Ang swerte naman ng magiging anak mo best hindi naman nila kilala ang tunay na daddy nya may tatayo namang dalwang daddy para sa kanya" nakangiting sabi ni Ella

"Aba syempre naman no pamangkin ko kaya yon ayos lang sakin kahit ako ituring nyang daddy" Sabi ni Ivan

"Sakin din ayos lang pamangkin ko naman yon" Sabi ni kuya Ched

Naluha ako sa mga sinasabi nila ang swerte ko at meron akong kaibigan at kapatid na gaya nila nagpapasalamat ako sa diyos dahil sila ang naging pamilya ko

"Baby Zai what's wrong" nag-aalalang sabi ni Ivan

"Wala naman Van masaya lang ako kasi kayo ang naging kapatid, kaibigan at pamilya ko salamat sa inyo" Sabi ko

"Wala yon best" Sabi ni Ella

"Syempre naman Zaira kapatid ka namin at nagpapasalamat din kami dahil ikaw ang naging kapatid namin" Sabi ni kuya Ched

My Two Little AngelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon