Chapter 1

5 0 0
                                    

AUTHOR'S POV

Si Divina Amor Del Rosario ay isang magandang dalaga, mahaba at makapal ang buhok niya, kumikinang ang kulay ng mata niya; kayumanggi ang kutis, at higit sa lahat ay kaya ka niyang paamuhin sa kaniyang mga ngiti.

Siya ay nanggaling sa isang maliit na barrio. Lahat ng mga tao sa baranggay nila ay alam na hindi para sakaniya ang buhay na ito. Sumisingaw lagi ang kaniyang pagkaelegante ngunit sa kanilang kalagayan, wala na silang pwedeng gawin kun'di mangarap.

Mahirap man ang buhay nila ay hindi naman sila nagutom. May pinagkukuhanan sila sa kanilang taniman kaya't hindi lumilipas ang araw nila ng hindi sila kumakain. Ang hindi alam ng iba ay bagama't simple ang pamumuhay nila, gutom na gutom si Divina na umangat sa kanilang pamumuhay.

Nagsumikap mag aral si Divina kahit na hindi ito ang pangkaraniwang sa kanilang barrio. Sapat na sila sa ganitong pamumuhay, simple at higit sa lahat ay buhay sila. Kung mawalan man ang iba ng trabaho ay kaya padin nilang mabuhay dahil halos lahat ay magkakakilala na sa barriong ito at hindi nila ipinagkakait ang pagtutulungan.

Dahil walang paaralan sa kanilang barrio dumadayo pa siya sa bayan para makapag aral.

Sa kaniyang pagaaral kasa-kasama niya si Crisanto Daniel Dela Cruz, halata palang sa pangalan niya ay relihiyoso na ang kaniyang mga magulang. Ang nais ng magulang niya para sakanya ay ipadala siya sa pagkasaserdote. Nagsusumikap siya magaral dahil gaya ni Divina gusto niyang tumakas sa kaniyang kapalaran.

Araw-araw ay sabay silang papasok at tuwing hapon ay sabay naman sila uuwi. Madalas ay napagkakamalan silang may relasyon ngunit agad naman itong itatanggi ni Crisanto dahil sa kaniyang mga magulang. Hindi rin naman sila interesado sa isa't isa dahil mas nakatuon ang pansin nila sa pagtakas sa realidad nila.

"Ano ba pangarap mo Divina?" Tanong ni Crisanto habang naglalakad sila pauwi.

"Gusto kong mapanood ako ng buong mundo..." Sagot naman ni Divina. Maririnig mo sa boses niya ang kaniyang pagkasabik na makaalis. Huminto si Crisanto sa paglakad kaya't napahinto din si Divina at tiningnan si Crisanto. Natawa si Crisanto. "Bakit?"

"Mundo?" May halong pang aasar ang boses niya. "Munggo pwede pa hahaha!"

"Hindi ka ba naniniwala?" deretsong tanong ni Divina. "Kung hindi man ang mundo kahit ang buong Pilipinas lang, hintayin mo mapapanood mo ako sa telebisyon."

"Tingnan mo naman ang kalagayan natin, bihira nga lang tayo makatikim ng karne mapanood ka pa kaya ng mundo?" tinulak siya ni Divina ng malakas ngunit sa laki ng katawan ni Crisanto ay hindi niya ito napagalaw.

"Nakakainis ka Crisanto! Tabatchoy ka, bahala ka nga diyan." Tumakbo si Divina pauwi at naiwan magisa si Crisanto.

"Hindi naman ako nagsisinungaling e." Bulong ni Crisanto sa sarili niya. Humangin sa mukha niya kaya nag lakad na ulit siya. Naglabas siya ng kendi sa bulsa niya at kinain ito. "Ngayon lang niya sinabi na ang taba ko." Niluwa niya yung kendi at hinagis niya palayo.

Pangarap ni Crisanto na mabuhay sa Siyudad. Kung saan may matataas na gusali, laging maingay ang kalye, at kung saan hindi namamatay ang ilaw. Nais niyang magtrabaho nalang sa isang kompanya at mabuhay mag-isa sa kaniyang penthouse sa isang mataas na gusali at papanoorin niya ang mga kotse sa kalsada.

'Balang araw hindi na ako mag lalakad pauwi dito.' isip niya sa sarili niya. 'isang taon nalang... hindi ako magiging pare.' naglakad na ulit siya pauwi.

Where The Heart Will Take YouWhere stories live. Discover now