Lumipas ang isang taon at tsaka lang siya nakapagipon para makapag enroll sa isang unibersidad.
Nagsimula ng mag aral si Divina sa isang paaralan kung saan kinuha niya ang Bachelor of arts Major in Broadcast Communication.
Madami dami pa din ang pumupunta sa The Penthouse 8747. Madami din ang nagtataka kung sino nga ba yung 'The No Face girl'. Ayan na ang tawag sakanya ng ibang customers, sometimes nag seserve din siya ng drinks dahil tinitip siya ng ibang customers.
Madami nadin nagawang damit si Esther sa maliit nilang apartment. Parehas silang kumikita ng maayos at masaya sila sa kompanya ng isa't isa.
Si Esther naman ay may nakilalang lalake na ngayon ay nobyo na niya. Minsan kapag wala si Divina ay iniimbita ni Esther ang nobyo niya. Si Divina ay hindi interesado at patuloy padin niyang pinupursigi ang pangarap niya.
"Maraming salamat po, please have a wonderful evening! " Magpapalit na muna si Divina sa isa pang singer para magserve muna siya sa mga customers. Ngayong gabi ay nirentahan ang buong Penthouse at kaunti lamang ang tao dito.
"Div, may nagrerequest na ikaw mag serve sa kanila." Aniya ni Sparkle.
"Ako? Ikaw nalang sa ibang customers muna ako."
"Pumunta ka na, sila yung nag renta nitong Penthouse."
"Ganon ba? Ako talaga?!"
"Oo, pumunta ka na don." Inabutan siya ng cake."Ito o, batiin mo ng happy birthday ha?"
Hinawakan ni Divina at nagsimula na siyang maglakad papunta sa table nila.
"Happy Birthday po!" Bati ni Divina habang nilapag niya ang cake.
"I've been here a lot of times, no face. Care for a birthday present?" tanong ng isang lalake na nasa late 30s na.
"What do you want me to serve?" inosenteng tanong ni Divina.
"You. I want you." Namangha ang ibang nakaupo sa table at natawa.
"wooooooh~!" Asar ng iba, at ang iba naman ay nakangisi.
"Oh, hindi po kami nag aaccomodate non. I'm a singer not a pros-" Nahiya at nainis si Divina.
"Silly girl." Ngumiti siya. "Remove your mask." Lumapit siya kay Divina at nilapit niya kamay niya sa maskara ni Divina.
"I can't do that." Hinawakan niya pulso ng lalake at binaba. " This is my trademark, I can't loose potential customers." Ngumiti si Divina.
"I'll wait till the party's over. " Ngumisi yung lalake at umalis na si Divina.
"Sparkles, uuwi na ako." paalam ni Divina.
"Bakit? Kailangan ka pa namin absent yung isang server. Dito ka muna girl okay? What's bothering you ba?"
"I don't know, weird lang talaga. I just want to go home."
"I'm sorry, we really just can't let you go home muna e."
"Okay." Dismayadong payag ni Divina.
Naguwian na din ang mga tao pagkalipas ng dalawang oras. Naiwan mag-isa ang lalake at nakaupo siya ngayon sa terrace kung saan matatanaw mo ang langit.
"Nirerequest ka niya Div, magserve ka daw ng dalawang glass ng champagne."
"Really? Ako talaga."
"Pumunta ka na Div."
"Pinapatanggal niya sa akin yung mask ko e."
"Wag mo tanggalin. Lagi yan nandito e baka ikaw yung pinupuntahan niya lagi."
"Kayanga, kanina man pinapatanggal niya pero hindi ko tinanggal."
"He's a director pala! Diba pinangarap mong maging artista?"
"Talaga?!" Nanliwanag mata ni Divina.
"Ang alam ko. Dali iserve mo na, pero don't show your face."
Nagserve si Divina ng dalawang glass of champagne at pumunta na siya sa lalake.
"I've been waiting. Wala ng tao dito, show me your face."
"I'm sorry. Ayaw po talaga nila akong payagan." May halong lungkot ang mukha ng lalake.
"Alright. Just drink your champagne for me." Kinuha ni Divina ang glass at umupo siya ng may isang upuan na pagitan sakanila. Tumanaw siya sa langit at huminga ng malalim.
'I'm almost there.' isip ni Divina habang iniinom ng dahan dahan ang champagne. Nang naubos na niya tumayo siya at nagpaalam na sa lalake.
"Finish already?"
"Yup."
"Can you come closer?"
"Bakit po?"
"Fine." Tumayo yung lalake at lumapit sakanya. Nagspray siya ng pabango kay Divina. "Mauuna na pala ako sa'yo. See you next time." Nagmadaling lumabas ang lalake.
Nagbihis na si Divina at tinanggal na niya yung maskara niya. Sumakay na siya ng elevator at pinindot ang lobby.
Pagkalabas niya ng pinto ay may nagsalita.
"Oh, found you." Ngisi ng lalake.
"Huh?" Maangan ni Divina.
"I know it's you. I smell the perfume." Ngumisi siya.
"So?" Nagmadaling maglakad si Divina palabas ng gusali.
"Wait up. I've got an offer to make." Habol sakanya ng lalake. Napahinto si Divina.
"Ano yon?" Tanong niya.
"That's my car." May kotseng heavily tinted ang bintana na nakaabang sa harapan.Pinagbuksan ng lalake si Divina ng pinto sa likod. Hindi padin siya pumapasok. "I won't do bad things promise. Let's talk privately." Nakataas ang dalawa niyang kamay.
Pumasok na silang dalawa.
"My name is Nicholas Anderson, call me Nic if you want to." May itsura siya ngunit masasabi mong tapos na ang 'Glory Days' niya dahil sa edad niya. Nagsisimula na ding numipis ang buhok niya senyales na humihiwalay na siya sa kabataan niya.
"Okay Nic, what's your offer?" Seryosong tanong ni Divina.
"How about you? What do you want?" Nakatitig lang si Nic kay Divina, namangha siya sa kagandahan ni divina. Naisip niya na kayang kaya niyang maging artista kung mayroon lang siyang connections sa industriya.
"Nothing." Agad na sagot ni divina at hinawakan ang handle ng pinto.
"Really?" Tanong ni Nic habang pinigilan ang kamay ni divina sa pagbukas ng pinto. " Money? I've got tons." Yabang niya.
"Well," Naalala ni Divina yung sinabi ni Sparkles. "I heard na isa kang director."
"Yes, gusto mo bang mag extra?" Nagkaro'n ng pag-asa ang boses ni Nic. 'Although maganda ka, isa ka lang sa mga mapapadaan na mukha sa industriya.' isip niya.
"No, gusto ko maging bida." Diin ni Divina.
"No problem." Ngiti ni Nic. 'In your dreams' isip niya
"Really?" Tuwa ni Divina.
"In one condition,"
"Ano po yon?"
"You know what I want." At nilapit niya mukha niya sa mukha ni Divina.
![](https://img.wattpad.com/cover/238721449-288-k186094.jpg)
YOU ARE READING
Where The Heart Will Take You
Misterio / SuspensoA serial killer is on the loose in Manila. Divina Amor is a rising reporter hungry for fame. She tries to find out who the killer is after realizing that the police aren't that much help. Will she find the serial killer first or will her dreams peri...