Author's POV
Dumaan sila sa isang madilim na daan. Kinakabahan si Divina kung saan siya dadalhin nito ngunit hindi din niya alam kung saan siya pwede pumunta.
'dapat pala naghintay muna ako sa terminal' alala niya sa sarili niya.
"Mukhang bago ka palang dito sa Maynila ah?" Tanong ni Esther habang naglalakad.
"Ah o-oo." Kabadong sagot ni Divina.
"Wag kang matakot. Ito lang kase kaya ng pera ko sa ngayon." May dinaanan silang kimikislap na ilaw.
"Ba-bakit ako matatakot?" tanong niya ng may panginginig sa boses niya.
"Kase madilim na daanan ito. Ano ka ba? Mas takot nga ako sa'yo hahaha!" Kalog na sagot ni Esther.
"Bakit naman sakin ka pa matatakot?" Gulat na tanong ni Divina na medyo nainsulto.
"Syempre ngayon palang kita nakilala pero alam ko naman mabait ka." Tumigil sila sa isang lumang building. "Nandito na tayo." Naglakad sila pataas ng hagdan at pumasok sa isang kwarto.
Madaming tela ang nakakalat sa sahig, May dalawang higaan , isang maliit na lamesa na may nakapatong na sewing machine, at isang mannequin na may suot na magarang damit.
"Pasensya ka na, medyo makalat." Nahihiyang sabi ni Esther. Kinuha niya ang gamit niya sa isang higaan at itinambak nalang sa gilid. "Matulog ka na, siguradong pagod ka. Bukas nalang tayo magusap."
"Salamat Esther." Mangiyak ngiyak si Divina. Dahan dahan ng sinasakop ng pagod yung katawan niya.
"Ano ka ba? Wala yon! Kailangan din kita e." Ngumiti si Esther sakanya.
"Doon nga pala yung cr kung gusto mong maligo. Matutulog na ako ha." Humiga si Esther sa higaan niya.Pumasok sa cr si Divina at binuksan na niya yung gripo. Naghubad na siya at nagsimula na siyang maligo. Hindi niya maiwasang isipin si Crisanto.
"Nakakainis ka Crisanto!" Mahina niyang salita.
Pagkatapos niyang maligo ay nagbihis na siya at natulog.
---
Nagising si Divina sa sinag ng araw na tumatama sa mukha niya. Dinilat niya ang mata niya at nakita niya ang malaking salamin sa kwarto nila. Madali siyang tumayo at tumanaw sa labas ng salamin.'Nasa Maynila na talaga ako!' isip niya. Pinanood niya ang mga nagmamadaling kotse, motor, at mga taong atat ng makapunta sa trabaho nila. Maririnig mo din ang malalakas na busina ng ibang kotse sa malayo.
"Ganda no? Masasanay ka din diyan." Lumingon si Divina kay Esther na kumakain sa lamesa. "Kumain ka na muna. Pinagluto na kita."
"Salamat!" Ngayon lang naalala ni Divina na ito palang ang una niyang kain simula ng dumating siya dito. Umupo siya at nagsimula na siyang kumain.
"Bakit nandito ka sa Maynila?" Tanong ni Esther.
"Gusto kong sumikat." Siguradong sagot ni Divina.
"Jusko Girl! Akala mo ganon lang kadali yon?" Naalala niya si Crisanto sa sinabi niya.
"Bakit ba nagdududa kayo?" May halong galit ang boses niya.
"Hinde! Kailangan mo nang madaming pera kung gusto mo pala maging artista. Hindi lang ikaw ang gustong sumikat... ako den." Tumingin si Esther sa sahig na may mga nakakalat na tela. "May trabaho ka ba?" tanong niya.
"Wala. Pero maghahanap ako, ayoko maging palamunin." panigurado ni Divina.
"Talaga lang Divina. Libre lang tong pagkain mo ngayon, mabait ako pero kailangan ko din mabuhay no?!"
"Sige, saan ba ako pwede magtrabaho? Baka may alam ka?" Tanong ni Divina.
"Marunong ka bang kumanta?"
"Oo." Kumakanta noon si Divina sa mga mutya ng bayan sa kanila.
"Sige, rumaket ka nalang muna sa bar ngayon. Magaaral ka pa ba?"
"Oo," Sagot ni Divina. " bar kamo? Yung may inuman ba?" Kinabahan si Divina.
"Oo, pero huwag kang magalala kakanta ka lang naman doon." Panigurado ni Esther.
"Wala na bang iba?" Hindi tama sa pandinig niya na magtratrabaho siya sa bar.
"Siguro mayroon pero wala akong alam na naghahanap ngayon e."
"Si-sige. "Pumayag na si Divina dahil paubos na ng paubos ang pera niya.
"Malaki kita mo don, puro mayayaman ang pumupunta don." Ngiti ni Esther.
"Wala naman na akong choice." Nagpatuloy na silang dalawa sa pagkain.
Pagkakain nila ay naliigo at nagbihis na silang dalawa para pumunta sa bar na pagtratrabahunan ni Divina.
Sumakay na sila ng Jeep para makarating sa Penthouse 8747.
Hindi ito ordinaryong bar sapagkat isa itong rooftop bar sa Makati kung saan pumupunta ang mga high-class profiles or mayayaman para mag-usap, mag-relax, at enjoy. Black and Gold ang theme ng bar nila at may mga malalaking salamin kaya't napakaganda tingnan ng bar na ito. Mayroon ding balcony kung saan pwede mo maenjoy yung hangin at magsama ng ka date.
"Kuya para!" Sigaw ni Esther. "bakla tara na baba na tayo." Yaya niya kay Divina.
Bmaba na sila at natulala nalang si Divina sa napakataas na gusali na nakita niya.
"Dito ba ako magtratrabaho?" Tanong ni Divina habang nakatingala.
"Oo te. Akala mo ba sa cheap na bar kita dadalhin? Hindi no." Tinuro ni Esther yung tuktok ng Gusali. "Doon. Doon ka magtratrabaho."
Naglakad na si Esther papasok ng gusali kaya't sinabayan na siya ni Divina.
![](https://img.wattpad.com/cover/238721449-288-k186094.jpg)
YOU ARE READING
Where The Heart Will Take You
Mystery / ThrillerA serial killer is on the loose in Manila. Divina Amor is a rising reporter hungry for fame. She tries to find out who the killer is after realizing that the police aren't that much help. Will she find the serial killer first or will her dreams peri...