Naglalakad na si Divina papalapit sa apartment nila. Madilim man yung daanan ngunit sobrang kullay ng damdamin niya ngayon.
May narinig siyang parang may gumalaw kaya huminto siya sa pag lakad at nilibot niya mga mata niya. May nakita siyang itim na pusa.
'Pusa lang pala 'yon' isip niya.
Nakadating na siya sa apartment nila at tumingin patalikod si Esther sakanya dahil nagtatahi siya.
"Bakit sobrang saya girl?!" Tanong ni esther habang may nakasabit na medida sa leeg niya. Hindi matanggal yung ngiti sa labi ni Divina dahil ngayon palang siya nakahawak ng ganon na kalaking pera.
"Salamat Esther. Ayos pala do'n kase tingnan mo to." Nilabas niya yung envelope sa bag niya. "5000 agad kinita ko!" Sigaw niya ng masaya.
"Talaga ba?" Namangha si Esther. " Sabi ko sa'yo malaki kita do'n e." Binalik na ni Esther tuon niya sa pagtatahi.
Oo. Hindi naman pala gano'n kahirap mabuhay dito sa Maynila." Kinuha na niya pamalit niyang damit.
"Unang araw mo palang 'te, wag ka masyasdong excited." Basag ni Esther.
"Ito naman. Bawal bang magcelebrate?" Nakangiti paden si Divina. Pumasok na siya sa cr para magbuhos.
"Ipunin mo pera mo. Maghahati tayo sa apartment na to, hindi ko na talaga kayang bayaran magisa Divina." Medyo pasigaw na sagot ni Esther para marinig siya. Napabagal yung pagtatahi ni Esther kase naalala niya bigla yung utang niya para mabayaran yung renta niya.
Pagka labas ni Divina sa cr ay nakita niyang nakadukdok na ulo ni Esther sa lamesa.
"Goodnight Esther." Mahinang sabi ni Divina at natulog na den siya.
---
Nagising ulit siya sa sinag ng araw na dumadapo sa mukha niya. Agad niyang naamoy ang mabangong pagkain sa lamesa."Bango naman ng niluto mo Esther." Amoy sa buong kuwarto ang nilutong tocino.
"Ayan, kumain ka na. Himbing ng tulog mo e." 10 oclock na sa umaga. Nakahain na sa lamesa yung pagkain kaya kumain na sila.
"Salamat! Wag ka mag alala ako na magbabayad sa renta natin ngayong buwan." Pangako ni Divina.
"Ano ba talaga balak mo dito sa Maynila?" Tanong ni Esther habang sinasawsaw sa Patis ang tocino.
"Diba sabi ko sayo kahapon gusto kong sumikat." Sagot naman ni Divina habang sinusubo ang pagkain niya.
"Paano nga?"
"Hmmm..."
"May idea ako! Magcocollege ka palang diba? Kunin mo yung Broadcast Communication!" Masayang sabi ni Esther.
"Ano yon?" Taka ni Divina.
"Magiging reporter ka sa balita!"
"Hindi ako para doon," sabay kunot ng noo ni Divina na parang nagtataka.
"At paano mo naman nasabi iyan?"
"Hindi ko alam. Bagay ba ako don?"
"Oo naman! Basta galingan mo at kailangan mo ng koneksyon sa mga tao, sa mga directors... Malay mo mascout ka for a project."
"Talaga?" Ngiti ni Divina habang may paminta sa gitna ng ngipin niya. 'Malapit ko na din makamit mga pangarap ko' isip niya sa sarili niya.
"Yung ibang artista kase gan'on."
"Sige! Tulungan mo ko ha?!" Masaya silang dalawa. 'Nakakainis ka Crisanto pero kung hindi mo ko sinipot, hhindi ko makikkilala si Esther.' isip ni Divina sa sarili niya.
"Sige! Nagaaral palang din naman ako. Major in Fashion Design ako." Ngiti ni Esther. "Ito yung pangarap ko sa buhay e." At naisip ni Esther na balang araw paguusapan din mga gawa niya at titingalain siya ng mga tao.
"Sige, let's make the out together." Ngiti ni Divina.
"Girl, ayusin mo English mo! Let's make it together!" Korekta ni Esther.
Mabilis lang ang mga araw at patuloy paden sa pagtrabaho si Divina. Sa pagdaan ng mga araw ay lalo pang nakilala nila Esther at Divina ang isa't isa.
Si Esther ay dayo lang din sa Maynila sapagkat sabi ng mga nakakatanda sakanila ay sa Maynila niya makakamit ang mga pangarap niya. Supportado naman siya ng kanyang ina ngunit dahil Single mother lang ang nanay niya ay hindi na siya humihingi ng pera dito. Para makayanan niyang mabuhay sa Maynila ay nagtratrabaho siya sa dalawang kainan at pinaparenta niya ang mga nagawa na niyang mga damit. Bagama't gusto na niyang bumalik sa dati niyang tahanan ay ayaw naman niyang madismaya ang kaniyang ina dahil ang alam ng nanay niya na umuunlad na siya sa Maynila.
Nang makita ni Esther si Divina sa terminal ng bus ay naalala niya sarili niya na nag iisa. Kaya magaan agad loob niya kay Divina. Isang buwan nalang din non ay papalayasin na siya ng may-ari ng apartment dahil hindi na siya makabayad ng buo. Kaya nung dumating si Divina ay gumaan ang mundo nilang dalawa.
YOU ARE READING
Where The Heart Will Take You
Misterio / SuspensoA serial killer is on the loose in Manila. Divina Amor is a rising reporter hungry for fame. She tries to find out who the killer is after realizing that the police aren't that much help. Will she find the serial killer first or will her dreams peri...