Nakasakay na sila sa Elevator pataas ng building.
"Taga dito ka ba?" tanong ni Divina kay Esther.
"Hindi din. Kagaya mo lang ako..." Naaalala ni Esther yung sarili niya tuwing nakikita niya ang mga nagbababaan ng bus sa terminal sa Cubao. "Pangarap ko maging sikat na mananahi..." napangiwi si Esther. "Divina, kung gusto mo bumalik sainyo, tutulungan kita. Gusto mo ba tuloy to?" Tanong ni Esther. May halong awa ang boses niya.
"Oo naman Esther. Nandito na ko e." Desididong sagot ni Divina kahit may takot siyang nararamdaman sa loob niya.
Bumukas na ang elevator at nasa bar na sila. Sarado pa yung bar kaya't hindi mo halos makita yung kagandahan ng bar.
May nilapitan si Esther na lalake na mukhang beki din at nagusap sila.
"Sige sis, salamat ha!" Ngiti ni Esther.
Lumapit silang dalawa kay Divina.
"Hi! Ako si Sparkle! Ako ang naghahandle ng talent crew dito sa Encore Superclub. Infairness! Maganda ka... peroo... kanino ba galing damit mo sa lola mo?" Napuno ng hiya ang katawan ni Divina.
"Uh- hindi po." Pilit na ngiti ni Divina.
"No problem! We have ready made clothes naman depending sa theme of the day. Kakanta ka lang ng fancy songs doon sa gitna ng stage. Leave kase ng leave yung singer namin." Iritadong sabi ni Sparkle.
"..."
"Bakit? Nahihiya ka ba?" Tanong ni Sparkle.
"Medyo." Sagot ni Divina.
"Gusto mo bang magmaskara? Inaalagaan namin ang workers namin don't worry! Kakanta ka lang ng fancy songs and sa tip pa lang ng customers mabubuhay ka na." Seryosong sabi ni Sparkle ng maaliw ang boses.
"Salamat po. Kailan po ba ako magsisimula?" Tanong ni Divina.
"Mamayang gabi." Sagot ni Esther.
"Hindi niyo na ko iinterviewhin?" Nabigla si Divina sapagkat akala niya matatagalan pa bago siya magkakatrabaho.
"Hindi na. Sabi mo naman marunong kang kumanta diba? Okay na'yon." ngiti ni Sparkle. Gumaan na yung loob ni Divina sapagkat naisip niya bigla na tinutulungan lang siya ng dalawa na to.
"O siya Sparkling water," asar ni Esther kay Sparkle. " Mauuna na muna kami ha. Salamat besh." Nagbeso beso silang dalawa at pumunta na silang dalawa ni Divina pabalik sa elevator.
"Agahan mo Divina ha! Mga alas-syete ka na pumunta dito!" Dagdag ni Sparkle habang pasara na pintuan ng elevator.
Nakabalik na sila sa tinutuluyan nila at humiga na muna si Divina. Si Esther ay umupo na sa lamesa niya at nagsimula nang magtahi.
"Hindi ka ba kakain Esther?" Tanong ni Divina.
"Sapat lang naman pera ko. Pinakain na kita kanina e kaya wala muna tayong tanghalian ah." Pasigaw na sagot ni Esther para marinig siya dahil sa lakas ng tunog ng tahian niya.
Nagpahinga nalang si Divina sa higaan niya at naalala niya magulang niya. 'Anak, kapag nagutom ka maglaga ka lang ng kangkong ha.' sabi sakanya ng nanay niya.
Naisip ni Divina na kailangan na talaga niyang sanayin ang sarili niya sa buhay Maynila. Tama si Crisanto, mahirap talaga dito sa Maynila.
Dumating na ang gabi.
Mag-isang pumunta si Divina papunta sa Penthouse 8747. Bumukas na ang elevator.
Nabighani si Divina sa nakita niya. 'Ganito na pala ang bar ngayon. Sobrang iba sa napanood ko sa telebisyon ni Aling Bebang sa barrio namin.' isip niya. Kumikinang ang mismong lugar dahil nagrereflect na yung kulay niyang gold. May mga nag dadatingan na tao na rin. Naglilibot si Divina para hanapin si Sparkle.
"Dina!" ... "Dina!" Kinalabit ni Sparkle si Divina.
"Yan ka na pala. Divina pangalan ko." Korekta ni Divina.
"Kahit ano basta magbihis ka na. Oh." Inabot ni Sparkle yung damit niya at tinuro ang changing room ng staff. " Bilisan mo dumadami na yung tao." Pag mamadali ni Sparkle.
Pumasok na si Divina sa changing room at sinout agad yung damit. Nakita niya ang pulang damit na suot niya sa salamin, may slit sa gilid kaya't nakikita ang makinis niyang binti at masyadong mababa ang top niya kaya't nakikitaan siya ng cleavage.
May nakita siyang mga maskara sa gilid kaya't sinuot niya ito at natatakpan ang mga mata niya. May pumasok pang babae at nakita niya si Divina.
"Ikaw yung bagong singer no?" Ngiti sakanya nung babae na may maamong mukha. "Macy. May kulang pa sa'yo." Kinuha niya bag niya sa gilid at naglabas ng red na lipstick. Agad niya itong nilagay sa labi ni Divina.
"Salamat. Divina pala." Ngumiti silang dalawa at lumabas na.
"Good evening guests! We have a new singer tonight, let us relax and please enjoy your stay here in The Penthouse." Pag welcome ni Sparkle sa mga puma pasok na guests.
Tumaas na si Divina sa stage at umupo.
Nakatutok yung ilaw sakanya at kaunti lang ang nakatingin sakanya dahil naguusap ang mga tao don. Naiilang pa din siya pero inisip nalang niya na kakanta siya sa bayan nila.
"Tonight I'm gonna sing a song about love." Nagplay ang intro ng kanta. "What a wonderful world it is when you're with the person you love. Relax and enjoy this evening." Ngumiti siya at kumanta na.
I see trees of green, red roses too
I see them blue before me and youAnd I think to myself
What a wonderful worldI see skies of blue and clouds of white
The bright blessed day, the dark sacred nightAnd I think to myself
What a wonderful worldThe colors of the rainbow so pretty in the sky
Or also on the faces of people going byI see friends shaking hands, saying "How do you do?"
They're really saying, I love youI hear babies crying, I watch them them grow
They'll learn much more and I'll never knowAnd I think to myself
What a wonderful worldYes, I think to myself
What a wonderful worldNatapos na siyang kumanta at napansin niyang mas madami na ang nakatingin sakanya.
"A wonderful world indeed..." Mahina niyang salita pero narinig padin ng lugar dahil sa mikropono.
"Our next song is Oh, Donna! Today's theme is a Classical Night so let us enjoy the love of this man for Donna. Don't we all wish we we're Donna?"
Natapos yung gabi at nagsara na ang Penthouse 8747. Alas dos na ng umaga.
"Nako Divina! Ayos palang nandito ka! Mas malaki ang tip na binigay nila ngayon." Ngiti ni Macy.
"Welcome na welcome ka na dito." Ngiti din ni Sparkle.
"Talaga?! Iba nga akala ko nung sinabi sa akin na bar. " Ngiti ni Divina.
"Sige, ito na ang talent fee mo." Inabot ni Sparkle sila isa-isa ng envolope.
Sinilip ni Divina ang laman at nakita niyang 5k ang laman. Nanlaki mata niya kase akala niya limang daan lang makukuha niya ngayong araw.
"Today lang yan." Bulong ni Sparkle dahil napansin niyang nanlaki mata ni Divina. "May nagtip ng malaki just for you."
"Hala!" Ngiting ngiti si Divina. Sapagkat nagenjoy na siya at malaki pa nakuha niya.
"Yup. Pamper yourself, see you tomorrow." Lumabas na sila at nagpaalam sa isa't isa.
YOU ARE READING
Where The Heart Will Take You
Mystery / ThrillerA serial killer is on the loose in Manila. Divina Amor is a rising reporter hungry for fame. She tries to find out who the killer is after realizing that the police aren't that much help. Will she find the serial killer first or will her dreams peri...