Author's POV
Tumatakbo si Divina pabalik kung saan nakahiga si Crisanto.
"Crisanto! Nasaan ka?" Sigaw niya.
Walang sumagot.
"Crisanto!" wala padin sumagot.
Tumakbo agad pababa ng maliit na burol si Divina habang bitbit niya ang bagahe niya sa dalawang kamay. Sumakay siya sa tricycle papuntang terminal at nakita niya ang unang bus papuntang Maynila.
Pumasok siya kaagad at hindi niya nakita si Crisanto. Nilibot niya ang terminal ngunit wala padin si Crisanto. Bumili na siya ng ticket at bumalik sa bus.
Umupo siya malapit sa bintana at inayos na niya yung gamit niya.
"Paalam na muna." Bulong niya. Nagsimula ng umandar ang bus at pinikit niya ang mga mata niya.
"DIVINA!" dinilat niya mata niya.
"DIVINA!" Lumingon siya ng bahagya sa labas ng bintana at nakita niya si Crisanto na hinihingal.
"CRISANTO!" sigaw niya pabalik.
"HINTAYIN MO KO!" sigaw ni Crisanto. Nagthumbs up si Divina at bumilis na ang andar ng bus.
'Dito na simula ng buhay ko...' isip ni Divina. Pinikit niya ulit ang mata niya at nararamdaman niya ang hangin na dumadapo sa mukha niya sa pagandar ng bus.
---
"CUBAO! CUBAO!" dumilat si Divina at nakita niyang nagbababaan na ang mga pasahero. "Dito na ang babaan! Cubao!" Agad na ginayak ni Divina ang gamit niya at naglakad na papunta sa pintuan ng bus.
"Kuya, san hintayan dito?" tanong niya.
"Doon lang, sa may gilid." turo ng manong. Bumaba na siya at pumunta sa madaming upuan sa may terminal. Iniwan niya muna ang gamit niya sa gilid at kinuha ang pera niya para makabili ng cup noodles.
Pagkabalik niya ay hindi na niya makita ang gamit niya.
'Teka, baka namamali lang ako.' isip niya. tiningnan niya ang mga upuan at wala na talaga ang gamit niya. Inikot niya ang buong terminal at may nakita siyang lalake na may bitbit na bahage na hawig sa hinahanap niya.
"Magnanakaw!" Sigaw niya at tumakbo siya palapit dito handang makipag rambulan. "Akin na yan!" Nagsimulang tumakbo ang lalake ngunit bago pa man ito makatakas ay may pumigil na dito. Agad-agad itong sinabunutan ni Divina. "Wala na nga kong matutuluyan kukunin mo pa gamitko!"
"Aray, Aray." Hinawakan ng lalake ang kamay ni Divina sa ulo niya. "Tama na."
May dumating na guard.
"Ano ba nangyayari dito?" Tanong ng guard.
"Ninakaw niya po yung gamit ko! Walang hiya talaga! Wala ka bang magulang?" Galit na sumbong ni Divina.
"Awat na, Awat na." Agad na sabi ng guard. "Ate, wag mo din kasing iniiwan ang gamit mo. Nasa Maynila ka na." Napatahimik si Divina. "Ikaw pala yung laging nagnanakaw dito ha!" Pinosas ng guard ang kamay ng lalake. "Sumama ka sa amin Ale, kailangan mong mag file sakanya ng kaso."
"Hindi na po ata ako kailangan." tanggi niya.
"Ako ba ninakawan?" sarkastikong tanong ng guard.
Naglakad sila papunta sa malapit na pulisya at sinimulan na silang tanungin ng pulis.
"Ikaw din yung nagnakaw sa isang lalake nung isang araw diba?"
"Hindi ako yun." Tanggi ng lalake habang nakatingin sa sahig.
"Sige, papunta na siya dito para ikompirma." sabi ng babaeng pulis. Inangat ng lalake ang ulo niya.
"Sabing hindi ako yon e." Protesta ng lalake.
"Nasaan na siya?" May dumating na matangkad na lalake at nakita niya agad ang lalakeng magnanakaw. "IKAW! NASAAN NA YUNG WALLET KO?"
"Wala na sa akin." Mahinang sabi ng lalake.
"Excuse me po, kailangan ko na pong umalis." Pagitna ni Divina.
"Sige, pwede ka ng umalis." Mabilis na pumunta si Divina bitbit padin ang gamit niya papunta sa hintayan ng bus. Ngayon ay mas mahigpit na ang kapit niya at lahat ay pinag hihinalaan niyang may balak nakawin ang gamit niya.
Umupo siya dito at matiyaga niyang hinintay si Crisanto na bumaba sa isang bus.
Lumipas ang isang oras at wala padin si Crisanto.
"Divina." Lumingon si Divina kung saan niya narinig ang boses. Nakita niya ang lalake na dumating kanina sa pulisya.
"Paano mo nalaman pangalan ko?" Tanong niya.
"Tinanong ko sa babaeng pulis, gusto ko lang pala magpasalamat."
"Sige, walang anuman."
"Ako nga pala si Dexter, call me Esther."
"Okay Esther." Hindi interesado si Divina sa isa pang manliligaw.
"Ano ka ba girl? takot ka ba sakin? I'm gay!" tumingin agad si Divina. "Gusto ko lang bumawi kase malaking pera ang nakuha sa akin ngayon nabalik na." ngiti ni Esther.
"Wala naman akong kailangan kaya salamat."
"Looking at you, alam kong wala kang matirhan." may halong panlalait ang boses niya.
"Meron! May hinihintay lang ako..." depensa ni Divina.
"Nasaan na siya?" Taas kilay na tanong ni Esther.
"Hinihintay ko pa nga." Iritadong sagot ni Divina.
"Nako kung maghihintay ka sa biyaya, hindi yan dadating." Umirap nalang si Esther. 'Ano ba naman to. Tinutulungan na nga panget pa ng ugali' isip niya.
"Una sa lahat, hindi kita kilala at hindi mo siya kilala." May halong galit ang boses ni Divina. 'Ano ba namang beki 'to, ayaw ako tantanan.' isip naman niya.
"If you say so, babalik nalang ako mamayang gabi kung tunay bang dumating ang biyaya mo." Naglakad na palayo si Esther at matiyaga na ulit siyang naghantay para kay Crisanto.
'Tingnan natin sino kawawa mamaya.' Isip ni Esther habang naglalakad palayo tsaka umirap.
---
Mabilis lumipas ang hapon ngunit matiyaga padin naghintay si Divina.
'Ang tagal mo naman Crisanto.' isip niya.
Dumating ang gabi at nawawalan na ng pag-asa si Divina.
"I told you." tumingin si Divina sa gilid niya at inangat niya ang ulo niya para makita kung sino yon. "Sumama ka nalang sakin para may matulugan ka. Naghahanap din kase ko ng roommate para mabawasan yung bayad ko. " Tumayo na si Divina at makikita mo ang pagkadismaya sa mukha niya.
Walang kakilala si Divina dito sa Siyudad at wala din siyang matutuluyan. Kahit malaki yung posibilidan na mapahamak siya, wala na siyang choice kundi pumayag.
"Sige tara na." Payag niya.
YOU ARE READING
Where The Heart Will Take You
Mystery / ThrillerA serial killer is on the loose in Manila. Divina Amor is a rising reporter hungry for fame. She tries to find out who the killer is after realizing that the police aren't that much help. Will she find the serial killer first or will her dreams peri...