Chapter 1

114 1 0
                                    

Hi ako nga pala si Roma Jetmatic, wag mo nalang tawanan ang pangalan ko okay? Nagaaral ako sa isang Private School, highschool na ako graduating na sa march.

Umagang umaga ay bigla akong ginising ni Joana ang bestfriend ko, "Hoy Roma Jetmatic na Hopeless Romantic! Bumangon kana!" Umagang umaga ganyan ang pinaparinig niya sakin?! Over my hot and sexy body?! Hays ang magaganda dapat hindi iniStress ang sarili sa mga ganyan, kaya dapat diko siya problemahin.

Base sa narinig ninyo, oo Hopeless Romantic ako. Kinikilig sa mga Libro about sa love, kinikilig sa ibang couples na may halong inggit, wala pa kasi ako nagiging boyfriend at natatakot ako dahil kadalasan na nababalitaan ko sa mga nagboBoyfriend or Girlfriend eh nasasaktan sila. Natatakot ako umiyak at masaktan no.

First day of School ngayon kaya agad na akong bumangon sa higaan ko. Naghilamos at naligo nalang ako, ang problema ko is sa dami ng mga damit ko wala akong mapili kung ano ang aking susuotin. Kumuha nalang ng fitted pants tsaka ng Black Tshirt. Pagkabihis ko ay agad na akong nagayos at hinila ang bag ko.

Ilang minuto lang sa Jeep ay nakarating na kami ni Joana sa Campus. Agad agad naming tiningnan ang mga names namin kung saang room kami. Dahil sa nagmamadali kami at siksikan sa dami ng estudyante may nakabanggaan ako, tinamaan ang kaliwang dibdib ko sa braso nung lalaki.

"Hoy pwede tumingin ka sa dinadaanan mo?! Pag ako nagka Breast Cancer dito patay ka saken!" Sigaw ko dito, maya maya ay bigla niyang tinanggal abg headset niya at lumingon sa akin, "Ha? May sinasabi kaba? Pero mas maganda kung wala ka ng sabihin dahil ayoko makarinig ng Chaotic Voice eh napaka aga." At agad siyang tumalikod at naglakad ulit. Nanggigil ako sa kinatatayuan ko, buwisit yun ah!

Nakita namin ni Joana na sa taas pala yung room namin kaso hindi kami magkasama sa isang Room. Section 1-A ako at siya naman ay Section 1-B.

Pumasok na ako sa room ko at agad pumwesto sa dulo. Panigurado naman neto isa isa na naman sa pagpapakilala. Madami dami din palang mga nagtransfer. Ilang minuto pa ay biglang may nagsalitang lalaki sa tabi ko,

"Miss pwedeng makiupo?" Tanong nito. "Hindi ayoko ng may katabi." Sagot ko dito habang nagiScroll sa phone ko. Diko naman siya tinitingnan eh di ako interesado, "Dinga? Please dito nalang ako." Pamimilit nito, "Ano ba hindi nga- ay sorry sige upo kana jan." Grabe hindi ko akalain na ganon kagwapo ang lalaking ito. Ngayon ko lang siya nakita, ang swerte ko naman hays.

Ilang minuto pa kaming naghintay at dumating na ang ibang kaklase at ang teacher namin. Nilingon lingon ko ang nga kaklase ko, at nagulat ako ng masagi ng mga mata ko yung pagmumukha nung mayabang kanina, wag niyo sabihing kaklase ko siya! Makakapatay ako! iiih! Kainis!

Pinilit ko nalang kumalma sa upuan habang nagpapakilala ang iba kong kaklase hanggang sa matapat na dun sa Mayabang,

"Axel John Buenaventura." Pagpapakilala nito, kaya naman pala Buenaventura, ugali kasing Basura psh. Maya maya ay napunta na sa poging katabi ko, tumayobito at dumiretso sa harapan tsaka nagpakilala, "Goodmorning, I'm Dionisio Atapang A Tao." At agad itong bumalik sa upuan.

Yung mukha ko parang.. eeeh? Pangalan niya yon? Halos himatayin ako sa pangalan niya ahe..

Sunod ay ako naman at masaya akong naglakad papunta sa harapan at nagpakilala, "I'm Roma Jetmatic." At masaya ding naglakad oabalik nang may marinig akong bulong "Ang panget ng pangalan." At agad siyang tumawa ng mahina, kilala ko yon! Si yabang! Busit sya ah! Di niya ba alam maganda ako kaya kailangan irespeto niya ako no!

Nagintroduce nadin ang teacher namin, at sinulat sa board ang nga kakailanganin naming mga school supplies na gagamitin.

--

Nang matapos ang klase na puro pagpapakilala lang muna dahil sa first day palang naman ay agad akong pumunta kay Joana, sabay lang pala ang paglabas namin ng room, agad akong nagkuwento sakanya pati yung sa name nung katabi ko,

"Bwahahahahaha! Sino ba tatay non? Apolinario Mabini? Hahahahaha!" NapaPokerFace ako sa reaksyon niya, "Hoy wag mo nga pagtawanan si Mr.Dionisio ko! Gwapo kaya niya at mabait pa! Di gaya nubg Buenaventura na basura yung ugali!" At nagcross-arms ako, "Asus, the more you hate the more you love." Panunukso nito akin, I just rolled my eyes.

Naghintay nalang kami ng Jeep, umupo muna kami saglit para di mangawit, nagkuwentuhan din kami about sa nga nakilala namin at siya rin ay nagkuwento, na wala man lang daw siyang poging kaklase na nakilala, maya maya pa ay nadala kami saakakakuwento at di namin namalayan may jeep na palaa, agad kaming nakipagsiksikan at nakaupo sa loob.

Madami ang nga pumilit sumakay kaya feeling ko ipis ako na naiipit dito, hays jusko naman oo. Maya maya ay nagbayad na ako, treat ko nalang si Joana. Iniabot ko agad ito, "Bayad po." Pero nagtataka ako ayaw abutin nung isang estudyante, kaya agad akong sumigaw ulit, "Bayad po!" Napalingon siya sakin, "Ang daming pasahero bat sakin mo pinapaabot? Sa gwapong tulad ko di dapat inuutusan." jusko ang hangin! Liliparin na yata ako.

Nabayad ko nadin yung pera ko sa wakas, sumandal lang ako saglit at pumikit para makatulog kahit sandali lang, maya maya ay may kumakalabit sakin, "Uy bes nandito na tayo!" Ano bayan dipanga ako nakakatulog eh. Agad naman akong yumayo at sa katangahan ko bababa na nga lang nauntog pako kainis!

"Hahaha! Ang tanga naman. Ingat tanga kapa naman." Pangiinis nung Axel, sinamaan ko nalang ito ng tingin at siya naman ay ngumisi. Magbabayad ka! Buwisit makakaganti din ako sayo!

"Oh naiinis kana naman jan? Sus baka kayo pa ang magkatuluyan sa huli no. Ayiiie." -Joana

Hindi no! Hinding hindi!

Hopeless RomanticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon