Chapter 6

24 1 0
                                    

"Anong ginagawa mo dito?" Pinipilit kong maging cold sakanya dahil ayoko munang makipag ayos, gusto ko pang magtampo sa kabila ng mga nasabi niya sa akin. "Nandito ako para humingi ng sincere apology. Sorry na baby ko." Shet bat ang gwapo niya, tapos ang sweet, umiinit na naman yung pisngi ko pakiramdam ko namumula ako. Ano ba ito!

"Umalis kana." Sabi ko dito at naglakad paalis pero bigla niya akong hinila at niyakap ng mahigpit, "Sorry na.. Please? Hindi ko sinasadya. Nagselos lang ako." Pagpapaliwanag nito sa akin, "Bakit ka naman magseselos? Diba Pretend lang naman itong meron tayo?" Nagtatakang tankng ko dito, "I mean syempe diba? Ano, ganun talaga. Sorry na okay?" Hays kundi ka lang marunong magpacute nasapak na kita, "Oo na sige na." Hindi ko talaga siya matiis, ang shunga mo Roma.

Pinapasok ko ito sa bahay at umakyat muna ako para mag ayos. Pagbaba ko ay may pagkain na sa mesa, "Wow ah marunong ka palang nagluto." Sabi ko dito, "Siyempre naman, nagaral ako para sating dalawa." Sabay kindat neto sakin, "Malandi ka talaga kahit kailan." Pangasar ko sakanya at umupo na para kumain.

Itatanong ko paba sakanya kung sino yung babaeng kayakap niya kahapon o hindi na? Baka kasi mag away na naman kami pag in-open ko yun.

Tahimik lang kaming kumakain hanggang sa diko na natiis, "Sino yung babae kahapon?" Ay shit nadulas ako patay ka Roma, "Little sister ko, si Sandra. Sa lola ko siya nakatira kasi walang kasama sa bahay si Lola and siya yung nagpapa-aral sakanya ngayon. Namiss ko nga siya ng sobra dahil bihira nalang kami magkita." Namutla ako sa nalaman ko, umiyak iyak pako kahapon, kapatid niya pala iyon ang shunga mo talaga Roma, "Kaya pala umiyak ka kahapon, nagselos ka." Nakangisi nitong sabi sakin, "Hoy hindi ah. Akala ko kasi iniwan mo nako dun diko alam pauwi kaya umiyak ako." Pagdadahilan ko dito, "Asus nagselos ka kamo!" Heto na naman ang pangiinis niya, inirapan ko nalang siya.

Pagkatapos namin kumain ag niligpit agad namin iyon tsaka hinugasan, umupo nalang muna kami sa sala tsaka nanood ng TV.

"Bakit nga pala madumi ka kanina? Bat ka umuwi?" Tanong nito sa akin, "Si Eliza kasi nung nagpunta ako ng canteen dahil magisa ako at nasa library si Joana for her assignment ayun napagtripan niya ako tinapunan ako ng Juice." Kuwento ko dito, "Ginawa niya yon?!" Gulat nitong sabi, "Ay hindi sinabi niya lang!" Pamimilosopo ko dito, "Sabi ko nga." Pagkatapos nun ay nagkaroon ng katahimikan, ang awkward naman. Ano bang itatanong ko? Baka mabigla na naman ako magtanong eh.

"Paano kung mainlove ako sayo?" —Siya at Ako

Nagulat ako ng magkasabay kaming dalawa. Nagkatalikuran kaming dalawa dahil sa hiya namin sa isa't isa. Pero napagisipan na naming magharap ulit, "Paano nga ba?" Tanong ko sakanya, "Hindi ko din alam eh." Sabi nito, "Hayaan mo na. Diba pag tinigilan kana naman ni Eliza titigil na tayo? Saglit nalang yun hintay lang dapat." Sabi ko dito at ngumiti siya habang tumatango.

Tahimik nalang kaming nanood ng TV, tapos hindi ko na alam ang nangyari, nakatulog na yata ako..

--

Joana's POV

Nandito ako ngayon sa Library at kanina pako nagreResearch para sa assignment ko, humiram nalang ako ng Libro para dalhin sana sa Room or sa Bahay then kinabukasan ko nalang siya ibalik. Pumayag namaa yung Librarian at nilista ko yung pangalan ko sa mga hiniram na libro.

Pababa ako ng second floor kung nasan ang library ay napatingin ako sa Canteen, nakita kong binuhusan ni Eliza ang Bestfriend kong Roma, tumakbo nalang ito pabalik ng Room, dali dali akong tumakbo pababa papuntang canteen para harapin si Eliza.

"Hoy babaeng espasol! Ang kapal naman ng mukha mong buhusan ng juice yung bestfriend ko! Alam mo? Hindi mo yan kinaganda! Kinawalan mo ng modo yan tanga! Sa susunod na guluhin mo pa ang bestfriend ko? Ako makakalaban mo." Galit kong sabi dito, alam ko namang napahiya sya pero pakialam ko? Namamahiya sya so deserve niya lang iyon, tinalikuran ko siya at umalis na.

Pumunta ako ng classroom para sana kausapin si Roma pero wala na siya don. Umuwi siguro siya, kaya hinayaan ko nalang. Panigurado gusto niya ng space sa mga oras na ito. Wala nadin doon si Axel. Hay baka naglalampungan na naman yung dalawang yun sa oras na ito.

Okay speaking of Axel and Roma, alam ko namang mabilis mafall si Roma kahit sinusupladahan niya si Axel alam ko naman na masaya parin siya pag kasama ito, at kinikilig siya sa mga anat ni Axel, kaso ang ayoko lang is pag nafall siya, malalaman niya di naman siya sasaluhin, ayokong umasa siya or mag assume, ayoko kasing masaktan siya lalo't wala pang experience ang puso niya. Paniguradong sobra siyang masasaktan sa first heartbreak niya kapag ganon.

Pero, wag naman sana.

--

Axel's POV

Nakatulog na si Roma sa sofa, hinayaan ko nalang ito at diko na inistorbo, ang ganda niya talaga kapag tulog. Hindi joke lang, kahit galit siya, kahit umiiyak, nagseselos, nagtatampo, masaya, gising o tulog pa siya, napakaganda niya parin talaga.

Sinisisi ko ang sarili ko ngayon kung bakit siya pinagiinitan ng ibang estudyante sa Campus. Dahil yun sakin, sorry Roma kung nadadamay ka pero salamat dahil hindi ka parin sumusuko sa favor ko sayo kahit nahihirapan kana.

Sana mas tumagal pa ito, bakit? Kasi gusto pa kitang makasama, natatakot ako na kapag tinigilan na tayo ni Eliza eh iiwan mo na ako at hihinto na natin ito. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko pero ang alam ko lang ngayon...

Mahal na Kita at diko kayang mawala kapa sa tabi ko..

--


Nagising ako, nakatulog pala ako ng hindi ko namamalayan, paglingon ko s atabi ko ay nanduon din si Axel, natutulog din pala siya, ang gwapo niya talaga, ang sarap niyang titigan, parang ayoko ng kumurap pa, dahil sa anghel na nakikita ko na nasa tabi ko ngayon, sana manatili nalang siya sa tabi ko, sana wag na siyang mawala. 

Pakiramdam ko kasi hindi ko kakayanin kapag nangyari iyon, Sana mahalin parin namin isa't isa, yung pagmamahalan na hindi na pagpapanggap? Yung tunay na talaga.

Humiga nalang ulit ako, ewan ko pero may nagtulak sakin na yakapin siya at ipatong ang ulo ko sa dibdib niya. Ang sarap ng ganito sa pakiramdam, sana walang magbabago. Sana ganito nalang palagi.

Mahal kita, Baby Ko.

Hopeless RomanticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon