Sarap na sarap ako sa pagtulog nang magulat ako sa pagbangon ni Axel, "Rapist ka no?! Bat ka nakayakap sakin ha?! Pinagnanasahan mo ba ako ha?!" Nanlaki ang mga mata ko sa reaksyon niya, "Wow ha! Ako? Pagnanasahan ang isang katulad mo? Sus wala ka ngang abs." Sabay bangon kong sabi dito, "Ako wala akong abs? Gusto mo ipakita ko sayo?" Nagulat ako sa sinabi niyang iyon..
"Tigilan mo nga ako. Bababa nako." At agad akong lumabas ng kwarto, habang pababa ako ng hagdanan tawa siya ng tawa, dinig na dinig ko yung boses niya, "Hahahaha! Duwag!" Dinig ko pa dito, susugod sana ako ulit sa kwarto, pero nung humakbang ako bigla akong nadulas at nagpagulong gulong sa kama.
"Oh ano nangyari sayo?!" Nyenyenye as if naman may pake ka. "Wala! Dun kana nga!" Sabi ko dito, nang tatayo na ako ay naramdaman ko yung kirot ng pwetan ko kaya bumagsak ulit ako, "Ouch.. Double Kill.." Naiiyak kong sabi, "Kasi naman ang kulit mo eh, Oh may gasgas ka din sa siko. Ano ba yan, sa susunod magiingat ka ha?" Pagkatapos niya akong sermonan nagulat ako nung binuhat niya ako paakyat sa kwarto, "Hoy! Saan mo ba ako dadalhin?!" Inis kong tanong dito, "Wag ka mangarap, kahit kailan diko pangangaraping makita katawan mo! At ikama ka no! Sus dalawa nga likod mo."
Aba ang kapal din naman pala ng pagmumukha netong lalakibg to ha! Baka gusto niyang ipakita ko. Sinamaan ko nalang ito ng tingin, nagulat ako nang kunin niya kamay ko at tiningnan yung siko, kumuha siya ng alcohol, OMG!
"W-wag yan! A-ayoko niyan!" Sabi ko sakanya, ayoko ng alcohol, mahapdi siya sobra. Diko kaya, "Kailangan ito para agad gumaling tsaka para mawala nadin yung bacteria na pumasok jan sa sugat mo." Pagpapaliwanag nito, hinayaan ko nalang pero nung nilagyan niya na ng alcohol gamit yung bulak ay napaluha ako.
Kinuskos niya lang ng konti tapos hinipan niya para mawala yung hapdi. "Oh wag kana umiyak. Sorry kung dikita pinakinggan, gusto ko lang mawala na agad yan para wala ka ng nararamdamang sakit. Next time, mas magingat kapa okay? Ayoko ng lampa." Nakangising sabi nito, tinaasan ko siya ng kilay sa sinabi niya, "Ahuh, ako lampa? Wow ha. Kapal mo!" Tumawa nalang siya sa sinabi ko at inalalayan ako pababa para magmiryenda na daw kaming dalawa. Sumunod naman ako sakanya.
Nagprito siya ng dalawang itlog tapos nilagyan niya ng catsup, tsaka niya pinalaman sa pinainit na tinapay sa Oven. Nakakainis itong lalaking ito, pero hindi ko maipagkakailang masarap talaga siyang magluto.
"Chef kaba? Ang galing mo magluto." Sabi ko dito habang kumakagat sa pagkain ko. "Hindi, bata palang kasi ako tinuruan na ako magluto ni Papa, kapag may free time kaming dalawa para sa isa't isa tinuturuan niya ako, para daw pag nag asawa ako ng hindi marunong magluto, matuturuan ko o kaya maipagluluto ko siya." Kuwento nito, nice naman. "Buti kapa mapalad sa pagluluto. Samantalang ako tigakain lang sa may mesa." Sabay pout kong sabi sakanya.
"Gusto mong palarin?" Tanong nito.
"Ha?" Nagulat ako ng sampalin niya ako ng mahina, hindi siya masakit no. Pabiro lang naman.
"Ay grabe ka ha! Diko gets ano ba yun?"
"Nag rereact ka dimo pala gets? Siraulo kaba?" Pangaasar nito sakin. Sinamaan ko nalang siya ng tingin."Gusto mo turuan kitang magluto?"
--
Joana's POV
Pauwi na ako ngayon galing school, maaga yung uwian namin sa ngayon, infairness nakakatuwa dahil wala ding mga gawain for school, makakapagpahinga ako mamaya ng maaga.
Naglalakad ako papuntang paradahan ng jeep, nang makasalubong ko si Eliza at ang nga alipusta nito. Pauwi nalang makikita ko pa si Hudas.
"Hi Joana. Hmm, gusto ko lang na sabihin mo sa mahal mong bestfriend, na magiingat siya. Dahil hindi niya alam kung ano pa ang kaya naming gawin sakanya sa mga susunod na araw." Sabay lagpas nito sa akin. Medyo kinabahan ako dahil baka mapahamak si Roma.
Hindi ko na muna iyon pinansin at agad na akong sumakay ng jeep.
Mabilis naman magdrive yung driver kaya mabilis din akong nakauwi. Dali dali akong pumasok sa loob at nagulat ako sa nadatnan ko. Si Roma at Axel, nagluluto.
"Ay ano ba! Yung masakit!"
"Kailangan mong magtiis sa sakit! Para mas masarap mamaya."
"Ay ganon ba iyon? Okay okay."
"Good."Akala ko kung anong pinaguusapan nilang dalawa kaya agad na akong pumasok, "Hoy! Anong ginagawa niyo? Anong masakit at masarap ang naririnig ko aber?!" Napabalikwas silang dalawa nung makita akong pumasok, "Kasi masakit sa balat yung mantika, sabi niya tiisin ko para daw mas masarap yung luto." Pagpapaliwanag naman ni Roma, wow ha talagang depensang depensa?
"Woah. Nagluluto kana bes?" Tanong ko dito habang paupo sa may upuan sa may mesa. "Yes. Tinuturuan ko siya, para naman pag nagka-anak na kami matuto siya." Sagot ni Axel sabay kindat kay Roma, "Malandi ka pa sa mas malandi. Leche ka." Inis na sabi ni Roma sabay irap dito. Nakakatuwa talaga silang dalawa lalo pag nag aasaran ang cute nila.
"Guys nakasalubong ko si Eliza kasama mga alipusta niya kanina." Balita ko sakanila at agad naman silang tumakbo paupo din sa tabi ko, "Oh anong nangyari after nun?" Tanong ni Roma. "Sabi niya sabihin ko daw kay Roma na magiingat siya dahil hindi niya pa alam ang mga susunod na mangyayari sa mga susunod na araw." Kuwento ko sakanilang dalawa. Nanlaki naman ang mga mata nila. "Tingin ko mas kailangan ko pang ingatan at bantayan si Roma." Sabi ni Axel, "Wow ha ikaw lang? Sinolo mo naman." Sabi ko dito, "Oo naman, sakin lang si Baby Roma." Inirapan lang siya ni Roma. Natawa na naman ako.
"Guys amoy sunog.." sabi ni Roma, "Yung niluluto!" Tarantang sabi ko, agad nilang binuhusan ng tubig yung frying pan. Tumalsik naman yung ibang mantika sa damit ni Axel, pero kahit pa sa damit iyon ay tumagos parin sa balat niya kaya nakaramdam siya ng hapdi.
Nataranta naman si Roma kaya agad niyang hinubad yung T-shirt ni Axel.
"Hoy teka bat moko hinubaran?!" Gulat na tanong ni Axel.
"Eh kasi baka mas mapaso kapa eh! Oh ayan sayo na jusko concern lang eh!" Sigaw ni Roma sabay hagis pabalik ng T-shirt ni Axel.
"Aminin mo na kasi na pinagnanasahan moko!" Pang aasar ni Axel.
"Umasa kang kupal ka!"
"Diko na kailangang umasa no. Sa gwapo kong ito? Babustedin mo?!" Pagmamayabang ni Axel kay Roma.
"Gwapo nga may abs ba!" Choosy pa si Roma eh nakikita niya naman na yung 6pack abs ni Axel.
"Meron nakikita mo na nga eh. Ikaw? Dalawa likod!" Sagot naman ni Axel. Narindi ako sakanilang dalawa. Haha.
"Magsitigil na nga kayong dalawa. Baka kayo pa nga magkatuluyan sa huli eh!"
BINABASA MO ANG
Hopeless Romantic
Romancesi Roma ay isang Hopeless Romantic, tanging sa libro, tv, at sa ibang couples kinikilig. NBSB siya at ayaw pa magmahal dahil takot pa siyang masaktan, Pero paano kung mainlove siya kay Axel ng dahil sa Pretend Relationship nilang dalawa para layuan...