Maaga kaming nagising na tatlo, nagulat naman si Jona nang malaman niyang nandiro si Axel, kinwento ko nalang lahat sakanya. Pila pila kaming tatlo sa CR ang tagal naman pala talaga maligo nitong si Axel, diko na matantya!
"HOY! NAFLUSH KANA YATA JAN EH!" Sigaw ko sakanya, sakto naman biglang bumukas ang pintuan, niluwa non yung topless na katawan niya, habang pinupunasan niya ang ulo niya ng tuwalya, parang nagslow motion lahat ng nasa paligid ko, napatingin ako sa abs at muscles niya, grabe.. pwede nako mamatay..
"Huy! Masiyado ka natulala sa kagwapuhan ko!" Pang aasar nito, diko namalayan nakanganga na pala ako habang ginagapang ng mga mata ko ang katawan niya, "Ang kapal mo! Para ka talagang almanac!" Sigaw ko, "Hoy may maliligo pa oh! Dali!" Sita samin ni Jona at agad naman akong naligo.
Mabilis lang iyon dahil sobrang lamig ng tubig, ayoko ding malate baka anong klaseng parusa ang ibigay sakin or let's just say samin.
Mga 20mins lang ako naligo at agad akong lumabas para magayos na ng Uniform at magsuklay. Yung mga tinapay na hinanda ni Jona para samin kanina ay dinala nalang namin iyon at agad kaming pinasakay ni Axel sa sasakyan.
Katabi niya ako sa front seat at si Jona naman ay sa likod at nagsusuklay.
"Alam mo—"
"Hindi pa." Sabat agad ni Axel
"Hoy dipa ako tapos magsalita!" Sigaw ko ulit,
"Alam mo bang—"
"Hindi nga sabe." Naginit ang dugo ko,
"Leche! Wag na nga!" Narinig ko siyang natawa dahil sa inasal ko, kainis kung alam niya lang na siya ang dahilan bat kami nalate ngayon! Pasalamat siya sa abs niya!Mabilis naman siyang nagdrive kaya agad kaming nakarating, ang problema lang ay late kami ng 15mins. Kainis naman oo.
Hindi tuloy kami pinapasok sa first subject. San pa nga ba yung bagsak naming tatlo? Malamang sa Canteen lang. Tatanga lang kami dun na parang 3 Idiots.
Habang naglalakad kami ay binatukan ko si Axel, "Aray! Ano ba! Itong Jetmatic nato!" Inis niyang sigaw, "Eh ikaw kasi eh! Ikaw may kasalanan neto eh! Kundi ka inabot ng pasko at bagong taon dun sa CR edi sana hindi tayo late!" Sigaw ko habang tutok na tutok ang mukha ko sa mukha niya, tumitingkayad lang ako dahil sa sobrang tangkad niya.
Habang dumadada ako ay nagulat ako nang.. halikan niya ako..
"Tapos kana?" Tanong nito. Naglakad ako ng mabagal na parang lutang, nakahawak lang ako sa labi ko, grabe.. yung first kiss ko.. bulong ko sa sarili kong pagiisip. Pati si Jona ay napatakip ng bibig na halatang nagpipigil sa pagtili nang makita niya kung paano ako halikan ni Axel. Sana walang nakakita nun dahil naglalakad kami ngayon sa court papuntang Canteeb, kasi sa court namin pag lumingon ka doon pag nasa room ka, lahat makikita mo, pero sana walang nakatingin kanina.. Ikamamatay ko..
Nakarating na kami ng Canteen at unupo sa isang sulok, ganun padin ang ayos ko, nakatanga, parang wala sa sarili, walang imik dahil sa sinapit ko kanina. Grabe talaga, hindi ko alam na hahalikan niya ako. OMG.
Tumingin lang sakin si Axel at nginisian ako na parang nang aasar siya sakin, ang kapal neto ha.
Hindi ako mapakali at parang naiilang ako kaya nagexcuse muna ako na magCR lang ako sandali, gusto ko muna mapagisa, nagpa-Process pa sa utak ko na may first kiss na ang kagaya kong Hopeless Romantic.
Jusko, ang kagaya ko na linikilig lamang sa mga teleseryeng napapanood ko kagaya ng Forevemore, ang kagaya ko na kinikilig lang sa mga fictional character, ang babaeng kinikilig lang sa ibang couples na pagka sweet sweet.. May nakakuha na ng first kiss niya.
Grabe hindi ko matanggap! Grabe bat ganon yung feeling! Hindi man lang ako ready sa pagkawala ng virginity ng labi ko! Pananagutan mo ako Axel! Walangya ka!
BINABASA MO ANG
Hopeless Romantic
Romancesi Roma ay isang Hopeless Romantic, tanging sa libro, tv, at sa ibang couples kinikilig. NBSB siya at ayaw pa magmahal dahil takot pa siyang masaktan, Pero paano kung mainlove siya kay Axel ng dahil sa Pretend Relationship nilang dalawa para layuan...