Chapter 5

18 1 0
                                    

"Yow wassup men!" Sigaw ko sa isang bar kahit alam ko namang walang nakakarinig sakin dahil sa sobrang lakas ng music at madaming tao, maingay din. "Alam niyo bang ang shaket shaket?! Chobrang shaket kaya!" Alam ko namang mukha akong tanga na nagsasalita dito sa isang sulok sa may table, kausap ang sarili ko.

Naka tatlong bote nako kahit first time ko palang uminom ng alak kaya sobrang lakas ng tama sa akin.

Hindi ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko, parang may mali kasi eh. Parang di ako mapakali, may kumikirot sa dibdib ko. Siguro nga mahal ko na si Axel, pero bakit ganon? Sobrang bilis naman yata? Atsaka baka magalit siya dahil masiyado akong nagpakainlove sa Pretend Relationship naming dalawa, umiyak na ako ng umiyak habang iniinom yung alak na inorder ko sa waiter.

"Hi miss, let's dance?" Nagulat ako nang may nag aya sa aking sumayaw. Pumayag nalang ako para naman mawala kahit papaano yung mga problemang iniisip ko. "Woooh! Ang sarap magsayaw yeah!" Sigaw ko, nagulat ako ng humawak yung lalaki sa bewang ko, nagsayaw parin ako dahil para sakin wala naman itong malisya, "Yeah yeah yeah! Party party madlang people!" Sigaw ko ulit, sa ganitong oras biglang humawak na siya sakin sa boobs, di ako nakapagpigil nasapak ko siya.

"Bashtosh ka ha! Ano ha!" Lasing kong sabi dito na may pagewang gewang pa, "Miss alam ko namang gusto mo rin eh kaya nga nagBar ka diba?" Papalapit ulit siya sakin pero tinutulak ko siya, namimilit siya. Nagulat ako nang may humila sakanya at sinapak siya nung lalaki, "Wag mong babastusin si Roma!" Nagulat ako sa lalaki, si Axel naba ito? Sana nga siya na, nang matapos na silang magsuntukan ay nilapitan nako nung nagtanggol sakin, "Dionisio?" Nagtataka kong tanong, hinila niya nalang ako at sinakay sa kotse, ilang minuto pa ay naging black na yung paningin ko..

--

Paggising ko sa umaga ay diko alam kung nasan ako, ang sakit ng ulo ko grabe. Bumangon ako para maghilamos, nasan ba ako? Hindi ko naman ito kwarto ah?

"Good Morning. Gising kana pala. Ready na yung breakfast sa ibaba. Magayos kana din pala, ihahatid na kita sainyo baka nag-aalala na si Joana tsaka si Axel." Nagulat ako ng pumasok si Dionisio sa kwarto, "Ano bang—" diko natuloy ang tanong ko ng takpan niya bibig ko, "Ssh, oo nalasing ka kagabi, may nambastos sayo pinagtanggol kita, diko din kasi alam bahay niyo kaya dito na muna kita iniuwi, don't worry, si Mama ang nagpalit ng damit mo." Pagpapaliwanag nito, napatango nalang ako at lumabas na siya ng kwarto para mabigyan ako ng oras sa pag aayos.

May damit na nakaplastic sa isang Table, mukhang bagong bili iyon. Kaya sinuot ko na, tamang tama lang yun sakin. Nag suklay nako ng basa ko pang buhok at agad na akong bumaba dahil baka naghihintay na sila sakin doon.

Nakita ko na nanduon ang Mama ni Dionisio, "Good Morning Hija. Kamusta na pakiramdam mo?" tanong nito sa akin, "Maayos napo ako. Salamat po sa pagpapatuloy niyo sa akin dito." Magalang kong sagot dito, kumain na kami ng almusal at nagpahinga lang saglit pagkatapos noon ay inihatid na ako ni Dionisio sa amin, tinuro ko lang ang mga dadaanan para alam niya na.

Nang makarating na kami, "Salamat sa paghatid. Magiingat ka." Tsaka ako ngumiti sakanya, ngumiti din siya pabalik at nagdrive na paalis.

Pagpasok ko sa bahay, ay nanduon si Joana at si Axel..

"Saan ka nanggaling?" Seryosong tanong ni Axel, "Bat mo naman tinatanong?" Maldita kong sagot dito, "San ka sabi nanggaling?" Tanong niya ulit sa akin, "Okay fine! Nagpunta ako sa may Park, umiiyak ako sa kadahilanang dimo dapat malaman tas nilapitan ako ni Dionisio at kinomfort ako, tapos nung gabi nagpunta ako magisa sa Bar, naglasing ako, may nambastos sakin ma nanuntok dun sa lalaki at si Dionisio yun,iniligtas niya ako, paggising ko nandun nako sa isang kwarto, ang sabi niya—" diko na natuloy ang sasabihin ko dahil sa pinangunahan niya ako, "May nangyari no? Meron ba Roma ha?! Meron?! Ano? Bumigay kana ba talaga sakanya? Binuka mo naba mga hi—" diko na siya pinatuloy sa pagsasalita dahil sa sinampal ko siya, "Hindi ako ganong klase ng babae! Sa susunod matuto kang patapusin ang isang tao sa kanyang paliwanag bago mo pangunahan!"

Galit kong sigaw dito at dumiretso na sa kwarto ko. Bakit ba nangyayari sakin ito?

--

Lunes na naman maaga na naman kaming pumasok ni Joana dahil may parusa kapag nalate ka kahit segundo lang. Tahimik akong pumasok sa classroom, oo galit parin ako kay Axel hanggang ngayon, hindi naman kasi tama yung ganon ang isipin niya, hindi naman ako malandi para pagisipan niya ng ganon.

Umupo nako, napansin kong wala si Dionisio, hinayaan ko nalang.

Naghintay nalang kami na dumating ang Teacher namin sa First Subject. Naglecture lang naman kami, ewan ko nakakaramdam ako ng pagkaboring kaya tinulog ko nalang.

Nagising ako dahil sa lakas ng Bell, recess na pala, nakita ko si Axel na nakaheadset lang sa kinauupuan niya at nakapikit, nakaangat ang ulo niya at nakatapat sa dingding, diko ito pinansin at dumiretso nalang ako sa Canteen, Umorder na ako at kumain magisa, si Joana daw kasi nagreresearch sa mga books sa Library para sa assignment niya kaya hinayaan ko na muna siya.

Habang kumakain ako biglang may lumapit sa akin na babae at binuhusan ako ng juice, nagulat ako doon dahil malamig din kasi. Nang makita ko kung sino, si Eliza na naman pala. Diko ito pinansin naglakad nalang ako pabalik sa Room, habang papasok ako sa Room ay umiiyak akong kinukuha ang bag ko. Wala na doon si Axel.

Naisipan ko nalang lumabas ng Campus at umuwi na. Alam ko namang mukha akong pulubi sa loob ng jeep dahil sa sobrang dumi ng damit ko dahil dun sa ibinuhos sa akin nung Eliza na yun. Pinagtitinginan ako ng mga pasahero pero nakaligtas din ako kaagad dahil mabilis naman magmaneho ang driver.

Pagbaba ko sa Jeep nagulat ako sa sumalubong sa akin..

"Axel?" Nagtataka kong tanong..

Sorry na kung nagalit ka di naman sinasadya Kung may nasabi man ako init lang ng ulo Pipilitin kong magbago pangako sa iyo Sorry na nakikinig ka ba? Malamang sawa ka na

Sa ugali kong ito na ayaw magpatalo
At parang sirang tambutso na hindi humihinto

Sorry na talaga kung ako'y medyo tanga
Hindi ako nag-iisip na-uuna ang galit
Sorry na talaga sa aking nagawa
Tanggap ko na mali ako wag sanang magtampo Sorry na

Unti unti siyang lumapit sakin habang may hawak na roses. Jusko totoo ba ito?

Hopeless RomanticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon