Nagising nalang ako sa isang kwarto, masakit ang ulo ko, ang buong katawan mo, lalo na ang pisngi ko. Saktong pagkagising ko pumasok si Axel, "Kamusta kana?" Seryosong tanong nito habang nakatayo sa harapan ko at nakahiga naman ako, di nalang ako sumagot dahil diko pa kaya, "Diba sinabi ko naman sayo?! Na wag kang lalayo!" Nagulat ako ng sigawan niya ako, "Pero bakit hindi ka sumunod!" Sigaw ulit niya at nabato ang upuan sa sulok, nanlaki ang mga mata ko at naiyak na, humagulgol ako, natakot nako ng sobra kaya tumakbo nako palabas ng kwarto, hinanap ko si Jona pero wala siya..
Tinry ko bumaba sa kusina at doon ko sya nakita, nagulat din siya ngumiiyak ako, yumakap ako sakanya lalo na nung nakita kong papalapit si Axel samin, "Roma, look.. I'm so sorry. Nabigla lang ako." Takot ako sa mga lalaking naninigaw, kaya nagkaPhobia na yata ako sakanya, nagtatago parin ako sa likod ni Jona kahit nagsosorry siya hindi ko siya pinapansin.
Nang uupo na kami ay tumabi siya sakin pero agad akong lumayo dahil sa takot ko.
Kumain na kami ng almusal, "Bes, papasok pala kami ni Axel maya maya, maiwan kana muna dito ha? May pagkain sa Ref. Kailangan mo munang magpahinga. You're not allowed to go to school pa eh." Pagpapaliwanag ni Jona, "Papasok ako." Sagot ko, "Pwede wag kang makulit?!" Nagulat na naman ako nang sigawan ako ni Axel, napayakap ako sa braso ni Jona, "Ano ba axel! May phobia si Roma sa mga naninigaw!" Sigaw sakanya ni Jona, umiiyak na naman ako.
Tinapos ko na ang pagkain ko at agad na nag ayos, sumunod naman sakin si Axel, habang nagsusuklay ako ay kinakausap niya ako, "Sorry.." sabi nito pero hindi ko siya pinapansin, namumuo ang sakit sa puso ko sa mga oras na ito. Kinuha ko na ang bag ko atsaka sabay sabay na kaming pumasok.
Tahimik lang ako pagdating sa school, hindi ko parin pinapansin si Axel, sabay kami pumasok sa room namin dahil magkasection kaming dalawa. Nilibot ng mga mata ko ang buong Room at napansin kong wala si Eliza at ang mga alipusta niya.
Nilapitan ako ni Dionisio at nagtanong kung ayos na ako, tumango lang ako dito at umupo nako sa desk ko.
Wala naman na gaanong ginagawa dahil sa malapit na ang bakasyon, puro nalang vacant madalas kaya minsan tumtunganga nalang ako habang nakatingin sa labas ng bintana, nagbibilang ng mga estudyanteng naglalakad.
Maya maya ay naramdaman kong may tumabi sakin, nilingon ko ito at nakita kobg si Axel, tinuon ko nalang ulit ang sarili ko sa may bintana nang makita kong siya ang tumabi sakin.
"Sorry. Please?" Pagmamakaawa nito, hindi ko nadin siya natiis, automatic na nagsalita ang bibig ko, "Hm. Oo na." At ngumiti ako sakanya, ayoko nadin naman nang pahabain pa ang issue, alam ko namang nagaalala lang siya ng sobra sakin.
"Sorry.. ang tanga ko hindi kita naprotektahan ng mga oras na iyon." Paghingi nito ng sorry sa akin, "Ayos lang iyon. Wala na tayong magagawa, nangyaro na eh. Ang mahalaga dumating ka at nagalala ka padin sa akin." Sabi ko sakanya at nginitian ulit siya, ngumiti naman siya pabalik.
Pumunta kami sa Canteen at naisipang mag Order ng pagkain dahil na nagugutom ako.
Ang saya pala ng ganito, walang nanggugulong mga tao gaya nalang nila Eliza, parang kaming dalawa lang ni Axel ang nasa mundo nang oras na oyon dahil sobrang tahimik at kami lang ang naguusap doon.
Maya maya ay may biglang tumakbo papunta sakin na kaklase ko, "Roma roma! Top 1 ka! Tapos si Axel, Top 2!" Sigaw nito nang tuwang tuwa, napanganga naman ako at napangiti, napangiti din si Axel doon sa balitang nalaman naming dalawa.
Kinongrats namin ang isa't isa.
"Nga pala, kailan ang graduation?" Tanong ko kay Axel, March 26." Sagot nito, excited nako.. Sabi ng Teacher namin, mula daw bukas ay magpapractice na kami for the Graduation day at para sa speech namin ni Axel, kailangan daw ay Own Speech ang gagawin namin, kahit pa daw tagalog ayos lang.
Kinakabahan man ako pero may halong excitement din. Hindi ko akalaing magkaCollege na kami next year. Paramg napawi lahat ng mga problemang nangyari sa amin ni Axel, napalitan iyon ng tuwa at ng saya.
Kailangan ko na din siguro siyang pakawalan.. iyon ang nararapat.
BINABASA MO ANG
Hopeless Romantic
Romancesi Roma ay isang Hopeless Romantic, tanging sa libro, tv, at sa ibang couples kinikilig. NBSB siya at ayaw pa magmahal dahil takot pa siyang masaktan, Pero paano kung mainlove siya kay Axel ng dahil sa Pretend Relationship nilang dalawa para layuan...