Chapter One

58 4 0
                                    

"Melladynne!" malakas na sigaw ng papa kaya agad agad akong lumabas sa aking kuwarto at pumunta sa sala kung saan nandoon si Papa.

"Po?" tanong ko agad kay Papa.

"Halika rito anak" malambing na tawag ng ama at agad akong lumapit. Kinuha niya ang aking kamay mahigpit na hinawakan. Kaya agad akong napatingin kay papa. Ang kanyang buong mukha ay halata ang pagod at ang mga mata naman niya ay puno ng lungkot. Hindi ko alam pero nasasaktan ako na ganito ang itsura ng aking ama na para bang pasan ang mundo.

" Bakit po Papa, may problema ba sa ating hacienda?" tanong ko sa kanya.

"Mula ng mamatay ang Mama mo, pinangako ko na sa sarili ko na hindi kita pababayaan. Na lagi kitang protektahan at alagaan... Masakit man para sa akin ang desisyong aking gagawin ay wala akong magagawa kundi sundin ito...." pag kukuwento ni Papa sa akin habang puno ng lungkot ang kanyang mukha.

"Papa anong ibig mong sabihin? Anong desisyon?" taka kong tanong.

"Maghanda ka.... Bukas luluwas tayo patungong Maynila. Magsuot ka ng magandang bestida.. Pupunta tayo sa mansyon ng mga Valdamueraz" sabi nito sa akin at agad na umalis.

Anong gagawin namin sa Maynila? tanong ko sa aking sarili

Kinabukasan ay maaga akong gumising para mag handa sa lakad namin ni Papa.

Pagkatapos kong maligo ay sinuot ko ang kulay beige na cross neck type na bistida na may desenyong flowers na hanggang tuhod ko. Brinaid ko din ang aking buhok at ginawang bun pagkatapos.

Sinuot ko din ang kulay krema kong 4 heels inches. At pagkatapos ay nag apply ako ng light make up.

Napatingin ako sa pinto ng may kumatok.

"Tapos kana ba anak? Aalis na tayo" sabi ni Papa.

" Opo pa, lalabas na po" sabi ko at kinuha ang purse ko at cellphone. Lumabas ako at nakita ko si Papa na nakasuit. Agad naman siyang ngumiti sa akin at lumapit.

"Ang ganda naman ng prinsesa ko, manang mana sa nanay niya" sabi ni papa at hinalikan ako sa noo.

" Salamat po Papa, tara na po" anyaya ko.

Agad naman kaming umalis sa hacienda namin. Habang nasa daan ay nasa isip ko parin kung anong gagawin namin sa Maynila.

Apat na oras kaming nakabyahe ni Papa at sa wakas ay nasa Maynila na kami. Nagulat pa ako ng huminto anng sasakyan ni Papa sa isang napakataas na gate. Napamangha pa ako ng otomatikong bumukas ang gate. Nag simula ng mag drive si Papa hanggang sa nakarating kami sa harap ng napakalaki at marangyang mansyon.

Bumaba kami sa sasakyan pero ako ay tumitingin tingin sa paligid na namamangha.

"Sir Meljun? Sir Alexus and Madam Maureen is waiting for the both of you" napatingin ako sa lalaking nakaformal suit at nakasalamin.

Agad kaming sumunod sa kanya papasok sa mansyon. Ang marble floor ay kumikinang na pati repleksyon mo ay makikita. Kulay gold ang theme sa loob ng bahay. Malalaking chandelier at mga maids na naka uniform na sobrang cute katulad ng nakikita ko sa japanese style na maid costume.

Hanggang sa nakarating kami sa sala ng mansyon. Nakaupo sa kulay itim na sofa ang mag asawang Valdamueraz. Halatang mayaman sila dahil sa mahal nilang pananamit.

"Kumpadre!" nagulat ako ng tinawag ng lalake si Papa.

"Alexus" sambit ni Papa at nakipagkamay sa lalakeng nag ngangalang Alexus.

"Is she your daughter?" sabi ni Mr. Valdamueraz.

"Yes, and I'm also here to make you change about our deal" sabi ni Papa.

His Secret WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon