It is now Thursday of the third week of September
Naging normal naman ang takbo ng mga araw
Paaralan Bahay
Bahay PaaralanHayysssttt ganito ba talaga kung walang kang love life o ka fling ba namn
Ano bayan bakit naiisip ko yon.
Tsk ito naba ang nadadala ng boredom ano ano ang naiisip ko.Hindi kasi pumasok ang papalit ng buntis naming english teacher
Diko talaga gets bakit buntis palagi ang mga teacher sa English Dept at walang absent ang mga teacher sa Math dept.
Hayyyyyyy
"Hoy parang pasan ang mundo ha" sabi ni Rova. Itong babaeng to ngayong araw lang pumasok.
"Kita mo bang may dala ako" pilosopong sagot ko sa kanya
"Luhhh bakit kagalit,tumayo ka nga" utos niya sa akin
"At bat ako tatayo"pero tumayo naman ako
"Tatayo naman pala eh,talikod ka" sinunod ko ang utos niya "para wala ka namsn ngayon ha" dagdag niya pa
Iniisip ba niya na mayroon ako ngayon, weirdo nang babae na ito
"Pinagsasabi mo dyan, at hoy bat hindi ka nagpakita ng 2 araw san ka galing at late kapa ngayon dumating"
"Ahh wala...by the way may na miss ba akong activity?"
May tanong pa sana ako pero alam ko namang wala akong makukuhang matinong sagot sa babaeng to mag kukwento naman to kung may problema
"Swerte mo umabsent ha, Walang exam o recitation na ganap halos lectures lang naman busy na kasi because of upcoming journalism contest" sagot ko sa tanong niya... kompleto yan ha paano pa at isang broadcaster ako sa school
"Sabi ko na nga ba eh"sabi niya na may snap pa ng fingers "Pinagtitripan na namn ako ni Mazhe"
Sinabi niya sa akin na sabi daw sa kanya ni Zhe na nagkaroon daw kami ng long test sa Biology at recitation sa Earth Science at nag groupings din daw sa Komunikasyon at Pananaliksik at ang mga absent ay individual performance
At dahil may trust issue to si Rova nag tanong daw siya ulit sa akin dahil alam niya na magsasabi ako ng totoo at may sira daw sa utak ni Zhe
Tsk. bat naman ako magsisinungaling nasasayang oras ko diyan"Humanda sa'kin yang weirdo na yan"
Sakto naman dumaan si Mazhe sa corridor
"HOYYYYY!!!! HOY ZHE HALIKA DITO"
Yun tumakbo na si Mazhe habang hinahabol naman siya ni Rova, nasa third floor pa naman kami.Parang yumuyug pa naman ang building kung may tumatakbo Pag sila nakita ni Mrs. Rodriguez o ng SSG OFFICER bahala talaga sila.
At na ewan na naman akong mag isa
Habang nag iisip ako ng family tree sa binabasang kung story sa isang reading app may tumawag sa akin si Kren ang bading namin na vice president
"Hmmm" pero diko siya nilingon
"Rye may naghahanap sayo wag mong paghintayin"
"Yeah wait"
Paglabas ko ng classroom nakita ko si Yavi sa labas na nakangiti
Kaya pala ganoon maka asta si Kren
Matik na nilingon ko si Rino sa kanyang upuan at tama nga ako na nakatingin siya sa gawi namin ni Yavi.
"Psstt" sita sa akin ni Yavi
"Kanina payan tingin ng tingin oh" nguso niya sa gawi ni Rino na ngayon ay nakakunot ang noo nagbabasa sa kanyang notebook.
Himala yata at hindi siya naglalandi ngayon."Wag mo nang pansinin ang bayot na yan"
"Wehh he's ba---,ohhh whatever" sabay paspas niya sa ang kanyang kamay a gesture on dismissing a topic
"Well pumunta lang ako dito to invite you on Joji's birthday this Saturday"
Huh?bat siya ang nagsasabi sa akin nito
"Na busy kasi si bruha kaya ako na ang pinag utusan" as if reading whats on my mind kanina "and Im throwing some errands here in your building, someone reported to us kasi na may nagtatakbohan na naman daw its either nasa second floor or third floor. Kaya nag yes nalang din ako" at automatikong hinanap ng aking mata si Mazhe at Rova san kaya napadpad ang dalawang yon.
"By the way gonna go now, I have a meeting to attend pa. BYE"
Babalik na sana ako sa likod na pingtambyan ko kanina pero sinalubong na ako nga mukha ni Levirino
"Oh ano tinanong mo naba siya?"
I just rolled my eyes and walk passed by him pero before pako makalayo hinawakan niya na ang wrist ko napahigpit pa yun. Ganyan na ba talaga siya ka desperado.
"May ano kaba ngayon bat ang attitude mo?"
"Bat kaba tanong ng tanong at bakit ba daming nagtatanong sa akin ng tanong na yan"mabilis kung sabi
"Huh?"
"Ha-"
"Wag mo akong sagutin ng hotdog,hamburger o halaman baka makakatikim ka sa akin"putol niya sa akin
"At sinong nagsabi na sasabihan ko ang mga katagang yan, I have manners you know. At anong pinagsasabi mong matikman diyan"
He just smirked at me and said
"Nah dont mind that at baka kiligin ka lang"Kilig your Face as if!!!
"At anong pinagsasabi mong manners eh you almost walked out of me" dagdag niya pa
"Kasi alam ko kong ano ang lalabas sa bunga-nga mo"
"Grabe naman to such a judgemental person" humawak pa siya sa dibdib umaaktong nasasaktan
"Tsk"
"Hoy ano tinanong mo na?"pagpigil niya sa akin sabay hawak sa siko ko
"Wag mo na akong kulitin okay dahil no parin ang sagot ko sayo and always a NO!!!"pasigaw kung sabi sabay bawi ko sa braso ko. Hindi naman ako isang klaseng babae na nag eeskandalo na iirita na talaga ako kay Rino
"Ohhhhhh basted kana pala Sanko"
"Give up kana kasi pre"
"Okay lang yan pre nandito lang kami para sayo"
"Chicks boy talga nito"
Kantyaw ng mga lalaki naming ka klase
Nasa teacher's table kasi kami nag sisigawan ayon mukha na kaming mag jowa na nag aaway buti nalang wala si Vienna baka nasabunot na ako ngayon
Nakita ko sa mukha ni Rino ang pagtataka
"Pinagsasabi mo?" Lito niyang saad
"Ang sabi ko na tanong mo naba si Mazhe para sa report natin,anong pinagsasabi mong NO so hindi mo pa natanong sa report natin"
"Ahhh....heheheh" LOL pahiya ako dun ha buti nalang at hindi malakas ang pakasabi niya non at may kanyang kanyang ginagawa na ang mga tao dito
Kaya pala may binabasa siya kanina sa report pala namin yon akala ko charot charot lang niya yun
"Nan dyan na si maam mamaya nalang natin pag-usapan ang report" sabay talikod sa akin "mga babae talaga oo" mahinang dagdag niya pero rinig ko naman malakas yata pandinig ko
Naputol ang pagiisip ko ng bumulong si Mazhe sa akin
"Pahiya ka ghurl"
Mamaya ka sa akin Zhe tutulungan ko na talaga si Rova sa paghabol sayo

BINABASA MO ANG
To Be Determined
Teen FictionLabel is a must Determine in what spectrum you two belong