BASKETBALL

0 0 0
                                        

Friday na naman...arghhh

For some people Friday is Friyay because the last day of classes  pero sa section namin its #FRIDEAD

Ano ba kasi ang meron sa Friday Rye. Na kung maging tao man ang araw na Friday mapapatay mo na ito

Oh well ano bang meron sa Friday

NUMBER 1
Long long long long long long 100x Quizzes
As in lahat ng subject nagkakaroon

Parang may galit yata ang mga teacher sa amin eh or taas lang talaga ng expectation nila. Tsk.

Mga kaklase ko naman kasi ginagalingan ayon mga teacher naman grabe ang demand.HOO!!

Number 2
P.E

Disclaimer lang hindi namn sa hindi ko gusto ang P.E. actually gusto ko ang sports

Pero hindi naman ako nag eenjoy sa P.E. dahil na (pe) pressure ako

Gingrade ba naman

Okay lang kung ang grading eh ang participation

Pero kung sa score sus ewan ko nalang kung mag eenjoy ka

Lalo na kung may hindi ka inaakalang mangyayari

Flashback Last Friday

"Prrttttt..." Pito ni Sir Michael sa mga STEM 1

"Dahil tapos na kayo sa pag stretching proceed na tayo sa actual game"

"Sir naman, pwede another practice pa"

"Sir plsss have mercy"

"Sir parang hindi pa namin kaya"

Reklamo ng mga babae sa teacher nila, ngayon na kasi ang game nila kung saan 40% or their grade will depend on the performance of the game

The class consist of 37 students so the teacher divided them into 4 teams.

The counting starts to one and then end at four to determine their teammates

Nagkakagulo na ang lahat at naghahahanap ng mga pwesto ang mga studyante na malayo sa kanilang kaibigan para may possibility na magkasama sila

Pero sa gilid makikita si Rye na bored na bored naka Indian sit. Ang kanyang kanang pisngi ay nakapatong sa kanyang kanang kamay na nakapatong naman sa kanyang legs
(Kayo na magisip kong anong ang kanyang posisyon)

Napaupo nalang ng tuwid si Rye nang tinawag siya ng teacher nila

"Ms.Mawid"

Dahil hindi nakikinig si Rye sa numbering nasabi niya ang numerong wala sa numbering

"Ah,sir number 5"

Natahimik lahat ng kaklase niya na ngayon ay nakatingin na sa kanya.

Doon lang nagpagtanto ni Rye na 4 lang pala ang last number at dapat 1 ang sinabi niya

Naputol lang ang katahimikan ng tumawa ng Malakas si Viro na sinundan nag ibang nakakabasag natawa ng kaniyang ibang kaklase

Napahampas nalang sa mukha si Rye sa kanyang katangahan

Naputol lang ito ng nagsalita ang teacher sa harap

"Dahil gumawa ka ng sarili mong gropo Ms. Rye at alam natin na wala kang kasama dahil number 4 lang naman dapat wala kanang kasama sa activity na ito"

"Huh sir pano yan, anong gagawin ko"

"Hmmmm" pag iisip ni Sir Michael

"Ahhh, ikaw ang magiging water girl ngayon"

At doon humagalpak ng tawa ang mga ka klase niya lalo na ang kaniyang mga kaibigan

End of Flashback

At yun wala akong grade sa game na yun patay talaga ako kung na aapekto yun sa grade ko

Kaya wag kayong tanga na lumilipad ang utak kung nag(gro) groupings wag niyo akong tularan

Well ngayon nandito kami ngayon sa gym para sa 2nd game

Meron na akong team ngayon absent kasi si Rova. Well for now lang naman.Ewan ko ba kung sasaya ako dahil absent siya o ma(wo)worry ako dahil dami na niyang absent

Kaya gagalingan ko talaga sa game ngayon para makabawi man lang sa katangahan last week

Nag start na ang game at nag-volunteer na ako sa leader namin na pumasok sa court para makabawi man lang

Kalaban namin ngayon ay group 2 kung saan nandoon si Trixie at Manjo mga ka klase kung kasali sa Basketball team ng school

Naging mainit ang laban

well sana masabi ko yan

Pero hindi eh tambak kami

"Prrt...travelling"saad ni sir

"Sir pwede time out muna" sabi ni Gwen

"Oh sige I'll give you a minute

"Ano ba yan Rye, kanina kapa" saad ni Viro na ngayon ay nagagalit na dahil tambak na kami dahil sa travelling violation ko

Si Viro lang kasi ang nagpapa score sa group namin kasali din kasi siya sa basketball team

Ewan ko ba sa gigil ko yatang maka score hindi ko na namalayan na hindi napala ako nag(di)dribble papuntang basket

"Tignan mo nga score natin 13-25, ang tambak" matapos niya tignan ang score board tumingin siya sa akin ng matalim at tinulak ako

"Chill ka nga bro" saad ni Trixie na ngayon ang nasa kilid ko na sila ni Manjo

"Ano ka ba babae yan" pigil naman ni Rino kay Viro

"Sinasabi niyo lang yan dahil hindi niyo feel ang matambakan at hindi niyo siya kasama" sabay turo ni Viro sa akin

"Hoy Viro wag kangang O.A." Trixie

"Tsk,bitawan mo nga ako" sabi bawi niya ng kanyang braso na hawak ni Rino at hinagis niya sa kilid ang bola

"Okay class" napatingin kami sa nagsasalita si si ma i aanounce yata "lets just continue our game next week for the principal is calling an urgent meeting balik  kayo sa classroom niyo"

"Yes sir" saad ng president namin

"Okay kalang" sabi ni Trixie sabay haggod sa likod ko

"Sus,yung lalaking yun Nagkatupak na naman yata" saad ni Rino sabay tingin sa nilabasan ni Viro kanina

Tumingin siya sa akin gamit ang malumanay niya mga mata bakit ganyan siya makatingin "Gusto mo bang lumipat sa team namin kakausapin ko si Sir para doon" dagdag niya pa anong nakain nito at bakit gumagwa-- no way neverr

"Chanseng kalang bro eh" bulong ni Manjo na ikinakunot namn ng noo ni Trixie

Even tho I need to say thank you to them for protecting me from Viro at baka nasuntok pa ako kanina ang comforting me umalis na lang ako doon at pumunta sa girls powder room

Dahil feel ko maiiyak na ako at ayokong mag nakakita sa aking umiyak.

Hindi ako umiyak dahil kay Viro ha

Hmm maybe slight pero mas naiiyak ako sa pag comfort nila sa akin eh

Huhuhuhuhuh.. O.A. mo Rye

Ewan ko ba kung bakit ganoon ako kung may nag(co)comfort sa akin mas naiiyak ako kaya mas mabuti pang umalis nalang ako doon

At anong nakain ni Rino at bumait yata sa akin ngayon

Hmmmm i smell something fish--

Shuta ako lang pala

Nangangamoy na ako

Shower room nalang ako pupunta







To Be DeterminedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon