Simbahan

0 0 0
                                        

"Rye,hija tanghali na"

Gustong gusto ko talaga si nanay Ed. Nagpapasalamat talaga ako na siya ang nagpalaki sa akin. Si mama kasi nasa Dubai nagtatarabaho tatay ko naman, sabi nila nalunod sa sabaw kaya hindi ko na siya na kilala.

Mula pagkabata noong nagstop na ako sa breast milk feeding si Nanay Chardee in short for Nanay Chard ay kapatid ng lola ko na Ina ni mama. Wala din siyang pamilya kaya siya na ang nagkupkup sa akin habang si mama ay nagta-trabaho sa malayo.

Gaano kalaki ang pagmamahal at pasasalamat ko kay Nanay Chard ganon din kalaki (maybe 1/4 lang) ang pagkainis ko kung ginigising ako ng maaga ni nanay

"Ano Rye alas dyes na, di kapa babangon dyan?"

Pustahan tayo hindi pa talaga alas dyes.

Pagtingin ko talaga sa relo ko ALAS OTSO KINSE PA SA UMAGA!

Ito talaga si nanay always advance ng 2 hrs and ilang minuto.

"Nanay naman ang aga pa, alas otso pa at weekend ngayon"

Kakababa ko lang at nasa kusina na ako ngayon

"Anong maaga sa alas otso aber, kanina pa ako gising alas singko" sermon ni Nanay Chard

Iba po kasi ang body clock ng mga bata at matatanda

Gusto ko sana yan sabihin pero ayaw kong magsalita pabalik kay Nanay Chard

"At ikaw na nagsabi ng weekend ngayon, anong weekend naba ha?" Dagdag niya pa

"Linggo po" sagot ko

"O alam mo pala at san tayo pupunta"

"Sa simbahan po"

"O yun nga buti alam mo, maligo kana baka ma late tayo sa misa at baka mapagawa pa ako ng bagong pinto."

"Po,anong kinalaman ng pinto sa pagsisimba"

"Baka hindi kana makakapasok dahil mataas na ang sungay mo"

Aba't si Nanay grabe na talaga sa akin masyadong marami ng nalalaman dapat kana ipatumba Nay

Pero joke lang yun no. Napakamot na lang ako sa aking batok.Nanay talaga

Pagkatapos kung mag almusal dumiretso na ako sa banyo para maligo at baka makirot pa ako sa tagiliran ni Nanay.

"Rye tapos kana, hali kana at baka mahuli pa tayo"

"Opo na pababa na po"

"Kay ganda naman ng apo ko"
Bakas sa mukha ni nanay ang sensiridad sa kanyang sinabi
O baka sa soot ko lang talaga

Sinoot ko ngayon ang regalo ni Nanay Chard na blue poet sleeved dress . Masasabi ko talaga may taste of fashion si nanay. Galing!!

"Bolera naman tong si Nanay O, halika ka na at baka ma huli oa tayo" paggagaya ko sa kanya

Natawa nalang si nanay sa inasta ko. Ang soot ni nanay ay  white terno white blouse and skirt at may tabing sa ulo.

Pagkadating namin sa simbahan hindi pa naman nagsisimula ang misa. Mabuti nalang at baka ma sesermonan pa ako na may kasamang kirot galing kay Nanay Chard.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 26, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

To Be DeterminedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon