#ROADTRIP
CHAPTER 1
Alas-kwatro ng hapon habang naglalakad si Jane sa pasilyo ng school ay hinabol sya ng kaklase at kaibigan na si Anie,kasama nito ang dalawa pa nilang kaibigan na sina RJ at Gabriel.
"Ang bilis mo namang maglakad,Jane"hingal na sabi ni Anie ng makarating sa tabi ng dalaga.
"Nagmamadali kase ako,bilin ni mama na tumao ako sa kaha ng aming tindahan."sagot ni Jane kay Anie.
"Mag-unwind naman tayo,dala ni Gabriel yung kotse nya."ani Anie.
"Hindi kase pwede.Tumango na ako kay mama,sabi ko ay aagahan ko nalang ng uwi para tumao ako sa kaha ng tindahan namin.Nako sa susunod nalang ha?"anya at pinagpatuloy ang paglalakad.
Hindi natigil si Anie sa pangungulit sa kaibigan kahit tumanggi na ito."Sabihin mo nalang friend na may biglaang group study tayo tungkol sa science subject natin, at kailangan natin magresearch."
Napangiwi si Jane dahil sa sinabi ni Anie."Gawin ba naman akong sinungaling."anya ng dalaga.
Umirap si Anie sa hangin at nagpatuloy."Sige na sumama kana..Minsan lang naman toh kaya sige na Jane sumama kana."umangkla sa braso nya si Anie.
"Hindi nga pwede.Tumango na ako kay mama at hindi ko na pwedeng bawiin yon."anya.
Humarang si RJ sa harap ng dalawa kaya napahinto sila sa paglalakad."Sige na Jane pumayag kana.Ngayon nga lang naitakas ni Gab yung tsikot nya.Alam nyo naman na may pagkaistrikto parents ni Gab."giit ni RJ."Bihira lang maitakas yung tsikot,buti nalang pumayag yung driver nila.Bigla kasing sumakit ang tiyan,may LBM si Mang-Pro,kaya pagkakataon na natin na makapag-Road trip tayo."
Tumabi si Gab sa kaibigang si RJ at inakbayan ito."Saglit lang naman tayo,Jane, kaya pumayag kana."dadag pa ni Gabriel.
"Sige na Jane pumayag kana."pangungulit pa ni Anie at bahagyang hinahatak ang braso nya.
Sa tagal ng pakiusapan ay napapayag ng mga ito si Jane.Napabuntong hininga nalang ang dalaga."Sige na nga."Nakangiti nitong tugon sabay dukot ng cellphone nito sa loob ng bag.
Tinawagan nya ang kanyang mama na baka gabihin sya ng uwi sa kadahilanang may group study sila at kailangan nilang magresearch sa science subject nila.Pinayagan naman sya ng mama nya.
"My God,tinuruan nyo pa akong magsinungaling sa mama ko."kunsuming anya ni Jane.
"Worthy naman toh,Jane, kaya no probs narin.Enjoy mo nalang."
"Nakukonsensya tuloy ako.Ito kasing si Anie ayaw magpapigil.Napakakulit,galang-gala lang?"nagtawanan nalang silang apat dahil sa sinabi nya.
Ilang saglit pa ay lulan na ang mga ito ng kotse , nasa unahan sina Gabriel at RJ habang ang sina Anie at Jane ay nasa likuran.Inikot nila ang ka-maynilaan , binagtas ang kahabaan ng EDSA.Dumaan sila sa isang gasulinahan at nagpagasolina.Akmang bubuhayin na ulit ni Gabriel ang makina ng kotse pero nagsalita si Anie.
"Wait--- bibili muna ako ng makakain."anya ng dalaga.
Lumingon naman si Gabriel sakanya at tumango.
Tumingin si Anie kay Jane na tahimik lang na nakaupo."Jane, come with me.We're gonna buy some foods, im hungry na eh"anya nya.Binuksan ni Anie ang pinto ng kotse at bumaba.
"Okay."maikling tugon ni Jane, pero nanatili paring nakaupo sa loob ng kotse.Hanggang ngayon kase hindi sya mapalagay dahil hindi nya na nga sinunod ang mama nya, nagsinungaling pa sya.Naramdaman siguro iyon ng kaibigan kaya nalukot ang muka nito.
"Jane, if I were you? I just enjoy this Road Trip..I mean minsan lang gumala yung trops and ngayon lang din naitakas ni Gab yung kotse nila.You should smile, Jane."anya ni Anie.
Bumuntong hininga si Jane at pilit na ngumiti."Oh ayan na nakangiti na ako."anya.
"What's the problem ba? you look bothered."tanong nito.
"Si mama kase..Ngayon ko lang kase hindi nasunod yung utos nya, tapos nagsinungaling pa ako.Hayy ewan.."sambit ni Jane.
Ngumiti si Anie."We tell tita kapag nakauwi na tayo but for now? please enjoy, pampabawas stress din toh."tumango si Jane at bumaba narin ng kotse.
Pumasok ang dalawa sa convenience store na nasa gilid ng gasoline station.Kumuha ng cart si Anie at tinulak ito , si Jane naman ay tahimik lang na nasa gilid nya at sinasabayan syang lumakad.Isa-isang naglagay si Anie ng sari-saring tsitserya sa cart, mga softdrinks at mga snacks.
Matapos mamili ay tinungo nila ang counter at binayaran ang mga ito.Lumabas na ang dalawa at sumakay muli sa kotse.Pinaandar agad ni Gabriel ang kotse ng makasapasok sila.
"Saan yung akin dyan?"tanong ni RJ at saglit na sumulyap sa dalawang nasa likod, binalik muli nito ang tingin sa cellphone na hawak at seryosong nagpipipindot doon.
Napangiwi si Anie."Geez' RJ.You like being addicted at that game? Alam mo bang muka ka ng may anak sa sobrang hagard mo? like, pwede mong itry na itigil yan."
"Alam mo Anie Perez, pro ako! malakas ako!"giit ni RJ.
"Pro.Problemado na si Tita Regin sayo!"sarkastikong anya Anie.
Ngumisi si RJ at saglit na sumulyap sa dalaga."Ang gwapo ko para mamoblema si Mommy saken! Anie Perez, kung ako sayo gumaya kana lang sakin.Dami kayang chika-babes ang humahanga saken."giit muli ni RJ kaya napairap nalang si Anie sa hangin.
"I think you have to rest your brain.Masyado ng nagiging toxic yang utak mo kaya you hallucinating at saying kung ano-ano."anya.
Natawa si Gabriel sa sinabi ni Anie pati si Jane na nananahimik."Boom bars!"sabay na bigkas ng dalawa.
_
ENJOY READING<333
THANKS FOR READING
@AYA_TAFALLA
BINABASA MO ANG
ROAD TRIP | Horror | Completed✅
HorrorMuling binalot ng katahimikan ang loob ng sasakyan.Habang lumalalim ang gabi wala parin silang makita kundi mga punong kahoy na nagtataasan sa gilid ng daan.Puro mga damo at mga puno ang nakapalibot dito.Tanging headlight lang ng kotse at liwanag ng...