#ROADTRIP
Chapter 5
Palapit ng palipit ang yabag ng paa, paingay ng paingay ang kalansing ng kadena.Mas lalong dinamba ng takot ang dibdib ni Jane ngunit sa kabila noon ay sinubukan nya paring pakalmahin ang sarili.Nagugulumihanan man sa mga nangyayari ay nanatili lamang syang kalmado.
"A-Anie, narinig mo ba yon?.."tawag nya sa kasamang babae na mahimbing parin ang tulog, niyugyog nya na ito ngunit hindi ito natinag at natulog parin.Napatingin si Jane sa bintana ng makarinig ng pagaspas ng pakpak na animo'y isang malaking ibon.
"A-Ano yon?!...Anie wake up will you!"pero walang saysay lang ang pag-alog nya dahil nanatili lang itong tulog.
Nanguyampit ang kahoy na sahig dahil sa bigat ng paang tumatapak dito.Mga kadenang patuloy sa pagkalansing at ungol ng taong nakakakilabot kung pakinggan.Dala ng kuryosidad ay tinungo ni Jane ang bintana, unti-unting sinilip kung ano nga ba ang naririnig.
Wala syang nakita..
Maliwanag na buwan, nakikita nya ang mga puno, walang hangin kaya imposibleng hangin yon.Ni wala ngang gumagalaw na dahon at sanga.
"Masisiraan ata ako ng ulo sa bahay nato.."bulalas ng dalaga.Namamawis na ang magkabilang kamay, nanginginig na dala ng pinaghalong kaba at takot.Akmang maglalakad na pabalik ng higaan ng marinig muli nya ang pagspas ng malalaking pakpak.
"My god! ano ba talaga yon? dala ba ng pagod to?"tanong ni Jane sa sarili.Isinara nya ang kahoy na bintana hinanap nya ang lock nito pero wala syang nakita.
"Sadya bang walang lock to?"kinakabahan nyang tanong, sinampal nya ng mahina ang pisngi dahil sa naisip."Coincidence happen all time, Jane! don't be a paranoid wacko.."anya.
Ginising nyang muli si Anie ngunit sadyang mahimbing ang tulog nito kaya hindi talaga magising-gising.Napagpasyahan nya nalang na ang dalawang kaibigang lalaki ang gisingin.
"RJ, Gabriel, gumising kayo.."sambit nya at paulit-ulit na kinalabit ang mga ito.Biglang kumalampag ang bintana at nagdulot iyon ng ingay sa buong kwarto.Napabalikwas tuloy ng bangon ang dalawa.
"Ano yon!?/ Pro, anyare?"halos magkasabay na tanong ng dalawa.Sa sobrang lakas ng kalampag sa bintana ay talaga namang nakakagising ng kaluluwa.
May kung anong bagay sa bintana ang paulit-ulit na humahampas kaya nagsimula ng dambahin ng kaba ang tatlo, liban kay Anie na mahimbing ang tulog na walang kaalam-alam sa nangyayari sa paligid.
"Pro ano yon?! bakit may kalansing ako ng kadenang naririnig!"bulalas ni RJ na nanlalaki ang matang napatingin sa pinto.
"What the heck is happening, Jane? Anong nangyayari!?"bulalas din ng binatang si Gab.
Inilagay ni Jane ang hintuturo sa pagitan ng kanyang labi na para bang sumisenyas ng katahimikan."Huwag kayong maingay.."pabulong na wika ng dalaga sa dalawa."Maghanap tayo ng pangharang sa bintana dahil wala itong lock."dugtong pa ni Jane.
"Ano bang nangyayari , Jane?"tanong ni RJ sa kaibigan ngunit umiling lang ito.
"I have this feeling na may hindi magandang mangyayari.Ginising ko na si Anie pero hindi sya nagising, kaya ngayon tayong tatlo muna ang gagalaw.Maliwanag ba?"anya ng dalaga sa mahinang tono, mababakas ang kaba sa boses ng dalaga pero napanatili nya parin ang hindi pagkautal.
Tumango ang dalawa at tumayo naman si RJ."Dapat malaman ni Manang Cora itong nangyayari sa lintek na bahay nya! tyaka CR muna ako."bago pa man makapaglakad si RJ ay hinakan ni Jane ang kanan nitong braso.
"Alam mo ba kung nasaan yung CR?"tanong ni Jane.
Nagkibit-balikat si RJ."Hindi."anya.
Nairap tuloy ng mata si Jane."That's the thing RJ! hindi mo alam--wala ni isa satin ang may alam sa bahay natoh.Mas mabuting huwag ka na lang lumabas pakiramdam ko may naghihintay saatin once na lumabas tayo sa pintong yan!"wika ng dalaga at hindi maiwasang mabahala.
"Naiihi na kasi ako---alangan naman dito ako umihi sa kwartong toh? ambastos ko naman kapag ganon!"giit ni RJ.
Hindi na napigilan ng dalawa ang paglabas ni RJ kaya isinira nalamang nila ang pintuan ng kwarto at naghanap ng pangkandado sa bintana.Nakahanap si Jane ng malaking lubid, numero dyes ang kapal nito.Tatalian na sana nila ang bintana pero bigla itong bumukas.Tumambad ang pigura ng isang babaeng hati ang katawan, hanggang bewang.Mahahaba at matutulis na mga kuko sa kamay, mapupula ang nanalilisik nitong mga mata, dilat at para bang gusto ng lumabas sa pagkakaluwa.
Matutulis ang mga ngiping palabas sa bibig nito.Mga buhok nitong tila mga alambre sa tigas.Gumagalaw na parang may buhay.May malalapad na pakpak na mahahawig sa pakpak ng paniki.Gusto nitong pumasok sa kwarto, pilit na pinsgkakasya ang sarili sa bintana.Nakakangilabot ang hiyaw nito sa kagustuhang makapasok sa bintana, tumutulo ang laway nito sa bibig, hayok na hayok na siyang matikman ang mga sisilain nya.
Gumalaw papasok ng kwarto ang malaalambre nitong buhok, napaatras ang magkaibigang Jane at Gabriel.Papunta sa direksyon nila ang mgs buhok ng halimaw.Napasigaw si Jane sa takot at napayakap kay Gabriel.Lumakas pa lalo ang nakakakilabot na sigaw nito.
"Dapa!"sigaw ni Gabriel kaya dumiresto sa dingding ang malaalambreng buhok, doon ito tumusok.Nagising si Anie dahil sa komosyon, napabaling agad ang tingin nito sa dalawang kaibigan na nakadapa kapagkuwan ay lumingon sa halimaw na nasa bintana.Nagtitili si Anie dala ng takot at nanginig ang buong katawan.Dahil sa ginawa nya'y nabaling ang atensyon ng halimaw sakanya
Ipinulupot ng halimaw ang buhok nito sa katawan ni Anie, pinasok ng buhok ng halimaw ang mata, ilong , tenga at bibig ng dalaga."H-Help me!"sigaw ng sigaw si Anie.Lumalabas na sa mata at ilong ng dalaga ang sariwang dugo na sa kapulahan ay mas lalong nagpatakam sa halimaw.
Ilang segundo pa ang tinagal na pagsisigaw ng kawawang dalaga bago ito mawalan ng boses na tila ba patay ba ito.Lupaypay ang katawan habang dumudugo ang muka nito.Nahimasmasan si Gabriel at tumayo ito.
"Magtago ka, Jane."pabulong na wika ni Gabriel.Hinampas nito ang hawak na lubid sa halimaw , hindi nya tinigilan ang paghampas hanggang sa mabitawan ng buhok nito ang katawan ni Anie.
"Sh*t hindi dapat nangyayari toh.."halos maiyak na ang binata habang hinihila ang halos wala ng buhay na katawan ng dalaga sa sahig.Awang-awang si Jane sa sinapit ng kaibigan.
"Jane tulungan mo akong iharang itong kama sa bintana."
Saglit na tumahimik ang paligid.Pilit na iniharang ng dalawa ang kama sa may bintana pero hindi nagtagal ang ganoong sitwasyon.Ipinagaspas ng halimaw ang malalaki nitong pakpak, isinandal naman ni Jane at Gabriel ang mga katawan sa kama habang nakatulak ang mga paa sa sahig upang hindi makapasok ang halimaw.
_
ENJOY READING<333
THANKS FOR READING
VOTE AND COMMENT
@AYA_TAFALLA
BINABASA MO ANG
ROAD TRIP | Horror | Completed✅
HororMuling binalot ng katahimikan ang loob ng sasakyan.Habang lumalalim ang gabi wala parin silang makita kundi mga punong kahoy na nagtataasan sa gilid ng daan.Puro mga damo at mga puno ang nakapalibot dito.Tanging headlight lang ng kotse at liwanag ng...