PROLOGUE

261 10 0
                                    

SIMULA

Prologue



"Bakit parang hindi na highway itong dinaraanan natin, Gabriel? Pre nasan na ba tayo?"takang tanong ni RJ ng mapansing one way nalang ang dinadaanan nila at hindi na maluwag na highway.


Wala ng mga sasakyan na makakasalubong at makakasabay sa kalsada.Wala naring ilaw ng poste ang makikita sa gilid ng daan.Bukod tangi ang ilaw ng sasakyan ang tanging ilaw sa daan.



"Ano ka ba naman, Gabriel!? hindi mo man lang ba napansin na ibang daan na ang tinatahak natin? napalayo pa ata tayo sa highway!"ani Anie.




Gamit ang review mirror ay tumingin si Gabriel sa mga nasa likod."Ang sabi nyo Road Trip? bakit parang ngayon ako pa ang lumalabas na may kasalanan!?" himutok nya.




Napairap nalang si Anie samantalang humalukipkip naman si Jane."Road Trip nga!"sabay nilang bigkas.




"Road Trip nga pero hindi ibig sabihin ay lalayo tayo sa highway at pupunta sa hindi mo alam kung san lupalop ng pilipinas!"sarkastikong ani Anie.



Pumalatak si Gabriel dahil sa tinuran ng dalaga."Ano bang gusto mong gawin ko? bumaba ng sasakyan at hagilapin kung saan ba yung daan pabalik? Sige sabibin mo lang para matigil na yang kakareklamo mo!"inis nyang anya.



Napataas ng kilay si Anie."Anong sinabi mo?"



"Ang sinasabi ko kung gusto mo bang bumaba ako ng sasakyan at hagilapin kung saan ba yung daan pabalik."bakas ang sarkastiko sa boses ni Gabriel kahit ng mahinahon ang pagkakasabi nya non.



Humalukipkip ang dalaga."Wow Gab! ang galing mo.Ikaw na nga yung may kasalanan kung bakit tayo nandito? ikaw pa yung-----





"Tama na nga yan!"sigaw ni Jane dahilan para matigil ang dalawa sa pag-aaway.Napupuno na kase sya sa dalawa. Hindi na nga nila alam kung saan sila napunta, ang ingay pa.




"Wala namang maitutulong yang pag-aaway nyo satin.Wala na tayong magagawa, nandito na toh."bigkas ni RJ habang nakatingin sa suot nitong pambisig na relo."Mag-aalas onse ng ng gabi kaya maghanap muna tayo ng matutuluyan."dugtong nya pa.




"Tama si RJ.Magpalipas muna tayo ng gabi, baka kung ano pang mangyari sa atin."pag-sang ayon ni Jane.




Muling binalot ng katahimikan ang loob ng sasakyan.Habang lumalalim ang gabi wala parin silang makita kundi mga punong kahoy na nagtataasan sa gilid ng daan.Puro mga damo at mga puno ang nakapalibot dito.Tanging headlight lang ng kotse at liwanag ng buwan ang nagsisilbi nilang liwanag sa madilim na paligid.

_

ENJOY READING<333

VOTE AND COMMENT

@AYA_TAFALLA

ROAD TRIP | Horror | Completed✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon