#ROADTRIP
Chapter 7
Lumabas sila ng kwarto na halos pigil ang hininga at maingat na naglakad upang hindi makagawa ng ingay hanggang sa marating nila ang maindoor.Maingat na pinihit ni Jane ang doornub at binuksan ito.Nakahinga ng maluwag ang dalawa ng makalabas sa mala-impyernong bahay na kahit sinuman ay hindi nanaiisin na mapuntahan kahit sa panaginip.
Mabilis na naglakad ang dalawa papunta sa kanilang sasakyan.Mahigit isang metro nalang ang layo ng kotse sa kanila.
"Thank god ligtas na tayo.."mahinang sambit ni Jane.
"Ang susi?"tanong ni Jane kay Gabriel.
"Nandito nakalagay sa kanang bulsa ko"sagot ni Gab."Pakidukot naman Jane, pasan ko si Anie."dugtong pa nito.
Napataas ng kilay si Jane."H-Ha?"
"Don't be so malicious,Jane.."sagot ni Gabriel.
"Hindi ako ganon!"giit ni Jane.
"Ano magtatalo nalang ba tayo dito? sige na dukutin muna para makaalis na tayo sa lugar natoh."
"Ibaba mo nalang kaya muna si Anie.."bulong ni Jane na rinig naman ni Gabriel.
"Kukunin mo lang naman wala kanamang gagawin na iba----
"Oo na! oo na! e-eto na kukunin na.."pero nanatili lang na nakaiwas ng tingin si Jane.
Napaikot ng mata si Gab at ibinaba nalang si Anie bago kapahin ang bulsa at kunin ang susi mula dito.Hinarap ni Gabriel si Jane nakaiwas parin ng tingin.
"Huwag ka ng mag-abala nakuha kona"sambit ng binata.Humarap si Jane dito at nag-aalangan ng ngumiti.
Bubuksan palamang ni Gabriel ang kotse ng may kumaluskos malapit sa kinaroroonan nila.
Kasunod..
Kasunod nito..
Kasunod nito ang pag-atungal na para bang hayop sa likuran nila..
Napalingon silang dalawa..
Halos kapusin sila ng hininga sa nakita..
Natigil ang dalawa..
"I t-thought we're safe.."nasambit nalang ng binata habang hindi maalis ang tingin sa halimaw.
Kita mula sa liwanag ng buwan kung sino ang umatungal ng malakas.Isang lalaking medyo may katangkaran ngunit umbok ang likod nito kaya bahagya itong nakayukod.Mahahaba ang kamay nito na halos abutin na ang lupang kinatatayuan at matutulis ang bawat kuko nito sa daliri.
Nakakakilabot..
Nakakatakot..
Habang naglalalakad ito papalapit sakanila ay patuloy lang itong umaatungal..
Palakas ng palakas...
Lalong lumalaki ang boses nito...
Doon lang nakagalaw si Jane at pumulot ng sangang kasing laki ng kanyang braso.Sinalubong nito ang papalapit na kuba.
Hinampas..
Hinampas nya ito ng napakalakas..
Nawalan ng balanse ang kuba at natumba sa lupa, sumubsob ang muka nito dito.
"Gabriel! buksan mona yung pinto, maabutan tayo nila!"singhal ni Jane sa kaibigan.
Habang kasalukuyang binubuksan ni Gabriel ang kotse, walang humpay naman na pinagpapalo ni Jane ng hawak na sanga ang ulo ng kuba.Siniguro nya na hindi ito makakabangon para saktan sila, nasa isip nya lamang ang makaligtas.
Nabuksan na ni Gabriel ang pinto ng kotse, yumuko ito upang buhatin si Anie.Narinig nila ang pagaspas ng malalaking pakpak sa hangin.Kasabay nito ang pagdatingan ng iba pa.
Ang magandang babae...
Ang lalaking may ulo ng baboy ramo..
Mabilis itong tumatakbo papalapit sakanila..
"Gab sakay na!"
Nabitawan ni Gabriel si Anie, si Jane naman ay nakasakay na ng kotse.Bulusok ang babaeng hati ang katawan papunta sa direksyon ni Gabriel, dumapa si Gabriel upang iwasan ang pagdagit nito sakanya.Saktong ang binagsakan ng kamay niya ay ang kahoy na pinampalo ni Jane sa lalaking kuba.
Tumihaya si Gabriel at inumang ang putol ng kahoy sa tiyan nya.Dahil sa bilis ng pagbulusok hindi napansin nito ang kahoy na nakaumang dito.Napahiyaw ito sa naramdamang sakit.Natuhog pala ito sa kahoy na hawak ni Gabriel.Halos hindi makagalaw ang binata dahil dumagan sakanya ang hating katawan nito at dahil narin sa bigat nito.
Tumutulo ang malapot nitong likido mula sa katawan nito.Pilit nyang inaalis ang katawan, subalit hindi nya kaya ang bigat.Natigalgal naman ang dalawang papalapit na nilalang sakanila.Nanaghoy ang dalawa sa sinapit ng babaeng hati ang katawan.
"Jane h-help.."tawag ni Gabriel.Hindi malaman ni Jane ang gagawin, pilit nyang pinapagana ang nagugulumihang utak.Tiyak nyang kamatayan lang mapupunta ang lahat.
Napansin ni Jane ang dalawang rosaryo na nakasabit sa harap nya.Kinuha nya ang mga ito, saglit na nagdasal ang dalaga saka lumabas ng sasakyan.Ipinulupot ni Jane ang hawak na rosaryo sa magkabilang kamay.Naninigurado na kahit ano mang mangyari ay hindi ito mawawal sakanya.Ito nalang ang natitira nyang pag-asa, malakas ang pananalig nya sa diyos at alam nyang makakaligtas sila dito.
Sa sandaling yon ay unti-unting nagkaroon ng malay si Anie na inakala nilang patay na.Napahawak ito sa ulo bago unti-unting inikot ang paningin sa paligid.
"Jane! Gab! RJ! W-Where are you guys?"nanghihinang sambit ni Anie.Nang madako ang mga mata nya sa mananaggal na nakapatong sa katawan ni Gabriel ay nahindik sya.
Napatili ito ng malakas at naghisterikal dahilan para matuon ang atensyon ng dalawang halimaw dito.
"Rj! Jane! s-si Gab!"
Napalingon si Jane kay Anie.Nauna agad ang luha nyang bumuhos at akmang lalapitan ito upang tulungan ngunit mabilis na papalapit ang dalawang halimaw sa pwesto nito.
Naawa nyang tinignan ang kaibigan.Inakala nyang patay na ito dahil hindi na ito gumagalaw kanina dahil sa pag-atake ng halimaw rito.
"A-Anie!"
Napalingon si Anie kay Jane at itinaas ang isang kamay nito na sumisimbolo ng pagtigil o paghinto.Natigil naman doon si Jane, malungkot na ngumiti si Anie.
"S-Save Gab!"sigaw nito at tinuro si Gabriel na nadaganan ng mananggal.
"G-Go! G-Go save Gab! I-im gonna die, Jane but Gab..Y-You have to save him!"buong lakas nitong sigaw bago ilipat ang tingin sa mga halimaw na papalapit.
Nag-unahan sa pagbuhos ang mga luha ni Jane habang nakatingin lamang sa kaibigan si Anie na sinasakripisyo ang sarili.
Ang kaibigan nya..
"You should rotted in hell you damn monsters!"sigaw nito.
"You weak monsters! mga walang hiya kayo! go back to hell!"sigaw ito ng sigaw.
Doon lamang nakagalaw si jane, iniwas nya ang tingin kay Anie at pinuntahan si Gabriel.Tinulungan ni Jane na maitulak ang nakadagang halimaw dito.Napansin ni Jane na nagbago ang anyo ng manananggal.
"Manang Cora, si manang Cora ito Gab."tinulungan ni Jane na makatayo si Gabriel.Sandaling nilingon ni Jane si Anie na natigil na sa pagsigaw.
_
ENJOY READING 😘
THANKS FOR READING
VOTE AND COMMENT ✔️
@AYA_TAFALLA
BINABASA MO ANG
ROAD TRIP | Horror | Completed✅
HorrorMuling binalot ng katahimikan ang loob ng sasakyan.Habang lumalalim ang gabi wala parin silang makita kundi mga punong kahoy na nagtataasan sa gilid ng daan.Puro mga damo at mga puno ang nakapalibot dito.Tanging headlight lang ng kotse at liwanag ng...