Epilogue

122 7 0
                                    

#ROADTRIP

EPILOGUE

Jane's POV

Pagmulat ng mata ko ay isang puting kisame ang bumungad saakin.Dahan-dahan kong inilibot ang tingin sa paligid.

Sa amoy palang at sa itsura nito ay may ideya na ako kung nasaan ako.Dalawang taon na akong nandito sa apat na sulok ng puting kwarto natoh.Lagi lamang akong nakatanaw sa bintana at pilit na inaalala kung bakit kailangan kong mamalagi dito eh wala naman akong malubhang sakit.

Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito at pumasok si Mama at Papa.May dala silang basket ng prutas at plastik ng 7/11.Inilapag ni Mama ang dalang prutas sa mini table katabi ng kama ko at si Papa naman ay umupo sa paanan ng kama.

"Mama, bakit po ba kailangan kong manatili sa ospital? hindi naba ako mag-aaral?"tanong ko kay Mama habang binubuksan ang saging at kumagat ng maliit dito.

"Kailangan mo munang magpagaling bago ka bumalik sa school."sabi ni mama.

"Bakit sila Gab, Anie at Rj? bakit sila nag-aaral tapos ako hindi.Tapos ni hindi man lang sila nakakabisita sakin dito.Ang unfair ma, miss ko na sila."kunwaring natatampong sabi ko.

Kita kong natigilan si Mama pero ngumiti din naman.Lumingon ako kay Papa at ngumiti dito.

"Papa, tawagan mo naman po sila.. Please papa.."nagpacute pa ako kay Papa para mapapayag sya.

Umiling lamang si Papa at nag-aalangang tumingin kay Mama."Hilda.."mahinang sabi ni Papa.

Nagtataka ako sa mga kinikilos nilang dalawa tuwing tinatanong ko sakanila yon.Ano bang nangyayari kay Mama at Papa?

"Jane anak.."

Lumingon ako kay Mama, malungkot syang nakangiti at yung mata nya hindi rin masaya.

Teka bakit biglang nagbago yung mood nila?

"Jane anak huwag kang mabibigla ah.."anya.

Nagkibit-balikat ako."Pinagsasabi mo ma? bakit naman ako mabibigla?"tanong ko.

Bumuntong hininga sya."Patay na sila, Jane.."mahinang sambit ni Mama.

Naguguluhan ko silang pinagbalingan ng tingin."Sinong patay ma? yung mga kaibigan ko ba? prank ba toh? siguro nasa labas sila ng pinto noh?"natatawang tanong ko.

Parang bumigat yung pakiramdam ko sa sinabi ni Mama.Pero pinagsawalang bahala ko nalang kasi baka nga biro lang toh at papasok ng pinto si Anie at sasabihing.

"It's a prank!!"

"Patay na talaga sila, Jane.Tatlong taon kang comatose dahil sa pagkakahulog ng kotseng sinakyan nyo sa bangin.Tatlong taon na ang nakalipas ng mamatay ang mga kaibigan mo.."

Ewan ko pero bigla nalang pumatak yung luha sa mata ko.May parte sakin na hindi ako naniniwala sa mga sinasabi ni Mama pero meron ding nagsasabing maniwala ako.Pakiramdam ko totoo.

Nag-iwas ako ng tingin kay Mama at bumaling ng tingin sa bintana.

Ayokong umiyak..

Wala akong maalala..

Kahit ano wala akong maalala sa nangyari..

"Mama huwag mo naman akong biruin ng ganyan.Hindi naman sila patay diba? nasa malayo lang silang lugar? baka nga nasa school lang sila ngayon."sabi ko.

Ano bang nangyari?

Bakit hindi ako makaalala?

Ipinikit ko ang mga mata ko at pilit na inaalala ang mga nangyari.Sumasakit na yung ulo ko pero pinilit ko parin.

ROAD TRIP | Horror | Completed✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon