CHAPTER TEN: JEALOUS

31 0 0
                                    

DANA's POV

" Bakit di mo sinabi na part yun ng music video ninyo? " iritang tanong ko kay King.Narito kami ngayon sa studio nila dahil nagsuspend ang school ng klase dahil nagkagulo kanina dahil sa Numero Trese at sa mga paparazzi.

"I told Gian to tell Kara to tell you"

Tinignan ko si Gian

"I told her" he said pointing at Kara

I looked at Kara

"I told you" -Kara

"When? I couldn't remember "

"Kanina.Habang nasa room tayo"

Napaface palm na lang ako.Maybe that was what she's saying when I heard her mention Numero Trese

" So di mo alam na part yun ng shooting? "- Ash

"Hindi pa ba obvious? "

"But you acted great! Para talagamg damang dama mo yung scene kanina"-Blake

"How come?" makahulugan ang ngiting tanong ni Ash.

"Well....uhmm...teka nga! Paano nasingit si Claire sa scene? "

Mwahahaha! Ang galing ko mag-iba ng topic!

"Nagvolunteer siya since nagkasakit yung dapat na girl sa scene "-Violet

"That b*tch! Siya pa talaga ang nagvolunteer " -Kara

"Gutom na ako. Wifey samahan mo naman ako bumili ng pagkain "

Dub.dub.dub.dub.

For the first time,ngayon lang ako hindi nadiri na tinawag niya akong wifey. Ang sarap pala pakinggan.

"Stop smilimg like a crazy woman there. "

Tignan mo to.Kinikilig na nga ako panira pa ng moment.

"Crazy mo mukha mo! Bumili ka ng pagkaing mag isa mo! "

"At sinong nagsabing di mo ako sasamahan? "

"Ako! Bakit? May angal ka?"

"Tumigil ka na nga! Halikan kita diyan! "

"Puro ka salita kulang naman sa gawa! "

Ops! Patay! Sinabi ko ba talaga yun?

"So you want me to kiss you?" nakangiting tanong niya habang papalapit sa akin.

"B-bakit ka lumalapit? L-lumayo layo ka nga! "

"Bakit ka nauutal? "

"Ewan ko sa iyo! " sigaw ko sa kanya bago naglakad palabas nang bigla akong mabangga sa pader.

"Ano ba?! Kailan pa nagkaroon ng pader dito? " inis na wika ko at itinuro yung ... pader na may damit?

Tumaas yung tingin ko sa nabunggo ko at kung nadedetach lang ang mga mata sa eye socket panigirado wala na akong eyeballs.

"B-blue? "

"Hi there, Angel. It's nice to finally see you again. I missed you " he said before he hugged me.

Okay. I was .....speechless ...

KING's POV

"Kung nakamamatay lang ang tingin panigurado double dead na si Blue" pang aasar ni Kara

I just gave her a death glare bago ko ulit tinignan si Dana na ngayon ay kausap yung Asul / Blue na yun .At aba ang bruha nagtutwinkle pa ang mga mata habang nakatingin sa Asul na yun.

"Tignan mo yung babaeng yun! Kung makatingin sa Asul na yun parang pagkain at pinaglalawayan.Mas gwapo naman ako dun ah.Magkasingtangkad nga siguro kami pero mas hot naman ako.Mas maappeal din ako. "

"Seems like we got a jealous boyfriend here" tumatawang wika ni Gian at tinapik ako sa braso

"Selos? Ako? Never! "

"Defensive much? "-Blake

" Bakit sinabi ba naming ikaw?"- Ash na nakipag high five pa kay Blake

"Sino ba kasi yung Asul na yun? " tanong ko kay Kara.

"Si Blue? Siya lang naman ang pinakamahalagang lalaki sa buhay ni Dana " sabi ni Kara

Tinignan ko ulit yung dalawa bago ako tumayo.

Pinakamahalagang lalaki? That should be me right?! Ako ang boyfriend niya! Di ba? Di ba?

Excuse you King pero pretend boyfriend ka lang niya!

Grrr! Kaasar namang utak to! Ipinaalala pa at talagang inemphaseize yung word na pretend

"Alis na ako.Nakakawalang ganang tumambay dito "

Narinig ko na lamang na nagtawanan sina Blake at Ash at umiling iling si Gian.

Si Kara naman ay napa tsk tsk tsk na lang.

GIAN's POV

Tignan mo yung taong yun ayaw pang amining nagseselos siya.

Haaay ...pag ibig nga naman...

"Sa tingin mo tama kaya yung iniisip ko? " tanong ni Ash saka tumabi sa akin.

Kami na lamang nina Ash, Blake at yung kaibigan ni Dana na ano ng bang pangalan? Kana? Kera? K- ..Basta yung bestfriend ni Dana, ang natira dito sa studio. Umalis kasi sina Dana at yung Blue na yun para kumain.

"About King falling for Dana? "

"Yeah "

"Is he inlove with Dana or is he inlove with the thought that she's her" singit ni Blake

"Ano bang pinag-uusapan niyo? "tanong nung kaibigan ni Dana at lumapit sa amin

"Sino ba talaga yung Blue na yun?" Ash asked her.

"I told you, si Blue ang pinakamahalagang lalaki sa buhay ng bestfriend ko. Siya ang huling lalaking gugustuhin ni Dana na mawala sa kanya "

"Don't tell me he's her first love?" tanong ko.

"Well...pwede na rin nating sabihing parang ganun na nga. But Blue is more than her first love. He is her life "

Blag!

Napatingin kaming lahat sa pinanggalingan ng ingay at nakita namin si King sa may pintuan.

"Sh*t pare! Bakit mo naman sinuntok yung pinto? " tanong ni Blake

Napatingin ako sa pinto at nakita kong may konting crack ito.

"Ang pangit kasi ng kulay! Kaninong ideya ba na gawing asul ang kulay niyan ha? "tanong ni King saka umupo sa sofa

" G*go pare! Ideya mo kaya "-Ash

" Palitan niyo nga! Ayoko ng asul! Ang pangit tignan! "

Napailing na lamang ako. Pag ibig nga naman talaga.Kaya ayoko pang mainlove eh!

"Alis na ako. Pupuntahan ko pa si Dana at yung first love niya " nakangiting wika nung bestfriend ni Dana bago lumabas." Panigurado ang sweet nung dalawa.Baka nga nagsusubuan na ng pagkain. Si Blue pa! Ang bilis dumamoves nun sa mga babae "

Baliw na tong babaeng ito .Badtripin ba naman si King.

Crash!

"Ano ba! Bakit ba kasi may flower vase dito! Hindi man lang marunong ang nag ayos ng mga bulaklak! " inis na wika ni King.

Narinig kong tumawa yung kaibigan ni Dana bago umalis.

Tsk tsk tsk ...Wala na talagang pag asa ang King na ito... Mukhang nahulog na siya sa pretend girlfriend niya.

It Started With a LieWhere stories live. Discover now