CHAPTER TWENTY TWO : WELCOME & GOODBYE 1

68 0 1
                                    

Sorry mali natype ko sa a/n ko sa last chapter ...it should be ISWAL at hindi ITWAL :D and one more thing. I'm not sure about Queen Bitch ..baka Angel with a Shotgun na lang .. I want to try making a bloody story harhar xD

... a little bit boring ang mga susunod na chapter pero may malaki silang use sa future chapters :D

************************************

DANA's POV

Ang boring ng klase!!!  Gusto ko ng matapos ang araw na ito at nang makapunta na ako sa SU!  I miss my Hubhub!!  Speaking of, bakit kaya di siya nagtetext? Hindi rin siya tumatawag  .

Baka naman walang load?

Hello?!  Dana, yun walang load? Sa yaman niyang yun?!

Eh sa wala siyang time magpaload eh!

Anong silbi ng mga kabanda niya? Pwede naman siyang makitext? Pwedeng makitawag .

Wala din silang load??

Sigurado ka?

Oh sige may load na siya busy lang siya kaya wala siyang time magtext at tumawag!

Busy saan?

Sa.. ano ... sa ... sa practice nila para sa upcoming concert nila .. next week na yun eh!

Ganun na ba siya kabusy at hindi ka niya magawang sunduhin?

Oo!

Sige busy nga siya, pero bakit may time siya para samahan si Ynna sa mall?

"Pwede ba tumigil ka na at wala akong pakialam sa mga sinasabi mo!" sa inis ay sigaw ko

"Excuse me Miss Williams? What did you say? "

Patay! Ngayon ko lang ulit narealize asa room pa pala ako at nakatayo na ako sa inis. Nasa harap ko ngayon yung teacher namin habang nakatingin sa amin yung mga kaklase namin.

"Ang sinasabi ko lang naman ay puno ng surpresa ang buhay. Ngayon masaya ka pero paano na bukas?  Nagmamahal ka pero bukas kaya ganun pa rin?  May mga taong darating sa buhay mo but they won't stay too long. You'll tell them "welcome" today but tomorrow you'll tell them 'goodbye '   "

Ehh??  Pinagsasabi nitong teacher na ito?

=____________=

Okay. Ang weird talaga ng teacher na ito.  Panu ba naman kasi napasok sa Math ang ganyang usapan?

"Parang Math lang.  You have to welcome math in your life then at some point of time you will be saying goodbye to it but you know that it will always be part of your life "

Ah related naman pala

"Maraming mga kahon ng  surpresa ang naghihintay sayo pero sa mga kahong yun alin ang una mong bubuksan? "

Eh? May sense ba mga sinasabi nito?

"Alam namin na nasasaktan ka ngayon dahil sa issue  sa pagitan ninyo ni King pero parte yan ng buhay."

Isa pa yan eh!May nakakita sa kanila sa  mall  last week at trending sa social networks ang picture nila habang kumakain. At ayun! Ginawan na naman ng issue ..Kesyo break na daw kami at si Ynna na ang bagong girlfriend niya!

"Sige na Miss Williams maupo ka na"

Napaupo na lang ako. Tinignan naman ako ni Kara at tinatawanan lang ako. Pinandilatan ko  siya. I looked at my phone. I scanned my inbox. Eight days ago pa yung huling text sa akin ni King. Eight days na din mula ng huli ko siyang maka usap. Hindi kasi kami nagkakaabot pag pumupunta akong SU. It's either wala  siya at may klase or nagpapractice sila at hindi pwedeng madisturbo.

It Started With a LieDonde viven las historias. Descúbrelo ahora