|| 09 || Da Boss

7 1 0
                                    


"Siguraduhin mo lang Ibon pag nahuli uli kitang sinusundan ako. Mag patayo kana ng sarili libingan mo."




Jax Pov


Its Sunday!! Pinapapunta ako ni Drake sa condo niya. Kakakita lang namin kahapon namimiss niya nanaman ako.



Pag kapark ng sasakyan ko, kinindatan ko muna si Manong guard bago tumuloy sa pag pasok. Binati din ako ng ibang staff na nakasalubong ko. Sino ba ang makakalimut sa bumasag ng window glass sa fourt floor, lalo na't pogi ako.



One month na ang nakalipas ng basagin ko ang window glass ni Drake sa condo niya. Ayaw mabuksan ng pinto niya edi dumaan ako sa bintana, nangangawit na ako kakahintay na bumukas yung bintana. Muntik na nga akong mahulog buti na lang matibay yung kamay ko.



One hundred twenty-five! Tinignan ko muna ng maigi ang sarili ko. Kung mag hihintay uli ako ng isang minuto, pwede ko namang tadyakan yung pinto or dumaan uli sa bintana.




"Oh! Ganun ba ako kabango?" My mouth formed 'o' ng bumukas yung pinto e hindi pa ako kumakatok.




"Come in!" He rolled his eyes bago ako iwan sa labas. Ginaya ko siya bago pumasok sa loob.




"Ano bang meron? May despedida?" Sabi ko at umupo sa pwesto ko. Ang table niya na medyo mataas sa living room.




"Masasapak kita. Yun ang meron ngayon!" Nginiwian ko siya. Naka white shirt siya at naka short. Hindi gaya nung naabutan ko nung last naka boxer lang ang loko.




"Hey! Who's with you?!"




"Ay dugyot!" Gulat na sigaw ko bago nilingon yung nag salita sa likod ko.




"Jax! What are you doing here?" Tanong ni Siena. Nakapolo lang siya, satingin ko polo ni Drake dahil malaki.




"Dahil kaibigan ko siya? Ikaw? What are you doing here?" Pabalik na tanong ko.




Dumungaw muna siya kay Drake na nakaupo sa couch habang pinapanood kaming mag usap.




"Nagabihan ako kahapon. Ito lang ang alam kong pag lilipasan ng gabi kaya no choice e sakto may utang akong chika sa kanya." Sabay turo sa likod ko.




"Hindi kita pinapunta dito para makipag chismisan Phoenix!" Nakanguso akong lumingon kay Drake.




"Anong gagawin ko dito? Manonood kung pano kayo magiging mag asawa for this day?" Mas lalong humaba ang nguso ko ng tignan ako ng masama ni Drake.




"Hindi ako nakatulog sa dami ng tanong ko. Hindi ko naman siya matanong dahil nauubusan ako ng pasensya sa kanya." Narinig ko naman ang mahinang pag tawa ni Siena habang naka upo sa may kitchen. Mag kaharap ang living room at kitchen ni Drake sa condo.





"Go on. Oy! luto ka ng breakfast hindi pa ako kumakain!!" Utos ko kay Siena.




"Lulutuan kita ng itlog na tinadtad ng sili?" Sarkastikong ani niya.




"Hotdog gusto ko! I dont eat egg," maarteng sambit ko. Inirapan niya lang ako.




Sinimulan mag tanong ni Drake ng kung ano ano. Hindi ko naman nasasagot dahil hindi ko alam ang isasagot sa tanong niya. Ano bang sagot sa 'Alam mo bang hindi ako nakatulog?'




"Dude, alam mo bang walang kwentang ng tinatanong mo. Yan lang ba itatanong mo?"




"Pano niya nalaman kung nasan ang condo ko e hindi ko naman sinabi?" Napatingin naman ako sa kisame.




FROST Where stories live. Discover now