"Buonasera Emerald,
Tipiace Vedere Chatri? Ci vediamo dieci giorno."
Siena Pov
Tumayo ako sa harap ng bintana kung saan ako pumasok nung isang araw. Hindi siya ganun kataas para manginig ang tuhod ko. Buti na lang at may terrace ang building na to, kung wala yon ay baka mahihirapan akong umakyat at mahuli pa ako.
Naririnig ko ang usapan nila, kahit anong bulong ang gawin ng dalawang yun ay maririnig ko pa rin.
"Bulger!" Mahinang bulong ko ng makita ko ang dalawang mata na nakatingin ng diretso sakin.
Naka sandal siya sa roof top ng pangatlong building. Ang pag kaayos ng buhok niya ay hindi nag bago. Ang kinang at kulay ng kanyang suot ay malinaw na malinaw sakin.
Hinayaan kong tumama sakin ang hangin ng akyatin ko uli ang bintana. Tinignan ko uli siya, nakatayo na siya ng maayos ngayon. Ang mata niya ay ganun pa din ang kulay.
"Fuck!! D-Dude," rinig ko sa likod ko.
"Hayaan mo siya nag papalamig lang siya. May gulaman kaya?" Makakapag biro ka pa kaya pag nakita mo ang nakikita ko.
"Stop her!"
"I wont stop her instead I will push her hahahahah," narinig ko pa ang mahinang daing niya panigurado ay pinag sasapak na siya ni Drake.
Hindi ko sila nilingon at nakatuon lang kay Bulger ang tingin ko. Sampong araw pa ang dapat lumipas pero ano ng ginagawa niya dito?
"Im. Glad. Your. Here." Mahinang ani ko, alam kong hindi niya naririnig pero alam kong naintidihan niya.
"Matry ko din ang kausapin ang hangin." Pag paparinig ni Jax sa likod ko.
Tumango si Bulger. "Look at the third building Knox." Ani ko at tinignan ng bahagya si Jax.
"Ayoko nga!" Sagot niya at humilig sa pader sa daan papuntang CR. Nakabitbit siya ng dalawang tinidor na may tusok na tag dalawang hotdog.
"Magugustuhan mo ang makikita mo."
"Alam ko, maganda ang view dito pero ayoko, baka itulak mo ako mahirap na."
"Rosso," mahinang sabi ko sa kulay pula.
"Rosso? Anong meron sa kulay pula?" Tanong ng nasa likod ko. Tumango muna ako kay Bulger bago bumaba.
"Sabi ko sayo silipin mo kung anong ang sinisilip ko."
Sinundan ko siya ng tingin ng silipin niya ang bintana. "Hindi ko makita ang kulay pula."
"Stupido. Mag bibihis na ako." Pag paalam ko.
Nakasalubong ko si Drake na mukang bagong ligo dahil basa pa ang buhok niya at may naka sabit na twelya sa leeg niya.
"Shower?" Tumango ako, ganun din siya.
Alam kong narinig niya ang pinag uusapan namin kanina dahil sa biglaang pag tagalog ni Jax kanina. Pag pasok ko sa kwarto na tinutuluyan ko ay hinanap ko muna ang cellphone ko.
YOU ARE READING
FROST
FanfictionThey are the Frost. Kilalanin mo muna bago mo siya kalabanin. Hindi siya basta basta babae lang. May lahi siyang FROST. Ang pamilyang hindi mo basta basta makikita ang muka. Ang pamilyang walang sinasanto pero marunong rumespeto. Hindi mo siya maki...