Aral o mulat? Marahil marami sa ating nakapagaral ngunit hindi naman mulat pero may hindi nakapagaral ngunit sila'y mulat. May nakapagaral na mulat at may hindi nakapagaral na hindi din mulat. Isa lang itong teyoryang obserbasyon lamang. Marami na akong nakita at natuklasan na aral sila ngunit hindi sila mulat. Sayang at galing sila sa mararangyang eskwelahan at magagandang paaralan. Marami namang mulat ngunit nasa mahirap na paaralan at nasa dukhang pamilya. Hindi din ko rin masabi talaga kung sino ang nakatataas at sino ang nakabababa. Sa panahon ngayon marami ng nagsilabasan na makabagong teknolohiya na may mabuting dulot at may masama ring epekto sa bawat isa kaya kailangan nating maging mulat at aral. May mga taong bukas ang kanilang dalawang mata ngunit hindi sila mulat kahit dilat na dilat na. Kaya mas mabuting magkaroon ng pangunawa at karunungan sa lahat ng bagay upang hindi tayo maligaw sa mali at kasinungalingang panukala. Darating ang panahon na tataas ang nasa mababa at bababa ang nasa taas. Kaya walang tiyak na makapagsasabi. Para sa aking mapagkumbabang opinyon ay mas mabuting magkaroon ng magpakumbabang loob, unawa at pakikiramay sa bawat isa at higit sa lahat mayroong karunungan. Matutunghayan nyo sa librong ito kung ano ang may karunungan, pangunawa at may mulat at aral na paninindigan.

BINABASA MO ANG
Aral o Mulat
PoetryThe background of the story cover is not mine. This story talks about how powerful the knowledge and motivation is. I hope you would like the chapter of every story.