CHAPTER 1 - Passerby A!!
"I love you po Mama pero! Mama ayaw ko pa po magpakasal! Bata pa ako at marami pa akong gagawin! Please mama!"
Press Send!
Binato ko ang cellphone ko sa higaan ko at tumayo na mula sa pagkakaupo sa aking higaan.
Tinignan ko ang relo sa ibabaw ng maliit kong TV sa aking maliit na apartment.
6:30 pa lang ng umaga. Ugh.
Hays! Ginulo ko muli ang bagong gising kong buhok. Hindi pa rin ako makapaniwala na sesendan ako ng ganong text ni Mama ng alas-6 ng umaga!
[flashback]
Bzzt...Bzzt...
Kinapa-kapa ko ang aking higaan hanggang sa nahawakan ko ang aking cellphone.
Bzzt...Bzzt...
Dahang dahan kong minulat ang aking mga mata na nag-adjust sa ilaw ng screen nito. "Mrmmgh! Ano na naman meron? Sino naman kaya to?"
To: Mikka
From: Boss Mama loves!
"Anak...kelan ka papakasal? Gusto ko na ng apo. Mag-23 ka na next month diba? Please lang, bored na kami ng Papa mo. Matanda na rin kami...alam mo na iyon mwah!"
BONK!
"Aray ko po!" Ramdam ko pa rin ang hapdi ng aking mukha. Kinamot kamot ko ang ulo ko, inaalala ang sakit na nadama sa pagbagsak ng cellphone ko sa mukha.
Aba! Anong joke to? Kasal? Huh? Eh wala pa nga akong boyfriend eh! Mama naman please!
"Ugh, Hindi ako nanaginip."
Napaupo ako sa aking higaan—iritado. Tatlong araw na akong walang tulog kakatapos ko lang kaninang 3 am ng project namin at magigising lang ako dahil sa request ng mama kong magpakasal? Hmp!
Mabilis akong nagtype ng isasgot sa aking ina. Wala akong oras para kunin ang salamin ko sa table. Hmp! Maiintindihan nila iyon na natutulog ako at biglang ganito! Sana hinintay naalang nila mag-Sunday pag-kauwi ko.
Kahit malabo ang aking mga mata, alam ko ang bawat letrang tinitipa ko sa keypad....
From: Mikka
I love you po Mama pero! Mama ayaw ko pa po magpakasal! Bata pa ako at marami pa akong gagawin! Please mama!
[Message sent]
Sobrang nangigil ako ngayon dahil bungad palang ng mama ko ng alas-6 ng umaga eh ang tanong na yan!?
Ahu! Ako? Si Mikka Cruz? Magpapakasal? Agad? Atat ka po Ma?
Ako si Mikka Cruz, isa akong espesyal na babae na may espesyal na sikreto.
Ako pa ang tipo ng babae na kapag nakakita ng mga gwapong nilalang—dapat silang ipares sa kapwa gwapo nilang nilalang! Bwahaha!
Para sa iba na gusto maging Cinderella ng bawat istorya--well ibahin niyo ako! Dahil ako si Passerby A sa kwento na ito. Gusto ko lang naman makita ang kwento ng pag-ibig sa gilid. Masama ba iyon?
Masama bang makita ang dakilang Prince Charming at ang kanyang Knight in Shining Armor ma-inlove sa isa't isa!?
Huh? Nagtataka ka kung bakit paarehong lalaki ang binangit ko? Oo! Mga gwapong lalakai ang bet ko makita! Well, all love matters. No matter what gender!
Ako si Passerby A sa kwento ng Prince Charming at ng kanyang Knight in Shining Armor! Si Passerby A na nakikita ang lahat ng mabubulaklak na pag-iibigan ng Prinsipe at ng kanyang Prinsipe!
No touch! No talking! Just shipping! Yan ang motto ko sa buhay.
Ako si Mikka at isa akong dakilang Passerby A!
Hmp! Makaligo na nga lang para mahimasmasan naman ako at makapanuod na ako ng bagong episode ng Balance: Unlimited!
BINABASA MO ANG
Dont Go Breaking My Heart [ON-GOING]
RomanceMikka Cruz was surprised by her mother's text, demanding her to get married before she turns 23. Furious, she attempts to send an angry message in response to her mother's impossible dream! Afterall, she is content living in the Fujoshi dream as Pas...