Sa kwento ng Prince Charming na natrap sa tower, marahan siyang naghihintay para masira ang sumpa ng bruhildang witch dahil sa inggit na nadadama nito sa gandang taglay ni Prince Charming.
With beauty and grace~ ganyang ganyan ang aura as usual ni Sir Boss Eriol sa office.
Ang mahahaba niyang daliri ay matikulosong tinitipa ang keypad ng kanyang telepono. Ang mga daliri kayang iyon ay masarap pag pinasok sa pwet ni—AH!
"Mikka, pakitapos na yung proposal mo for the Chan Residences. Sir Kim needs it today." sabi ng officemate ko.
"A-ah! Ok! Got it." ngiti ko sa kanya. At humarap muli sa aking laptop.
Huwa! Muntik na ako doon ah! Yung imagination ko na naman lumilipad. Hindi alam ng ni-isang kaluluwa dito ang hilig ko sa anime, games at mas lalo na sa BL (Boy Love)--Fujoshi for short! Pag nalaman nila, baka pandirihan nila ako gaya noong nasa high school pa ako.
'Idiot!' Naalala ko muli yung huling salita sa text ng Boss ko at naglabas ako ng malalim na buntong hininga, na may takot para sa kabuhayan ko. Sinampal ko ang pisngi ko, hoping na lumabas din sa bintana ang impure thoughts ko habang nasa sa trabaho.
"Focus Mikka! Focus!" Tapik ko muli sa pisngi ko, akala mo ko kaya ko nang mag-pull ng UR+ sa gacha ngayon!
Busy ang office today since malapit na yung proposal design bid ng company namin for a major client. Fortunately, ako ang inassign as Lead Designer and namamatay na ako deep inside kasi ba naman, kakausapin naman ako ni Sir Kim Lee, ang matinik pero mabagsik na Advicer namin, mamaya!
I can smell overtime...ibig sabihin nito ay...
Mamimiss ko yung latest update, Baikyuu!!, ang favorite manga ko, ngayong gabi! Huhu!
"Sho..." bulong ko sa sarili ko habang naluluha. "Uuwi agad ako! I promise you baby!"
Sinilip ko mula sa cubicle ko ang gwapo kong Sir Boss na busy pa rin sa pakikipag-usap sa telepono.
Sinabi ko na bang kahawig niya ang paborito kong character na si Sho!? Kapag nagcosplay (never in a million years mangyayari iyon) si Sir Boss Eriol, bagay na bagay siya as Sho! Kyah! Nosebleeds!
Hay nako iniimagine ko pa lang pero i know na ng gwapo niya pag—AH SHIT! NAKATINGIN SIYA SA AKIN!?
"Ulol?" Halos mauntog na ang nuo ko sa desk ko ng magtagpo ang aming mga mata.
Imagination ko lang ba iyon o nagkatitigan kami!? — Kalma ka lang! Ikaw lang si Passerby A! Walang gagalaw sayo!
Nakayukom na sa aking desk, naisip ko ulit ang mag nangyari sa akin at ang aking katangahan nung nakaraang linggo.
To: Mikka
From: Sir Boss Eriol
"Mama? I am not your mom, idiot."
Hindi ko naisend kay Mama ang galit na galit kong text kay Mama. Na-send ko pala ito sa Boss ko sa trabaho!
Wala na akong nagawa kundi umiyak sa i-curse ang katangahan ko nung araw na iyon. Bakit kasi hindi ko muna chineck kung sino ang sinendan ko? Hays.
Pareho kasing may Boss ang pangalan nila sa contacts ko kaya siguro isa yung sa dahilan kung bakit nawrong send ako. At, dahil bagong gising ako, ang malabo kong mata ay di na nadouble check and recipient ng message na yon.
Well, wala na akong nagawa kundi sumagot ng maayos at magalang. Baka sibakin ako ng boss ko sa trabaho! Wag po muna! Kailangan ko pa kumpletuhin ang volume ng manga ng Baikyuu!! Huhu!
Sa power ng hame kame wave sa Konoha Village, nagkaroon ako ng kahit kukunting lakas ng loob para replayan at tangkain sagipin ang aking kabuhayan.
To: Sir Boss Eriol
From: Mikka
"Good morning Sir Eriol Bautista.
I deeply apologize for the inconvenience that I gave you about my message that was wrongly sent to you earlier. It was supposed to be sent to my mother.
Thank you for your kind understanding.
Mikka Cruz
Employee"
Naghintay ako ng 1 minute...to 1 hour... hanggang sa maubos ang isang araw...?
"Eh?" sabi ko habang nakatitig sa cellphone, nagahihintay kung magrereply ba ang misteryoso kong amo.
Pero isang linggo na at wala pa rin akong nakuhang reply mula sa kanya. Kahit sa personal. Heto pa rin ako, nakakapasok pa rin sa trabaho.
Is this a good thing? Bahala na! Basta gagalingan ko na lang!
Napabuntong hininga na lang muli ako ng basahin ko ulit ang mala-formal letter of apology thru text ang sinend ko sa amo ko. Bakit ba kasi nasa contacts ko yung number ng Boss namin? Hindi ko na maalala.
Pero, naalala ko bigla na hiniram nga pala ni Sir Kim yung cellphone ko para makitawag last month dahil naiwan niya yung sa kanya sa office at nataong nasa labas kami para kausapin yung contractor.
Ah, kaya may number nya ako sa cellphone...
"Hay...bakit ang tanga-tanga ko?" at inangat ko muli ang ulo ko at nagpatuloy sa pagtapos ng presentation slide ko para mamaya, nagpapasalamat kay Lord na hindi parin ako hinaharang ni Kuya Delphy, ang Guard sa entrance.
BINABASA MO ANG
Dont Go Breaking My Heart [ON-GOING]
RomanceMikka Cruz was surprised by her mother's text, demanding her to get married before she turns 23. Furious, she attempts to send an angry message in response to her mother's impossible dream! Afterall, she is content living in the Fujoshi dream as Pas...