Chapter 6 - There are no such things as coincidence (1)

3 0 0
                                    

"G-girlfriend? Ako?" turo ko sa sarili ko. I am lost. Very lost.

"Oo ikaw! Tara na nga Mik-mik. Our drinks are waiting!" nakita ko na naman ang customer-service smile ng Boss kong sinendan ko ng weird message kamakailan lang.

Mik-Mik? Girlfriend? As in yung parang "jowa"?

Bakit ako nasa situation na ganito. Bigla-biglang sasabihin niya, out of all people na girlfriend niya ako?

"That's absurd!" busangot ko.

"And you are back!" sabay gulo ni Sir Boss ng buhok ko. "You've been acting strange lately Mikka."

"Huh?" Ano daw? Strange? Eh ikaw lang strange sa situation na ito Sir Boss!

"Miss Mikka?" at ngumiti yung barista sa akin habang inaabot yung tray na may drinks. "Here you go!"

"Thank you." at ngumiti ako sa barista na pangalan ay Mike. Gwapo si Mike, bagay sila nung nasa cashier, si Tristan. Hihi, sinilip ko pangalan nila sa nameplate kanina! Ching!

"You seem so happy. Tch." sabi ng boss ko at kinuha niya mula sa mga kamay ko ang tray na may mga inumin namin. Teka, bakit parang iba na tono nito ni Sir Boss.

"Ah, parang nakakahawa kasi yung vibes nung barista!" palusot ko.

"Oh, really." at nagsimula kaming maglakad pabalik sa kinauupan namin malapit sa window. Ngumiti na lang ako habang iniisip ko na ang cute ng Barista AU (Alternate Universe) para sa susunod kong fanart sa Pixiv.

BLAG!

"A-Aray!" sapo ko sa pwet ko ng mahulog ako sa sahig. Naglalakad ako ng maayos ng bigla akong nadulas sa dinadaanan ko.

Lahat ng tao sa cafe nakatingin na sa akin. Halos gusto ko na lang kainin ako ng lupa dahil sa kahihiyan! Una, nasendan ko ng maling message yung boss ko, tapos ngayon naman ipinahiya ko pa siya sa karamihan!

"Oops. Oh my god, what a klutz!" sabi nung babaeng nasa kabilang table na nagsasalita ng hindi maganda tungkol sa akin.

Hindi ko na maiwasang di magalit at ipasapak siya sa stand ko sa gigil! Pero I can do this smoothly with pride! Hindi ako pinalaki ng Mama ko para maging iyakin! Once is enough, Twice is katangahan already!

Tumayo ako with grace, taas noo. Sa gilid ng mata ko, nakatayo na si Lex, ready to fight, binigyan ko siya ng makahulugang tingin, at tila naintindihan niya na ang ibig sabihin ko. Nakita kong nakatingin lang sa akin si Sir Boss Eriol.

Ramdam ko parin ang mga pares ng mata, nakatingin sa gawi ko. Wala akong pakielam. This time, she overstepped her boundaries. I am just a mere stranger, my affairs aren't supposed to be her matters. More the less, she is just plain mean.

"Apologize." I firmly said. Looking down to her.

Kita ko na yung kasama niya, natatakot na at hinahatak-hatak pa yung gilid ng damit niya. "Karla."

Ah, Karla pala name niya. "Miss Karla, apologize to me. Kanina ka pa and I was just listening."

"Why would I!?" Aba, gagawa pa ng eksena to! Not on my fucking watch!

Dali-dali ng lumabas yung Manager ng cafe, ina-attempt na pigilan ang away.

"Huh? Fight? I was not inciting a fight." sabi ko calmly. I know she is going to play the victim card. "I was asking for her apology--if she can't give it to me, God knows what karma would she get from tripping someone like me."

"Bitch."

Nakatalikod na ako pero ng narinig ko yung salitang iyon, hindi ko maiwasang magalit.

Ano ang ginawa ko at bakit gigil na gigil tong unknown person sa buhay ko para murahin ako?

SLAP!

Malapit nang maglanding ang kamay ko sa pisngi ng babaeng tumawag sa akin ng bitch ng sampalin siya ng kaibigan niya instead.

"Karla." at hinatak niya ito palabas ng cafe. Nagbulungan ang mga tao matapos noon at naaiwan akong nakatayo, nanginginig sa samu't saring emosyon.

"The fuck?" bulong ko sa sarili ko, nakataas ang kamay sa ere. Nanginginig, nararamdaman kong bibigay na ang mga legs ko any moment.

"Woah! Careful, this will leave a stain." at nahanap ko ang sarili ko sa bisig ng boss ko.

Dont Go Breaking My Heart [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon