CHAPTER 6
MISSING
DAHAN-DAHAN ang ginawa kong pagnguya habang nakatitig lamang sa beefsteak na nasa pinggan ko. Kaharap ko ngayon sina Riel, Mourine, Lenzy, Halcy at Lunette na abala rin sa kanilang pagkain. In my periphery, pinagtitinginan kami ng lahat. Ano na naman bang meron? Nasa section ata ako ng puro celebrity.
"Look, they're staring at us. Feeling ko tuloy sikat ako," ani Lenzy at tinitigan pa ang reflection niya sa kanyang maliit na salamin.
"Syempre sino ba naman ang hindi pagtitinginan kung kasama natin sa iisang table ang babaeng nagngudngod ng tagaibang section kanina sa loob ng cr?" nakangising sagot ni Riel at sumubo ng pagkain. Halos masamid naman ako.
Sino sa amin? Imposibleng ako. Hindi pa naman ako pumapasok ng CR mula pa kanina.
Lahat kami ay napatingin kay Lunette na sobrang lapad na ng ngisi.
"Sorry, guys. Did I make you so popular today?" aniya at humagalpak ng tawa.
Tangina. Totoo nga ata ang sinabi ni sir kanina. Ang section namin ay kilala bilang mga bulastog at pasaway na estudyante. Sabagay, hindi naman ako magtatakang napunta ako rito. Isa rin naman ako sa mga nadadawit sa kaguluhan. Suki talaga ako ng guidance office.
At least, hindi pumapatay.
"The fuck, Lunette?" gigil na saad ni Lenzy at ibinalik ang salamin sa bag niya. " Hindi mo man lang ako sinabihan. E 'di sana na-videohan ko," dagdag pa niya.
Ang supportive, tangina.
Narinig ko ang pagtawa nina Mourine at Halcy kaya napailing na lamang ako.
"Sure, next time. Isama natin si Khirl." Pinagtinginan nila ako kaya halos mabilaukan ako sa kinakain ko.
"Ayos ka lang? Kanina ka pa ata wala sa sarili," komento ni Riel at inusog sa akin ang isang baso ng tubig.
"By the way, I know you already. You are the sister of Ezelle Lamontez. Your parents were murdered and I saw it on the news! Kaya pala pamilyar ang apelyido mo!" palatak ni Lenzy dahilan para supalpalan siya ni Riel ng isang slice ng cake sa bunganga. Halos mapaubo ito.
"Ang daldal mo, girl. Respeto naman. Nasa harap tayo ng pagkain," ani Riel at napairap.
"Whoa, may manners ka pala?" gatong ni Lunette kaya sinamaan siya nito ng tingin.
Napaiwas ako ng titig. It may be a joke to them but I'm taking it seriously. My surname is a shame. Nagsisisi akong nakakabit pa rin sa apelyido namin ang image ng kapatid ko bilang mamamatay-tao.
Nothing can change the fucked fact. Ezelle is still a murderer.
Nagpatuloy na lamang ako sa pagkain kahit nasa harapan ko sila at kulang na lang ay magbatuhan ng pagkain nila sa plato.
"Help! Help!"
"Who the hell is this girl?" halos maningkit ang mata na tanong ni Riel habang nakatitig na sa babaeng humahangos papasok nitong cafeteria. She's in a total panic and I can't help but to stare at her messed-up uniform full of blood stains. May dugo rin sa kamay at braso niya.
Iika-ika siyang nagtatakbo habang humihingi ng tulong.
Halos magulantang ang lahat habang nakatingin sa kanya. Mayamaya ay nilapitan na siya ng isang crew at hinawakan sa magkabilang balikat upang pakalmahin.
"Saan ka galing? Anong nangyari? Bakit ang dami mong dugo?" sunod-sunod na tanong nito. Nanatiling nakaawang ang bibig ko at tila nalimutan kong gutom pala ako.
Nakatuon lamang ang atensyon naming lahat sa babaeng naghe-hysterical na.
"M-May p-patay s-sa..."
"Miss? Miss!"
Hindi na naituloy ng babae ang sasabihin nang tuluyan siyang bumulagta sa sahig at nangisay. Bumubula ang bibig niya.
Natutop ko ang bibig at nabitawan ang hawak na tinidor.
Nagkagulo na at may nagsisigawan.
The next thing I knew is I am with these girls again, inside the comfort room while fixing ourselves before we go back to our next class. Nakatulala lamang ako sa harap ng salamin.
"Someone reported that they found blood stains inside the vacant classroom. So the killing has taken between vacant and lunch hours. But it doesn't make sense. They see no dead body." Lenzy almost laugh at the way Riel state her theory regarding the incident.
"What if that bitch is just really playing with us? Can't you see? There are lots of weirdos here!" Lunette na busy sa paglalagay ng liptint sa labi niya.
"Quit it. Hindi bagay sa inyo maging detective. Para kayong tanga." Si Mourine na ang bumanata kaya tumawa na lamang ako.
Napansin ko ang biglaang pananahimik ni Halcy kaya nginitian ko siya. Nakasandal lamang siya sa sulok at hinihintay kaming matapos mag-ayos ng sarili. Well, sila lang pala. Hindi naman kasi ako palaayos.
"Mind telling me what's bothering you?" I never been friendly like this before to someone. But in Halcy's case, I should approach her too because she grabbed me first. Kanina pa siya tahimik.
"N-Nothing." Ngumiti siya. Saglit na lumapit si Lunette sa pwesto niya at iniabot rito ang liptint.
"Put it on. Ang putla mo. And don't worry, Khirl. Ganyan lang talaga 'yan. Takot kasi sa dugo!" natatawang komento niya sa inaakto ni Halcy kaya sinamaan siya nito ng tingin.
Mukha nga. Kanina kasi ay sobrang putla nito na parang nakakita ng multo matapos makita ang babaeng sumugod sa cafeteria.
"By the way, how's the girl?" I asked Lenzy as we go out of the comfort room for ladies. Sila lang naman ang nakiusyoso kanina.
"Unfortunately, the girl didn't make it. Sino ba namang makakasurvive sa cyanide poisoning?" she mumbled as if she was very sure of her spoken words. Nanlaki ang mga mata ko.
"Who the fuck poisoned her?"
"That's exactly the question mark here," tipid na sabat ni Mourine at napatingin sa paligid pati na rin sa mga gumaganang CCTV sa sulok ng hallway.
Kinabahan ako bigla.
"Other students say, the bloods stains that spill on the floor and in the girl's uniform wasn't hers. It might be someone else's blood," halos pabulong pa niyang paliwanag. Para kaming mga chismosang magkakapitbahay na nagbubulungan rito.
"Kung ganoon, where's the corpse?" tanong ko bigla kaya nagkatinginan kami.
"Someone's trying to scare us to death. That's possibly why he or she did that to the girl and the missing dead."
Bigla kaming napalingon kay Marco na nakasandal sa pader at kanina pa pala nakikinig sa pinag-uusapan namin.
"You, weirdo! Kanina ka pa ba diyan?" gulat na tanong ni Lunette kaya ngumisi lamang ito.
"Do you want to know a secret tonight?" hamon niya sa amin kaya nagkatinginan kaming anim.
My heartbeat goes up. But deep inside, I think this will be exciting as for the first timers here in Eldritch.
***
BINABASA MO ANG
Eldritch Academy: School of the Dead | COMPLETED
Mystery / ThrillerMURDER SERIES #02 After the incident, the government decided to cross out Dolorous Academy in the list of their prestigious schools for having highest criminal records and bad image in the media. That's when Eldritch Academy popped in with new admi...