CHAPTER 15 - THE IMPOSTOR

598 43 4
                                    

CHAPTER 15


THE IMPOSTOR




"SHE's gone," iyak ni Riel matapos lumabas ng clinic kung saan nakaratay ngayon si Lenzy. Natahimik kaming lahat. Si Caleb, Halcy, Mourine, Marx, ako at Lunette lang ang narito ngayon sa labas at hinihintay ang balita na magpapaguho lang pala lalo ng mundo namin.

"It's cyanide poisoning again tulad ng nangyari kay Mourine," sambit ni Caleb at nasapo ang mukha.

"Na-contact na ba ang parents niya?" tanong ni Lunette at pinipigilang maiyak.

Napatingin ako kay Halcy na tahimik lamang at mayamaya'y humikbi. Naagaw niya ang atensyon naming lahat.

"A-Ate," mahina niyang sambit at sumugod na papasok sa loob ng clinic.

Nagkatinginan kaming lahat.

"Are they...sisters?" naguguluhang tanong ni Lunette. Napaiwas ako ng tingin dahil hindi ako ang dapat magsabi ng totoong ugnayan ng dalawa.

"Fuck, bakit ang dami kong hindi nalalaman?" ani Riel at idinikit na ang kanang tenga sa nakasaradong pintuan. Kahit hindi naman gawin iyon ay rinig na namin ang paghagulhol ni Halcy sa bangkay ng kapatid niya.

Nakakalungkot at hindi man lang sila nakapag-usap nang maayos bago mangyari iyon. Napalunok ako nang paulit-ulit. Sumagi sa isip ko si Ezelle pero iwinakli ko ang ala-ala niya.

"Iyong laro kanina," tulalang sambit ni Mourine. Napatingin ako sa kanya. "Do you think it has something to do with Lenzy's death?" dagdag pa niya.

Mas natahimik kami.

"I don't think so. Tingin ko naman hindi alam ng may gawa nito na maglalaro tayo ng ganoon," giit ni Lunette at tumingala upang pigilan ang luha.

"So nalason na siya bago pa tayo makapasok ng room? Ganoon ba iyon?" sabat ni Riel at pasimpleng sumulyap sa akin. Umangat ang gilid ng labi ko para ngumisi. Ang babaeng 'to talaga, hindi ako titigilan hangga't hindi nasasabing ako ang pinagbibintangan niya.

"I found this when we're about to bring her in the clinic," saad ni Marx at inilantad sa amin ang piraso ng papel na hawak ni Lenzy kanina habang naglalaro. Agad ko itong hinablot at binasa.

"She's the impostor in the game," I blurted out.

"Dapat siya ang magda-divert sa attention ng detective na siya ang killer pero bakit siya ang..." Hindi na naituloy ni Lunette ang sasabihin nang muling bumukas ang pintuan ng clinic. Bumungad sa amin ang luhaang mga mata ni Halcy.

Hindi niya magawang ngumiti.

"H-Halcy," tawag ni Mourine pero umiwas ito ng tingin.

Sa halip na sumagot, hinawi niya kami at dire-diretsong naglakad palayo. Muntik pa niyang mabangga ang paparating na si Cartel. Walang emosyon niyang pinagmasdan si Halcy na humakbang patungo sa direksyon ng comfort room.

Naiwan kaming nakanganga.

"Strange things happened when we enrolled here. Probably that fucking admin really wants us all to die like this one by one through cyanide poisoning," tiim-bagang na bulong ni Caleb pero hindi iyon nakaligtas sa pandinig ko.

"May punto ka. Pero iba ang naiisip ko," sagot ko dahilan para mapatingin siya sa akin.

"Ano?"

"Hindi mo ba na-notice na ang Naomhaich section lang ang nauubos? There could be someone behind this killing. There is a professional impostor in Naomhaich," paniniguro ko at tinitigan sila isa-isa.

"The question is, who's the impostor among us?"

Narinig ko ang boses ni Cartel na kanina pa pala nakikinig sa sinasabi ko. Napatingin ako sa suot niyang polo shirt. Gusot ito at may bahid pa ng dugo. Mayamaya pa'y nakarinig kami ng sigawan. May nagtatakbuhang estudyante. Ang isang lalaki ay may mga dugo rin sa suot niyang uniporme. Kumabog ang puso ko sa hindi malamang dahilan. Nakikilala ko ang isang 'to. Isa siya sa tatlong lalaking bumugbog kay Cartel noong isang araw.

Bakas ang tensyon sa mga mata niya at sumigaw.

"Tulong!" Mas nagkagulo ang lahat. Napatitig ako muli kay Cartel. Nakangisi na siya at nakapamulsa.











Paulit-ulit akong napabuga ng hangin at sinuntok ang dibdib ko. Malakas ang hangin rito sa rooftop pero iyon ang nagiging dahilan para kahit papaano'y kumalma man lang ang pakiramdam ko kahit saglit lang.

"Tingin mo, sino ang may gawa sa kanila nito?" tanong sa akin ni Caleb na nakatunghay sa dalawang bangkay ng lalaki. Duguan ang mga ito at tadtad ng saksak sa katawan.

"I don't know. Paakyat na ang mga guard para kunin ang mga bangkay nila."

As usual, lilinisin na naman nila ang krimeng ito at pababayaan. Wala na nga kaming balita kung nahanap na ba ang bangkay ni Jude o naibalita na ba sa mga magulang ng mga kaklase namin ang pagkamatay nila.

There's really something strange here in Eldritch. I think they're hiding those dead bodies somewhere.

"Ang hayup na Eldritch na 'yon. Siguradong may kinalaman siya rito!" asik ni Marx at nagtiim-bagang habang nakakuyom ang mga kamao. Tinutukoy niya ay si Cartel na nabugbog ng tatlo kamakailan lang.

Pinakatitigan ko ang dalawang bangkay at naalala ang sinabi ni Cartel na may mastermind ang mga ito.

Kung tutuusin, dapat lang sa mga gagong 'to ang maparusahan dahil offense naman talaga ang ginawa nila. Pero hindi sa ganitong paraan.

Napaiwas ako ng tingin. Masyado ko nang itinatatak sa memorya ko ang karumal-dumal nilang hitsura. Baka ito pa ang maging dahilan para hindi ako makatulog ngayong gabi.

"Bakit? Anong meron? Gumanti ba?" usisa ni Caleb. Mas nandilim ang paningin ni Marx at sa puntong ito ay parang alam ko na kung sino ang tinutukoy ni Cartel nang sabihin niyang may nag-utos nga sa mga ito.

Tipid akong napangisi at tinapunan ng tingin si Marx.

"Cartel maybe a bastard, but I am very sure he won't do this. Hindi niya dodoblehan ng kasalanan ang isa pang kasalanan. And as far as I know, these two idiots has their boss. The boss must thank these two poor sacrificial lambs. He's safe now from his death."

I look at him from eye to eye. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya dahilan para mas tumibay ang paniniwala kong siya nga ang nag-utos sa tatlong bugok na iyon na bugbugin si Cartel.

Agad akong naglakad palapit sa kanya sa kabila ng lakas ng hangin na tumatangay sa mahaba kong buhok. Tinapik ko siya sa balikat at bumulong.

"Congrats, you're safe now."

I smirked and turned to Caleb who's confuse of my actions.

"Let's go. Baka tayo pa ang mapagbintangan rito," aya ko sa kanya at ngumiti nang tipid.


***

Eldritch Academy: School of the Dead | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon