CHAPTER 3
EERIE
"ARE you sure about this?" Hinawakan ni ate Marie ang kamay ko at pinisil. Tumango lamang ako at nagpatuloy sa paglalagay ng mga damit sa maleta ko.
"Pwede namang huwag ka na lang mag-dorm para makakauwi ka pa rin rito. Mami-miss mo ang luto ko, sige ka." Napangiti ako. May lungkot sa boses niya. Ate Marie has always been good to me since I lost Mama and Papa. She became my one and only companion, not only my personal yaya but my sister. Ngayon lang ako mawawalay sa kanya nang matagal.
"Don't worry ate Marie. Tuwing semestral break, uuwi naman ako rito."
Magsasalita pa sana siya nang makarinig kami ng katok sa pinto na nakabukas. Sabay kaming napalingon. There I saw her and lolo. Napaiwas ako ng tingin nang tumikhim si lolo kaya nabitawan ni ate Marie ang kamay ko.
Sinenyasan niya akong aalis muna siya para makapag-usap kaming tatlo. Alinlangan akong tumango.
Pumasok si lolo kasama si Ezelle.
"So you are finally decided," bungad niya.
Hindi na lang ako sumagot dahil wala naman akong sasabihin. Sumulyap siya kay Ezelle at bumuntong-hininga.
"She will drive you to Eldritch Academy," anunsyo niya. Napadako ang tingin ko sa hawak niyang susi ng sasakyan."I thought it's ate Marie," tutol ko dahil ayokong siya ang makita ko sa buong biyahe.
"Marie has many things to do here. She can't come with you. Fix your things. I heard that today will be the last day of orientation for transferees. You gotta go now." Agad siyang tumayo at tinapik ang balikat ko.
"One last thing, Khirl Irish. Don't make any troubles inside your new school. Have your manners," pangaral niya at tuluyang lumabas ng kwarto ko. Tinanaw ko lamang siya na hindi makapaniwala.
Padabog kong ipinasok sa loob ng compartment ang maleta ko at pumasok ng sasakyan katabi si Ezelle. Napatingin ako sa kanya nang mapansing hindi pa niya binubuksan ang makina ng kotse.
"Why aren't you moving? I'm gonna late," reklamo ko pero sumulyap lamang siya sa rear view mirror at napangiti nang tipid.
"Sasabay raw si Caleb," sambit niya at ini-start na ang makina. Nakita ko ang biglaang pagpasok ni Caleb sa passenger seat bitbit ang bag niya.
"Let's go!" tila excited nitong saad at umandar na ang kotse.
Buong biyahe ay tahimik lamang kami. Malayo ang iniisip ko habang si Caleb naman ay tulog na tulog sa likuran.
"Lolo's gonna miss you. Ganoon rin siya nang mag-aral ako five years ago. Dolorous had---" Pinutol niya ang sasabihin nang may marealize. Napapikit ako at sumandal sa bintana ng kotse.
"I'm sure you don't want to dig your past inside Dolorous. What are you going to tell me? Memories of your school days when you do nothing but to kill your classmates and teachers?" sarkastiko kong litanya dahilan para mapamulat ako at silipin ang reaksyon niya. Natahimik siya bigla.
I maybe sound harsh saying this to her. But I hate her to the point I can't treat her as a real sister. She's still a murderer in my two eyes. Nothing can't change that.
Tumahimik na ulit ang buong sasakyan hanggang sa tumigil ito sa tapat ng gate kung saan nakaukit sa malawak na gate ang pangalan na 'Eldritch Academy'.
Napalunok ako nang makita ang gate. Kinakalawang na ito at parang pinaglumaan na.
"Na-scam ba kami ng flyer na iyon? Look, ito ba talaga ang school na sinasabi mo Caleb?" Pupungas-pungas na bumaba si Caleb at sumunod ako.
"Ito nga. Pero bakit ganoon?" may pagtatakang tanong ni Caleb at napatingin sa akin. Maging siya ay hindi rin makapaniwala. This is weird.
"Can we back out?" suhestiyon ko pa pero bago pa siya makasagot ay bumukas ang gate at sinalubong kami ng isang lalaki. Naka-formal attire ito at nakasuot ng antipara. Nasa edad na kwarenta anyos base sa mukha at tindig niya. Malawak ang ngiti nito habang nakadaop ang mga kamay. Palagay ko, ito ang principal.
"Good day! Are you the transferees?" Alinlangan akong napatango.
"Nice! Kanina pa kayo inaantay para sa orientation. Come with me inside," alok niya.
Napasulyap ako kay Ezelle na nakatitig lamang sa amin. Namumutla siya na parang nakakita ng multo. Mayamaya ay tinawag niya si Caleb at nag-usap sila. Mukhang seryoso ang usapan nilang dalawa dahil patango-tango lamang si Caleb. Sumunod naman ako sa principal bitbit ang maleta ko.
Iginala ko ang paningin nang makapasok. Napakalawak ng school ground. Mas malawak ito kumpara sa punyetang school na nagkick-out sa akin.
"I'm a very sure you feel very eerie. Please bare with our sorroundings because we're just starting to renovate it. Siguro less than two or three weeks, magmumukhang bago na ulit ang Eldritch," paliwanag niya kaya napakunot ang noo ko.
Renovate? So it means this was a fucking old school?
Sa isang iglap ay natuyuan ata ako ng laway nang maalala ang academy na naging laman ng diyaryo noon sangkot si Ezelle. Kumabog ang dibdib ko.
"Excuse me? Can I ask something?" sambit ko habang nakasunod lamang sa kanya.
"Is this the old Dolorous Academy?" Dahil sa naging tanong ko ay napatigil siya sa paglalakad at hinarap ako habang nakangisi pa rin.
"Anong alam mo sa Dolorous?" Namutla ako nang tanungin niya ako pabalik. Napaiwas ako ng tingin. Bago pa ako makasagot ay narinig ko na ang sigaw ni Caleb na tinatawag ako. Napalingon ako sa kanya. Humahangos siyang humahabol sa amin.
"Sorry po. Medyo natagalan lang, hehehe!" he said awkwardly and scratched his head.
Nginitian lamang siya ng lalaki at nagpatuloy na sa paglalakad. Bago kami sumunod muli sa kanya ay hinarangan ko si Caleb at nagsalita.
"Let's back out. I have a bad feeling about this," pabulong kong sambit dahilan para mapakunot ang noo niya.
"Me too. But we can't go out anymore. They already have our personal documents. Lalo na sa mga estudyanteng pinili ang mag-stay sa loob ng premises nila via dormitories. Hindi na sila basta-basta nagpapalabas." Napakagat-labi ako. Sumilip siya sa principal na malayo na ng ilang kilometro sa kinaroroonan namin. Waring nag-aalinlangan sa sasabihin.
"Your sister is bothered about your safety here. She asked me to give you this." My lips parted as he handed me a swiss knife. Pinanlakihan ko siya ng mata.
"What the fuck, Caleb?" I blurted out. Tinitigan lamang niya ako at siya na mismo ang nagbuhat ng maleta ko.
"It's from ate Ezelle. Make sure you always keep that with you. We can't trust anybody here," babala niya at naglakad na palayo.
Napalunok-laway ako at pinakatitigan ang swiss knife na iniabot niya sa akin. Lumakas ang tibok ng puso ko.
***
BINABASA MO ANG
Eldritch Academy: School of the Dead | COMPLETED
Misterio / SuspensoMURDER SERIES #02 After the incident, the government decided to cross out Dolorous Academy in the list of their prestigious schools for having highest criminal records and bad image in the media. That's when Eldritch Academy popped in with new admi...