CHAPTER 18 - KILLER'S IDENTITY

590 41 4
                                    

CHAPTER 18




KILLER'S IDENTITY






NAGKATINGINAN kami nina Riel at Mourine at parang nag-uusap na gamit ang mga mata. Sinabi ko na ito kay Caleb kanina pero hindi siya naniwala. Ang malala pa, nag-away pa kami.

"Sigurado ka ba rito?" tanong ng nag-aalinlangan na si Riel.

"C'mon, I know you're not trusting me but---"

"We're trusting you tonight," direktang sambit niya kaya tipid akong napangiti.

"Thanks."

"So what's the plan?" usisa ni Mourine na halos pabulong na at panay ang lingon sa paligid. Narito kami ngayon sa corridor na wala nang katao-tao.

"We're gonna catch the killer tonight." Kahit kinakabahan ay pilit kong tinatagan ang loob ko. Alam kong wala namang ibang tutulong sa amin kundi kami rin lang. Ang gagong admin na iyon ay gusto pa ata kaming mamatay lahat kaya hindi niya pinapaalam sa labas ang nangyayari rito sa loob ng Eldritch.

Napag-alaman kong hindi na pala sakop ng mga Monteclaude ang paaralang ito mula nang mag-migrate ang pamilya nina Cartel sa ibang bansa. But still, nakapangalan pa rin sa kanya ito. Siya lang ang naiwan rito mag-isa sa Pilipinas. They have family problems at mukhang iyon ang dahilan kung bakit mas pinili ni Cartel na dito mag-aral.

"Khirl, kinakabahan ako. Paano kung hindi siya? Ayoko nang mambintang nang basta-basta tulad ng ginawa ko sa'yo," halos maiyak na giit ni Riel at napahawak nang mahigpit sa suot niyang jacket.

"Pero paano kung siya nga?" kontra ko dahilan para magkatinginan sila ni Mourine.

"Kung siya nga, paano niya nagawa iyon kina Jhansen at Lenzy? Pati na sa iba?"

"That's what we're gonna find out," sagot ko at iniabot kay Mourine ang isang red lipstick dahil namumutla na ang kanyang labi. Napakunot ang noo niya.

"Aanhin ko iyan?"

"Seduce the admin tonight and we will look for the documents. Help us gather our cellphones," utos ko kaya napangiwi si Riel.

"Say what? Paano iyon?" sabat ni Riel.

"I am confident that Mourine would successfully do it." Tinitigan ko ang balisang si Mourine. Alinlangan niyang kinuha ang inaabot kong lipstick.

"Alam na ba 'to nina Lunette?" tanong ni Riel kaya napailing ako.

"Pagbalik na lang natin sa dorm."

Habang nag-aayos ng sarili si Mourine ay sinamantala ko ito upang kapkapin ang swiss knife na nasa bulsa ko lamang. Napakagat-labi ako.

Hindi ko akalaing magagamit ko ito ngayong gabi.




"Ready?" tanong ko kaya agarang napatango si Mourine na maayos na ang pagkakahawi ng buhok at may mapupulang labi. No wonder kung bakit nagustuhan siya ni sir Jovann.




Kahit madilim na sa corridor ay tinahak naming tatlo ang direksyon patungo sa office ni sir. Iilan na lang ang bukas na ilaw kaya kinakabahan ako. Tanging yabag lang namin ang maririnig sa tiles na sahig ng eskwelahang ito.




"I'm shaking." Paulit-ulit na napabuga ng hangin ang kinakabahang si Mourine kaya tinapik ni Riel ang pisngi niya. Hinawakan rin niya nang mahigpit ang kamay nito at pinisil.

"You can do it. We're after you. All you have to do is to distract him while we're aiming for our gadgets, okay?" Napatango si Mourine dahil sa sinabi ni Riel.

Nasa mismong tapat na kami ng opisina. Bumuga ng hangin si Mourine pagkuwa'y kinatok ng ilang ulit ang pinto.

"Sino iyan?" Boses ni sir ang narinig namin mula sa loob. Nagkatinginan kami ni Riel.

"It's me, Mourine... sir?" sagot ni Mourine at napakagat-labi.

Mayamaya'y narinig namin ang pagbukas ng pinto. Kusang pumasok si Mourine habang kami naman ay nakikiramdam lamang.

"Listen, if Mourine tap the table three times, we have to crawl inside," bulong ko kay Riel. Tila naintindihan naman niya ang sinabi ko at idinikit ang tenga sa nakaawang lamang na pinto. Sinadya itong hindi i-lock ni Mourine para makapasok kami mamaya.

I heard the laugh of sir Jovann when he saw Mourine. Napakaharot talaga ng hinayupak na admin na ito!





Ilang minuto lamang kaming naghintay at nakarinig na ng tatlong pukpok ng mesa. Nanlaki ang mga mata ko at sinenyasan si Riel na gumapang papasok. Habang ginagawa iyon ay nakita ko na ang paglalampungan nina Mourine at Sir Jovann sa kabilang sofa malayo sa teacher's table. Nakatalikod ang admin sa amin habang nakikita naman kami ni Mourine. Sinisigurado niyang hindi kami mahuhuli nito.

Sinamantala namin iyon para halughugin ang mesa niya. Dumako ako sa cabinet habang binubuksan na ni Riel ang locker kung saan naroon ang aming mga cellphone.

Maingat ang bawat galaw namin upang huwag makagawa ng ingay.

Napadako ako sa isang kahina-hinalang drawer at hinigit ko ito. Napangiwi ako nang mapagtantong hindi bukas. Gamit ang hairpin, sinimulan ko itong kalikutin.

Agad kong hinagilap ang mga folders na laman nito nang mabuksan ko.

"I got them!" rinig kong bulong ni Riel at unti-unti nang inilalabas ang mga phone namin sa locker. Saglit ko lang siyang sinulyapan at ibinalik ang atensyon sa mga folders na hawak ko.

This is our personal documents. Isa-isa ko itong binuklat hanggang sa mapatigil ako sa nag-iisang folder na may litrato niya. Binuklat ko ito.

Sa hindi malamang dahilan, nanginig ang mga kamay ko habang itinuturo ang mga salitang nakaprint sa kanyang personal information.

Naningkit ang mga mata ko.

"Mother's name, Noilisa Abarecia," I mumbled out as I scan the paper.

Abarecia.

Mas binasa ko pa ang ilang impormasyon upang maintindihan ko kung anong background niya.

"Abarecia was killed by her former student who happened to be one of the Aonaran section. Dolorous Academy. School year 2019-2020."

"Shit! Riel, I think I know who's the killer!" mura ko nang may mapagtanto. Napalingon ako sa direksyon ni Riel ngunit natigalgal ako matapos makarinig ng pagsinghap na parang may sinasaksak. Nagkatinginan kami at nanlaki ang mga mata.

"What's that?" Natutop ni Riel ang bibig at naiiling. Umiiyak na siya.

"M-Mourine, fuck!" Sa gilid ng mga mata ko'y nakita ko ang pagbulagta niya sa sahig. Duguan at naghihingalo. Nasa paanan na niya si sir Jovann at nakangisi sa aming dalawa.

"Tangina!" malutong kong mura at hihigitin na sana si Riel palabas nang magsimulang mapuno ng usok ang buong opisina.

Hindi ko mapigilang umubo at mapatakip sa ilong. Hindi na ako makahinga.

"Riel!" sigaw ko sa kabila ng pag-ubo. Pakapal na nang pakapal ang usok at wala na akong makita.

Naramdaman ko na lamang ang pagkirot ng ulo ko. May humampas rito mula sa likuran. Napangiwi ako. Naulit muli hanggang sa nakaramdam na ako ng pagkahilo.





***

Eldritch Academy: School of the Dead | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon