CHAPTER 5- NAOMHAICH SECTION

814 57 16
                                    

CHAPTER 5


NAOMHAICH SECTION



IGINALA ko ang paningin ko sa loob ng malawak na classroom. We are only twelve here. Six girls and six boys that made us equal. But still, it's a little bit strange for me. Napakaraming estudyante rito pero bakit labing-dalawa lang kami ngayon?

Hindi kami magkatabi ni Caleb dahil may kanya-kanya kaming upuan ayon na rin sa na-announce na seating plan kahapon. Narito ako sa tabi ng bintana habang si Caleb naman ay nasa bandang unahan. Katapat ko si Halcy. Nakapangalumbaba ito at nag-aabang rin sa pagdating ng professor namin. Late ito ng 15 minutes.

Mayamaya ay napaayos kami ng upo sa biglaang pagpasok ng isang lalaki. Nasa mid 30's siya at may bitbit na folder. Blanko niya kaming tinitigan.

"Are you the Naomhaich section?" tanong niya. Nakita ko ang pagtango nilang lahat. Tiningnan ko ang ID ko na kakabigay lamang ng admin kahapon. It states that I really belong to Naomhaich section.

What a cool name.

Inilapag niya ang mga gamit sa ibabaw ng mesa at hinarap muli kami.

"Bago ako magsimula sa discussion ko, I want you all to know me first," panimula niya.

"Sir, if you gonna waste the remaining 30 minutes you have by narrating your life experiences, don't bother. It seems we won't gather any learnings from you today," sabat ng isang lalaking estudyante na nakaupo sa bandang unahan katabi ni Caleb. Napatingin ako sa kanya nang magsimula na akong makarinig ng hagikhikan. Naka-de kwatro ito habang pinaglalaruan ang hawak na ballpen.

Nanatili akong tahimik kahit pakiramdam ko ay winalang-galang nga talaga niya ang professor na nasa harap namin ngayon.

Imbes na magalit ay ngumiti lamang ang lalaki at tumango. Isinulat niya sa blackboard ang pangalan ng section namin.

"It's N-A-O-M-H-A-I-C-H." Ibinagsak niya ang chalk sa sahig at ngumisi. Kinilabutan ako sa ngiting iyon.

"Naomhaich means to declare something divinely flawless. To set something apart as particularly hallow and sacred," panimula niya at tinitigan kami isa-isa.

"I thought your section name would fit your attitudes. But realizing you are full of flaws, now I know why you are only twelve. It's because you are all---"

"Last 20 minutes," pagputol muli ng lalaki sa sinasabi ni sir kaya naiinis na akong napatingin sa kanya. Nakangisi ito at parang sinusubok talaga ang pasensya ng teacher namin.

Tangina. Sino ba ang lalaking ito at parang ang lakas ng loob?

Hindi rin nagpatalo ang guro at nginisian ang lalaki. Sa isang iglap ay namatay ang ilaw sa buong classroom kaya napasinghap ako dahil sa gulat.

Nabuhay ang isang spotlight sa ulunan ni sir kaya siya ang nagsalita. Wala akong nakikita ni isa sa mga kaklase ko dahil sa sobrang dilim ng paligid. Ang tanging alam ko lang, lahat kami ay kinakabahan na.

Anong klaseng pakulo ito?

"We'll proceed to your self-introduction. If your spotlight opens, it's your turn to speak about yourself. You get me?" Narinig ko ang pagsagot nila. Napalunok-laway  ako bigla. Nauuhaw ata ako.

Napapikit ako nang tumama ang spotlight sa ulunan ni Halcy. It's her turn to stand up and introduce herself.

"Hi, everyone. My name is Halcy Abarecia. I'm a transferee from Middle High. I hope we can be friends. Thank you," sambit niya at nagmamadaling umupo. No one bothered to clap their hands. I can feel that they are all feeling intense. Nagpatuloy ang pagkabog ng dibdib ko habang isa-isa pa rin silang nagpapakilala.

"Caleb Carter."

"Jhansen."

"Marco."

"Mourine."

"Lunette."

"Lenzy Kate here!"

"I'm Riel Justine everyone!"

"Jude."

"Marx."

Agad akong tumayo nang sa akin na tumutok ang spotlight.

I look around before I speak. Though I can't see their faces, I am very sure they're  all staring at me.

"My name is Khirl Irish L-Lamontez." Napabuga ako ng hangin nang makaupo. Kinakabahan pa rin ako kahit hindi pa ito ang graded oral recitation.

Tumapat ang spotlight sa pwesto ng lalaking kanina pa binabara ang professor namin. Hindi siya nagpatinag sa pagkakaupo. In fact, patuloy pa rin siya sa paglalaro ng hawak na ballpen at ipinatong pa ang dalawang paa sa ibabaw ng kanyang desk. He is really something.

Ilang minuto lamang ay nagsalita na rin siya.

"My name is Eldritch Cartel Monteclaude. And yes, I'll own this institution soonest."

Dahil sa sinabi niya ay mas natahimik kaming lahat. Kusang bumukas ang mga ilaw ng buong classroom hanggang sa makita ko na muli ang mga kaklase ko. Bakas sa mukha nila ang pagkagulat sa nalaman.

Nadako ang tingin ko sa professor namin. Nakangisi pa rin ito. Mukhang alam na naman niya talaga ang totoo kaya hindi niya pinapansin ang pakikipag-usap ng lalaking ito sa kanya.

"Eldritch Cartel Monteclaude. Nice name, hijo. You maybe the son of our beloved founder. But why on Earth you belong here with them? Are you a trouble maker too? Oh, I state an obvious question. My fault,"  may panunuya sa boses niya kaya nawala ang malapad na ngisi ni Eldritch sa labi.

"I commend your father for being fair in their rules and regulations. Now you have to deal with them as long as you are here in Naomhaich. Good luck," sambit pa niya kaya halos naningkit ang mga mata ko.

What the hell is he saying? Did they isolate us from the other students because we have bad records in our previous schools? What the eff? Nasapo ko ang ulo kong kumikirot kakaisip sa mga naririnig ko. Nahihirapan akong i-absorb lahat.

"You talk too much. Go and leave now. It's already time," walang emosyong sagot ni Eldritch kaya muli siyang nginitian ng professor namin.

"This is not the last time we will meet each other. Sa mga susunod na araw, I'll be your mentor for the other subjects. I hope you'll learn lessons from me. Good bye, class."

We didn't even bothered to say good bye to him because we are all confused. Narinig namin ang pag-ring ng bell. Otomatiko kong sinukbit ang bag ko at lumapit naman sa akin si Caleb.

"Sabay na tayong maglunch?" bungad niya. I nodded since hindi ko pa naman ka-close ang ilang mga kaklase ko. Si Caleb lang ang tanging mapagkakatiwalaan ko rito kahit hindi siya mukhang katiwa-tiwala.

Bago pa kami makalabas ay narinig ko ang pagtawag sa akin ni Eldritch.

"Khirl Irish Lamontez."

Napalingon ako.

"Are you the sister of Ezelle Lamontez, a famous former murderer five years ago?"

Hindi ako makakilos. Nakuyom ko ang kamao ko.

Nakatingin na silang lahat sa akin. Hinuhusgahan na nila ako.


***

Eldritch Academy: School of the Dead | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon