Prologue
Nasanay ako na palaging number one...
Hindi ako nag papatalo, competitive nga ika nila.
Ganon kasi ako pinalaki ng mama ko, nagagalit sya pag pangalawa lang ako, especially sa klase. Kaya kahit ayaw kong maki pag kompetensya, nakiki pag kompetensya parin ako. Ayaw kong magalit sakin yung mama ko.
Kahit kailan hindi ko naranasan na mag laro o maki pag laro sa mga kaedad ko noong bata pa ako. Andon lang ako sa loob ng bahay, hawak ang lapis habang nag babasa ng libro.
Pag lumalabas ako upang bumili sa tindahan inaasar nila ako 'Batang takot sa araw' 'Batang maligno' 'Batang preso' at iba pang masasakit na salita.
Bata palang ako naiisip ko na kung normal ba yung ganito. Yung ganitong buhay? Walang kaibigan, walang kapatid, at higit sa lahat walang ama na pwede kong sandalan sa oras na hindi ko naaabot ang expectations ni mama, ama na mag papayo ng mga bagay bagay, ama na ipapadama ang tunay na pag mamahal para sa kanyang anak.
Batang maligno nga ata ako. Putok sa buho.
BINABASA MO ANG
TADHANA
Non-FictionTake time to realize that some people are part of your history but not part of your destiny. Read it in your own risk. 08/29/20