Chapter Two
Maagap akong nagising ngayon, maagap ang start ng klase ko ngayon eh.
Sabay kami ni mama na mag agahan, sya yung nag luto. Ganon lagi routine namin.
"Anong oras out mo mamaya?" t'wing umaga yan lagi ang una nyang tinatanong.
"5 po ma" sabay inom ko ng gatas
"Siguraduhin mo na andito kana bago mag 5:40, pupunta daw dito ang Tito Joel mo. Sabay sabay tayong mag hahapunan." tumango tango nalang ako, Tito Joel? Sino yun? Hindi na ako nag abala na tanungin pa sya kasi alam ko naman na hindi nya din sasagutin.
"May mga kaibigan kana ba?" diretso syang tumingin sa akin.
"Wala po" simple kong sagot, pakiramdam ko hindi ako tao, hindi ako normal na tao.
"Mabuti. Ayaw kong nakikipag kaibigan ka! Lalo na sa mga walang kwentang tao. At higit sa lahat ayaw kong nakikipag kaibigan ka sa mga lalaki! Hindi kita pinalaking malandi! Naiintindihan mo joy?" tumango lang uli ako bilang sagot. Hindi ko maintindihan pero may mga kaibigan naman sya, nag iinom pa nga sila dito sa bahay minsan pero bakit ayaw nya na may kaibigan ako? ):
Ganito ba yung buhay na meron sya dati?
Nag lalakad na ako papunta sa school. Inaantok pa ako. Ganito din kaya nararamdaman ng mga kasing edad ko? Haha curious lang.
Hays. Para akong nasa preso, gaano ba talaga kalaki ang kasalanan ko? Kailan ako pwedeng lumaya?
"Uy!" Nagulat nalang ako ng may mag salita sa tabi ko. Si Nicholas. Lumingon lingon muna ako para siguraduhin kung ako ba talaga ang tinawag nya.
"Dito ka din naka tira?" tanong nya habang ako naman ay naka tungo lang habang nag lalakad
"Takot ka ba sa tao? Haha" mahina syang napatawa sa sinabi nya at napa iling-iling pa animo'y hindi naniniwala na baka sakaling totoo yung biro nya.
Tumigil ako sa pag lakad dahilan para tumigil din sya at tumingin sakin. Mariin akong tumango ng dahan dahan.
"HAHAHSHSHHSHAHAHAHAHAHAHA"
Bat sya tumatawa? Nakaka insulto to ah. Hays bahala sya dyan. Bakit? Wala bang taong takot sa tao? Madami kaya kami.
"HOY! TEKA LANG!" Sigaw nya sakin habang tumaktakbo palapit sakin.
"Napaka seryoso mo naman masyado. Pft" halatang pinipigilan nya pa yung pag tawa nya.
Tahimik nalang kaming nag lalakad, nag tatanong parin naman sya ng kung ano-ano habang ako naman ay tumatango lang o umiiling bilang sagot.
Nakarating kami sa school ng hindi na muli nag uusap. Tahimik nalang. Hindi din naman sya umimik nong nanahimik na ako.
*Nicholas POV*
TAHIMIK naman netong katabi ko. Kanina pa ako na bobored. Wala akong kausap. Wala syang ginawa kundi mag basa ng basa o di kaya ay mag sulat.
"Joy" tawag ko sa kanya
"Joy" ulit ko, hindi parin sya lumilingon, bingi ba to?
"Joy!" Ayon, saka lang tumingin sakin
"Bakit?" seryosong tanong nya
BINABASA MO ANG
TADHANA
Non-FictionTake time to realize that some people are part of your history but not part of your destiny. Read it in your own risk. 08/29/20