Chapter Three
KADARATING ko lang ng bahay galing school
"Ma! Pa! I'm home!" Sabay bagsak ng katawan sa sofa dito sa salas
"Oh sweetheart parang inabot ka nang gabi ngayon ah" tapos tumabi sakin si mama at hinipo hipo ang buhok ko na naka patong sa ulunan ng sofa, hayyy ang sarap sa pakiramdam. Nakakatanggal ng pagod
"Ma, mahabang kwento" nakapikit kong sabi atsaka humugot ng malalim na hininga
"May nangyare bang hindi maganda?" malumanay nyang tanong
"Ma? Meron ba talaga na taong takot sa tao?" I faced her with curious looks. Yeah! I'm really curious about that.
"Hmm! Depende sa kung paano sya matakot. Kase malay no takot pala sya sa tao kase sinasaktan sya, binubully o ginagawan ng hindi maganda. Pwedeng ganyan ang maging rason nya kung bakit sya takot sa tao" she explained
"Well I guessed naka encounter ka ba ngayon ng takot sa tao na yan?" she asked, yes mom. Kapartner ko pa kanina sa isang subject.
"Hindi pa naman po. Tara na ma? Kain na tayo" ako ang unang tumayo at agad na nag tungo sa kusina upang mag handa ng pagkain.
TAHIMIK kaming kumakain kasalo yung bagong jowa ata ng mama ko. Joel ang pangalan. Nag titinginan sila, na akala mo'y bawal kong makita ang pinapahiwatig nila sa isa't isa.
Tumayo na ako dala ang pinggan ko para dalhin sa lababo
"Ma, tawagin nyo nalang po ako pag tapos na kayong kumain. Mag aaral na po ako" hindi ko na hinintay na mag salita pa sya, tumalikod na ako. Parang alam ko na naman ang bagsak neto. Sa huli sya na naman ang masasaktan, pero nakaka pag taka lang na ito ang kaunahang lalaki na pinakilala nya sakin bilang nobyo nya ata.Mabuti na nga laang ay hindi ako nagalitan kanina, nahuli ako ng mga trenta minutos sa oras ng aking pag uwi.
Paano ba naman kase....
------flashback------
inisa-isa ko na ang aking mga gamit para ilagay sa loob ng bag ko, upang mabilis na makarating sa bahay. Malapit na din mag 5:30 jusko, mukhang mananakbo pa ako.
Palabas na ako ng classroom ng may tumawag sakin...
"Joy sama ako sayo sainyo nalang natin gawin yung briefing natin about sa topic na meron tayo" nagulato ako sa sinabi nya, hindi pwede panigurado na mapapatay ako ng mama ko at sigurado din ako na damay sya sa mapapatay
"A-ah e-eh h-hindi k-kase p-wede s-sa b-bahay" pakiramdam ko na nginginig pati kalamnan ko sa takot na pati sya ay mapahamak
"Bakit? Ano kaba! Partner tayo dito sa homework na to!" masigla nya pang sabi, jusko lord maawa na po kayo sakin
"H-hindi kase talaga pwede sa amin eh" nakatungo kong saad
"Eh paano ito?" sya
"Ako nalang gagawa!" tapos akmang kukuhain ko sa kanya yung notes ay agad naman nyang itinaas
BINABASA MO ANG
TADHANA
Non-FictionTake time to realize that some people are part of your history but not part of your destiny. Read it in your own risk. 08/29/20