Chapter One
Second semester ko na ng 4th year highschool, college na ang kasunod. Hanggang ngayon hindi ko parin alam kung ano ang gusto kong maging.
Napa buntong hininga na lamang ako sa dking sariling pag iisip. Ano nga ba ang gusto ko? Hays
"Joy! Nakita mo na ba report card mo nong first sem natin?" Medyo nagulat ako don kasi di ako sanay na may natawag sakin dito na mga kaklase ko.
Lumingon ako sa kanya at tsaka tumango bilang sagot sa tanong nya.
"Hmp! Lagi ka naman top one kaya useless pag tatanong ko sayo, for sure lalong tumaas grades mo!" Sabi nya sabay talikod sakin. Balita ko nga maraming bumagsak sa PE class. Madami din kasing nag cucutting class don. Tsaka di ko na problema yun.
Lumabas ako ng silid aralan upang mag tungo sa canteen. 10:00 pa naman ang start ng first class namin kaya medyo maagap pa. Kaya pa naman mag taas baba sa napaka taas na hagdan dito sa building ng 4th year.
"Oyyyy alam nyo ba!!! May transferee tayo!! Fourth Year highschool din!! At ang balibalita don sa cr ng girls lalaki, gwapo din daw, at basketball player!!" chikahan ng mga kapwa ko babae dito sa linya naming mga bibili ng pagkain.
Nahiyad hiyad pa yung mga yun, kalamo ay walang matatamaan ang mga buhok nila. Tas napalirit pa na animo'y isang kulisap sa gabi. Hays
"Ano daw section?" Huling tanong na narinig ko sa kanila kasi ako na yung kasunod
"Isang pineapple juice po at waffle. Salamat po" inabot ko na din yung bayad at inabot nya na din sakin yung binili ko.
Nag lakad na uli ako patungo sa aking silid aralan dahil alam kong wala ng bakanteng upuan dito. Ayaw kong ipagsiksikan ang sarili ko >.<
Natapos kong ubusin ang aking biniling pagkain habang mag isang nag lalakad sa hallway matapos. Hagdan palang nakakapagod na!
"Start na naman ang klase hays" bulong ko sa sarili ko habang papasok sa loob ng room, diretso lang sa aking upuan, wala naman akong kaibigan na maaaring tigilan at kausapin dito hays.
Napaka saya ng buhay ko
"Ayan na si ma'am guys! Tahimik!" Paalala ni Marie, ang muse ng klase namin. Maganda talaga sya, maganda ang hugis ng katawan, maputi at higit sa lahat mayaman!
Sa sobrang ganda nya, kaya nyang pasunodin ang buong klase sa kahit isang salita lamang. Napaka powerful. Mas magaling pa sya sa president mag patahimik. Walang kwentang president.
"Good morning class. No! No! Just sit" sabi ni ma'am nong tangkang kami ay tatayo para bumati
"Well, I'm here for the subject of?"
"Chemistry!" Sagot ng karamihan, na syang nag dulot ng pag tango ni Mrs. Gueverra
"But there's more! I'm here also because I want you to meet our transferee" naka ngiti at pumapalakpak na saad nya
"Sabi na! Sa section natin mapapapunta ang transferee! Yes!"
"Grabe! Matagal ko ng inaantay na may lumipat dito satin!"
"Basketball player daw yun eh!"
Walang katapusan na bulongan ang maririnig dito sa loob ng klase na ito.
Athletic kasi kaya dito sa section one napunta.
"Oh here he is. Come inside and introduce yourself."
BINABASA MO ANG
TADHANA
Non-FictionTake time to realize that some people are part of your history but not part of your destiny. Read it in your own risk. 08/29/20