[Sky's POV]
"Miss Sophie, nandito na po tayo" sabi ng driver ni Sophie.
"Thanks! I'll call you when were done"
At hinigit nanaman ako palabas ng kotse ni Sophie! Haaaaays...
"Saan tayo Sophie?"
"Nandito tayo sa main branch ng mall ng mga Smith"
Smith? T-teka... Ibig sabihin...
"Smith ba kamo? Ibig sabihin kila Kyle ito?"
"Yup! Nandito rin kasi sa loob yung main boutique ko kung saan tayo mamimili!"
Wow! As in napanganga talaga ako! Ang laki ng mall at may sariling boutique na pala si Sophie at the young age of her.
Naglakad na kami papasok ng mall. At mas lalo akong namangha sa hitsura nito sa loob. Hindi na ako magtataka kung bakit isa sa mga shareholders ng school sila Kyle.
"Ahm Sophie, pwede magtanong?"
"Sure! As long as na kaya kong sagutin"
"Si Kyle narin ba ang nagmamanage nitong mall?"
"Minsan siya, minsan yung butler niya kasi nag-aaral pa siya. If may freetime si Sean, nagpupunta siya sa mga branches ng malls nila and other businesses nila"
"Hindi halata sa personality ni Kyle ah"
"That what everybody thinks of him. Pero napakagaling niya sa paghahandle ng businesses nila. Kaya hindi na kami magtataka kung paano nila naging business partner ang mga Shinzu knowing na mahigpit sila sa pag accept ng inventors"
"Talaga? Ang galing naman ni Kyle. Hindi ko expect na ganun siya kagaling sa paghandle ng business"
"Marami ka pang hindi alam samin my dear. Pero one of this days, makikilala mo rin kami ng lubusan" at nginitian ako ni Sophie, "we're here na at my boutique"
Sophie's Boutique
Grabe! Labas palang ng boutique ni Sophie mapapanga-nga ka sa ganda! Halatang mamahalin ito!
"Let's go! Ipapamake-over muna kita!"
W-what?? Make-over?
"T-teka Sophie! Anong make-over?"
"Aalisin na natin yang nerdy look mo Sky. Out of style ka na kasi eh. No offense dear ha"
"Pero, eto na kasi ang nakasanayan ko eh. Tsaka, kahit anong make-over gawin mo sakin wala ng pag-asa dahil hindi naman ako maganda tulad mo. Sayang lang ang pera mo sakin Sophie"
Totoo naman kasi eh, hindi naman ako kagandahan. All my life nerdy look na talaga ako. Never ko pang naisip na baguhin ang sarili ko.
"Ano ka ba Sky! I know there's a pretty face to that nerdy look of yours! I just want to reveal the new version of you! This will be exciting kaya wag ka na umangal!" sabay higit nanaman niya sakin papasok ng boutique niya kaya wala akong nagawa kundi magpahatak nalang. Wala naman kasi akong panalo dito kay Sophie. Haaaaays.
Nandito na kami ni Sophie sa loob ng boutique niya. One word "wow" yan lang masasabi ko. Ang gaganda ng mga damit. Kapag ako siguro nagsuot niyan mukhang basahan sakin. Haha!
Habang inaantay kong bumalik si Sophie dahil daw kukunin niya yung mga damit na ipapasukat niya sakin, may nakita akong isang dress na sobrang ganda. Color pink siya na above the knee na pabaloon na ruffles tapos tube siya na may mga little diamond na kumikinang. Pagtingin ko sa presyo P30,000 pesos?!!!
BINABASA MO ANG
Campus NERD is the Lost PRINCESS (ON-GOING)
Teen Fiction"I love you not only for what you are, but for what I am when I am with you" MAGANDA MABAIT MATALINO MAGALANG MAPAGMAHAL TALENTED hmmm, almost PERFECT na sana... KASO... siya'y isang NERD!!! Yes!!! A CAMPUS NERD of CHARMSTAR ACADEMY! But she's not t...