[Sky's POV]
May isang batang babae ang pumasok sa isang kwarto. Pagkapasok nito ay biglang tumakbo at tumalon-talon patungong kama ng isang batang lalake na natutulog pa.
"Joh-eun achim, hyeong!! (Good morning, kuya) Wakey-up!! Let's eat our breakfast!!"
"Hey princess, stop it! You might fall" sabay taklob ng unan sa mukha nito
"Come-on!" (blaaaag!) "ouchyyy---!" sabi ng batang babae ng mahulog ito sa kama. Napabangon bigla ang batang lalake.
"Princess, are you okay?"
kkkkkrrrrrrrriiiiiiiiiiiiiinnnngggg!!! (tunog ng alarm clock)
Napabangon ako bigla dahil sa pag tunog ng alarm clock ko!!! Ano ba yan! Kabitin naman yung panaginip ko. Pero, ang weird lang kasi hindi ko maintindihan yung salita sa panaginip ko.
"Sky! Anak! Bangon ka na diyan at baka mahuli ka sa klase mo" rinig kong sigaw ni Mama.
"Opo Ma!"
Ako nga po pala si Serene Kylie Yu aka Sky, 17yrs old at isa akong senior highschool na nag-aaral sa Princestar Academy bilang isang scholar.
Every year kasi, nagbibigay ng full scholarship ang academy pag nag rank 1 ka sa entrance exam nila. Fortunately, ako yung nagrank 1 pero I need to be a Student Assistant of the teachers sa academy and maintain my good grades.
Alam niyo ba na sikat ako? Oo super sikat kaya ako, bilang isang Nerd. Hahahaha! Ayos di ba? Wala naman kasing gusto na maging kaibigan ang isang gaya ko.
"Good morning Ma!" bati ko kay Mama sabay kiss sa pisngi nya.
"Good morning din nak, bilisan muna dahil malapit ka ng malate" sabi ni Mama sakin
"Maaga pa po Ma"
"Anong maaga pa eh 7:30am na nak. Late nanaman ba ang orasan mo?"
O__________O!!!
Nanlalaki naman ang mga mata ko sa sinabi ni Mama! Kaya naman dali-dali kong inubos ang hot choco at kumuha ng isang tinapay!
"Ma, alis na po ako!!" paalam ko kay mama sabay takbo palabas ng gate.
"Ingat ka nak!" sabi ni mama.
"Opo!" sigaw ko at nagtatakbo papunta sa school. Buti nalang at malapit lang ang tatakbuhin ko papunta ng academy pero juskooo pooo!!! 10mins nalang at magsasara na ang gate! Nang biglang...
(beeeeeeeeeeep!!!!!)
May bumusina ng pagkalakas lakas na ikinagulat ko! Sino ba tong walang manners na to at kung makabusina ay parang wala ng bukas!!
Binaba naman nito ang bintana ng kotse niya at sumilip. Pagtingin ko ay si... Ethan my childhood bestfriend! At ang dahilan kung bakit ako nagpursigi makapasok sa Princestar Academy, is because of him.
"Bimbo!! Nakaharang ka sa daan"
Ayan nanaman yang napakasweet nyang indearment sakin. Nagtataka kayo kung bakit BIMBO tawag niya sakin? Dahil mahirap ibig sabihin nun!

BINABASA MO ANG
Campus NERD is the Lost PRINCESS (ON-GOING)
Teen Fiction"I love you not only for what you are, but for what I am when I am with you" MAGANDA MABAIT MATALINO MAGALANG MAPAGMAHAL TALENTED hmmm, almost PERFECT na sana... KASO... siya'y isang NERD!!! Yes!!! A CAMPUS NERD of CHARMSTAR ACADEMY! But she's not t...