[Kiara's POV]
*Faculty Room*
Kakatapos lang ng klase ko sa Star section and as usual, ganoon parin ang routine namin. Haaaaays, nakakapagod. Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng section dito sa academy, doon pa ako naisipan ilagay ni Ms. Shin.
Anyways, ngayon pala yung first day nung new English teacher ng class ko. And to my surprise?! Kilala ko siya!! Ugh, that guy---!!!! Bakit siya pa?!! Sa dinami-rami ng mga teachers sa mundo, siya pa ang napili!!
"Ma'am Kiara, nakita mo na ba yung new English teacher? Ang gwapo!" sabi ni Ma'am Anne Castro ang head teacher namin.
Gwapo? Saan banda?!
"Medyo ka-edad mo pa siya. Naku, baka magkalovelife ka niyan Ma'am Kiara"
Kung yung lalaki din naman na yun, wag nalang!!!
"Naku Ma'am Anne, hindi po. Focus po ako sa work ko"
"So, workaholic ka pala?"
Nagulat naman ako sa nagsalita sa likuran ko. Pagtingin ko, agad nag-init ang ulo ko!!!
"Pakialam mo?" singhal ko sakaniya. Tama bang makinig siya sa usapan?!
Ngumiti naman ito sakin at tumingin kay Ma'am Anne, "Hi po, I'm Bryan Go po, the new teacher" pagpapakilala niya.
Bryan Go was my classmate in college. Lagi niya akong pinagtitripan dati at iniinis tulad ng ginagawa niya ngayon!!! Bakit kaya naisipan nitong mag-apply dito?!
"Hello, I'm Ma'am Anne Castro, the head of the faculty and History teacher as well. Buti naman at may mas bata-bata na ngayon na teacher, may makakabonding na si Ma'am Kiara"
Huh? Anong sinasabi ni Ma'am Anne? Anong bonding?! Baka disaster!!!
"Anyways, maiwan ko muna kayo. If you need anything, just ask Ms. Fuentes for assistance. I have to go"
"Sige po Ma'am, thank you"
Oh no!!! Ma'am Anne don't leave me with this guy!!!!
"So Ms. Kiara Fuentes, we meet again" sabi nito sabay *smirk* pa!!!
"It's not so nice to meet you again, Mr. Bryan Go!!!!"
"Why? Hindi mo ba ako na-miss? Tsaka ayaw mo nun, may kabonding ka na" ngiting-aso nitong sabi!!! The heck?!
"Miss? At bakit ko naman mamimiss ang isang tulad mong sutil at ubod ng yabang, ha?!"
"Hindi ba pwede magbago?"
"Whatever!"
"Nga pala, ang daming magaganda pala dito no! Pati yung principal"
"Kung gusto mong mag girl hunting, doon ka sa bar magpunta!!"
Bakit ba kausap ng kausap sakin ang mokong na ito?!! Nakakainis na ah!!
"Ayoko, besides you're pretty too" sabay kindat niya sakin.
Ano daw?!
"Hoy Go! Kung inaakala mo----"
Hindi ko natapos yung sasabihin ko dahil bigla nitong pinisil ang pisngi ko!!
"Ang cute mo parin pag naiinis ka"

BINABASA MO ANG
Campus NERD is the Lost PRINCESS (ON-GOING)
Novela Juvenil"I love you not only for what you are, but for what I am when I am with you" MAGANDA MABAIT MATALINO MAGALANG MAPAGMAHAL TALENTED hmmm, almost PERFECT na sana... KASO... siya'y isang NERD!!! Yes!!! A CAMPUS NERD of CHARMSTAR ACADEMY! But she's not t...