Prologue: The News
"Careless, careless shoot anonymous, anonymous...Heartless, mindless, no one, who care about me?"
Sa pagkanta pa lamang na narinig ay kumunot na agad ang makinis na noo ng dalagang si Mhaira.
"Hoy, ano ba kayong dalawa? 'Di na ba kayo nanawa jan sa kantang yan?!" Sita nito sa mga kaibigan.
Lumingon ang isang babaeng may tuwid at itim na buhok, may porselanang kutis at may bangs na tumatakip sa noo nito. Isang masamang tingin naman ang ibinato sa kanya ng dalagang may medyo brown na buhok at may pagkabalingkinitan.
"Just singin' here, Mhaira," wika ng babaeng may bangs, si Hana. "Can you just...mind that book?" Dugtong pa nito sabay turo sa librong 'Breaking Dawn' na hawak ng kaibigan. Umismid lamang s'ya dito saka itinuloy ang pagbabasa.
Matalik silang magkaibigan mula elementary, kaya ang mga ganitong konbersasyon ay normal na lang sa kanila. It seemed like it's their own way of saying 'I love you' to each other.
"Mhai, nasaan nga pala si Iyna?" The other girl—named Raina—asked. Nagkibit balikat lamang si Mhaira habang 'di nag-aabalang lingunin s'ya. Nagkasalubong ang kanyang mga kilay. Haynako, late na naman s'ya. She thought.
Naisipan n'yang lumabas sa room ng III-Exodus para sana salubungin si Iyna na halos tatlumpung minuto nang late. Maswerte ito dahil hanggang ngayon, wala pang dumarating na teacher.
Agad n'yang tinakbo ang distansya nang matanaw n'ya na ito.
"Iyna!" Tawag n'ya sabay kaway sa kaibigan. Isang malapad ding ngiti ang isinalubong nito sa kanya.
Hinihingal s'yang tumigil sa harap nito, "Bakit ngayon ka lang?"
"Sorry naman, late na akong nagising eh." Wika naman nito sabay kamot sa ulo.
Sabay na naglakad ang dalawa pabalik sa nasabing room. Hindi man sila late sa klase, minabuti na din nilang magmadali.
Sakto namang pagdating ng dalawa ay naabutan nilang nagsasalita sa harapan ang class president.
"Classmates, may important announcement ako para sa ating lahat." Sabay tikhim ng babaeng may makapal na salamin at mahabang buhok. May katangkaran ito at may kalusugan ang pangangatawan. "Siguro matutuwa kayo, natural. This is a very big news. A really, really good news."
Napuno ng bulungan ang buong kwarto. Anong balita kaya 'yon? Siguro wala tayong teacher? Ilan lamang iyan sa mga ibinubulong ng mga estudyante.
"There will be a very long vacation for the students this year. Starting today, January 18,****—the end of this vacation is still unconfirmed. Every school will undergo reconstruction due to an unknown reason—as ordered by the government. But they assured that this will take, at least, half of the year with the help of professionals."
Napanganga ang lahat sa narinig. Totoo ba ito? Baka naman biro? Pero hindi. This is the truth.
"Yes!" Kanya kanyang reaksyon ang mga estudyante nang makumpirma ito. Habang tahimik namang napapangiti si Raina. She thought of a plan to enjoy this long vacation.
"Korea!" Sigaw n'ya sabay tayo sa upuan n'ya. "Makakapunta na ako sa Korea!"
Nilingon naman s'ya ni Hana. "T-talaga? Sama ako!" Nang marinig iyon nina Mhaira at Iyna ay gumuhit ang matamis na ngiti sa kanilang mga labi.
"So, kailan tayo magpapabook ng flight?"
—
"Fifteen thousand four hundred..." bilang ni Raina sa mga salaping nasa harapan n'ya. "Kulang pa ito para sa anim na buwan."
Napabuntong hininga s'ya. Ito na lahat ng ipon n'ya. Nakakatawang isipin na ang lakas ng loob niyang pumunta ng ibang bansa sa perang barya lang naman kung tutuusin para sa paggagamitan n'ya.
"Humingi kaya ako kina Mama?" Nag-aalangan niyang tanong sa sarili. Pero naisip n'ya, sobra sobra na ang lahat ng nagawa sa kanya ng mga magulang. Parang napakaselfish niya naman kung hihingi pa siya sa mga ito.
Laking pasasalamat niya dahil ayos na ang kanyang passport, ticket at visa. Noong nakaraang taon kasi, ito ang hiniling n'yang regalo sa Ninang niya. Mabuti nalang at pwede pa itong gamitin nang isa pang taon.
Nagtungo na siya sa kusina para makapaghapunan. Dito ay kinausap niya ang parents n'ya.
"Ma, Pa, aalis po ako ng Pinas." Napatigil sa pagkain ang mga ito sa sinabi n'ya. Maging ang nakababata nitong kapatid ay natulala din sa kanya. "Bakasyon na po namin. Kaya naisipan kong gamitin na yung regalo sakin ni Ninang Lea nung 'sang taon."
"Sigurado ka ba, anak? Kaya mo na bang mag-isa?" Tanong ng kanyang Papa. "Hindi naman po ako mag-isa dun, eh. Kasama ko po ang mga kaibigan ko." Ngumiti s'ya sa mga magulang habang hinihintay ang sagot ng mga ito.
"Basta, mag-iingat ka doon, ha?" Wika ng kanyang ina na ikinatuwa nya. Hinawakan s'ya nito sa balikat. "Tatawag ka, mamimiss ka ng Papa mo."
Nagtawanan sila nang sumimangot ang kanyang ama. "Aba, ako lang ba ang makaka-miss sa anak natin?" Wika nito. At nagtawanan ulit silang lahat.
Masaya si Raina sa reakyon ng mga magulang. Sa wakas, matutupad na rin ang pangarap n'yang mangibang bansa. At ang pangarap na makita ang mga iniidolo n'ya.
Agad n'yang tinawagan ang mga kaibigan.
"Aalis na tayo, bukas."
—
BINABASA MO ANG
Can I reach You? (DON'T READ)former MhIy HaRa goes to Korea) (editing)
FanfictionLove is like a star. It maybe out of reach, but someday, somehow, you'll learn how to reach it. Can I Reach You? © eichel