Chapter 3: It's him
"Hello?" Marahang sabi ni Raina sa hawak na cellphone. Tumunog kasi ito at mukhang wrong number pa nga dahil ang tagal sumagot ng nasa kabilang linya.
"Hello?" Pag-uulit niya, ngunit sa mas mababang tono na. Nakarinig muna si Raina ng isang buntung-hininga bago siya sagutin ng taong tumawag.
"Raina," mababakas sa malalim na boses nito ang kaba na may halong excitement. "It's me, Charles."
Nakaramdam ng saya si Raina sa narinig. Si Charles, ang kaibigang nakilala niya sa Caloocan nang minsang magawi siya roon para mag-aral ng high school. Ito ang may-ari ng apartment na inupahan niya noon kaya naman naging magkaibigan na rin sila.
Isang taon na ang nakaraan mula nang huli silang magkita nito. Bumalik na kasi sa Cavite si Raina para magkolehiyo, kaya nagkahiwalay sila ng landas.
"Sorry, ngayon lang ako nakatawag. It's been a year, right? I hope nasa mabuti kang kalagayan ngayon," Charles said. "And, I heard nasa Seoul ka daw?"
"Huh? Paano mo nalaman?" Gulat na sabi ni Raina dito. Wala siyang ideya kung paano nito nalaman kung nasaan siya ngayon. Hindi kaya, sinabi sa kanya ng parents ko? she thought.
"Your mom told me. Tumawag ako sa phone mo pero siya ang nakasagot. She said, nagpalit ka na daw ng sim kaya ibinigay niya sa 'kin iyong bago mong number," napabuntung-hininga si Raina sa sagot ni Charles. Sabi na nga ba niya, eh. Her mom won't keep any secret even from a boy she didn't know, like Charles. Sanay kasi ito sa mga kaklase ni Raina na palaging tumatawag sa kanya. At sanay itong sabihin ang katotohanan kung sakaling may maghanap sa anak niya kung nasaanman ito.
"You know, your mom's great." Sabi ni Charles sa kalmadong boses.
"Thank you," wika naman ni Raina. "Bakit ka nga pala napatawag?"
"Nangungumusta lang. Uhm, if ever kailangan mo ng kausap, don't hesitate to call me or text me. I'm always here for you whenever you need me," isa na namang buntung-hininga ang pinakawalan ng binata. "You know, as a friend."
Napangiti si Raina. She's so thankful to have so many friends. Nandiyan sina Hana, Iyna, at Mhaira. At ngayon, si Charles. Mga kaibigang kahit hindi niya hingan ng pabor ay ibinibigay ang kailangan niya.
"Thank you, Charles. Sana ayos ka lang din diyan. Papasalubungan na lang kita pag-uwi ko," masayang sabi ng dalaga. "I hope we can meet again. Miss ko na friend ko, eh."
Napangiti si Charles sa kabilang linya. This girl never fails to make him smile. "Yeah, I hope I could meet you, too... soon. And," saglit na katahimikan bago siya muling magsalita. "I miss you, too, friend."
"So, goodbye for now? Next time na lang ulit, I think." Sabi ni Charles.
"Mm, yeah. Bye, Charles." Sabi ni Raina bago i-end ang tawag.
--
"Hindi tayo tutuloy sa Busan," malungkot na saad ni Hana. "Kapag gumastos pa tayo papunta doon sa malayong beach na iyon, wala na tayong gagastusin para sa mga darating pa na concert at fanmeetings."
Nanlumo ang apat. Sayang naman at hindi nila mararanasang makpagtampisaw sa tubig ng Busan.
"Pero, pwede naman tayong pumunta doon bago tayo umuwi ng Pilipinas, di'ba?" Wika naman ni Iyna. Nagtataka namang lumingon s kanya ng tatlo. "Magtipid tayo, iyon ang solusyon."
Kumunot ang noo ni Mhaira sa narinig. "Ibig sabihin ba noon, hindi muna tayo pupunta ng mga concert at fanmeetings?"
Umiling si Iyna. "Pupunta parin naman. Pero walang gagastusin. Pagkain lang, pero dapat tipid pa rin."
Nagpatangu-tango ang tatlo. That is the brightest idea, they thought. Siguro nga, kung gusto nilang mag-enjoy nang mas matagal, dapat matuto silang magbadyet.
"So ngayon, may narinig akong balita." Hana said kaya bumaling sa kanya ang lahat. "May album signing ng Mama album ngayon. Walking distance lang sa may park malapit dito sa hotel."
Napatayo na ang lahat at nagmadali nang maghanda para sa isa na namang fangirl adventure.

BINABASA MO ANG
Can I reach You? (DON'T READ)former MhIy HaRa goes to Korea) (editing)
FanfictionLove is like a star. It maybe out of reach, but someday, somehow, you'll learn how to reach it. Can I Reach You? © eichel