CHAPTER NINE

58 2 0
                                    






(Correen's POV)

Maaga akong nagising dahil sobrang excited ko para sa Halloween party ngayon kahit mamaya pa gaganapin ang party ay maaga padin akong gumising. Naligo ako at nag bihis ng ripped jeans at pinarisan ko ng tank tops at white shoes, pupunta kasi ako ngayon sa mall para bumili ng damit na kagaya ng kay Harley Quinn. May iba din akong mga schoolmates na naka salubong sa mall, I think mamimili din sila ng kanilang costume mamaya. Ng matapos akong mamili ay umuwi ako sa bahay at nagpahinga dahil baka Gabi na kami uuwi mamaya. Night comes and naligo ako at nagbihis ng pang Harley Quinn na damit at inaayos ko din Ng buhok ko kagaya Ng kay Harley Quinn kahit hindi blonde ang hair ko nilagyan ko lang ng konting fake hair para naman maganda. Ng makuntento na ako sa itsura ko ay bumaba na ako at kumain ng agahan.

"Dios ko po, hay naku akala ki naman kong sinong nilalang ang pumasok dito." Sabi ni Manang habang hawak pa ang kanyang dibdib. Humagikhik lang ako at nag sorry sa kanya, nakalimutan ko palang iba pala ang itsura ko ngayon hehe.

Pagkatapos kong kumain ay tiningnan ko muna ang bag ko kong nandito na ba lahat ng kailangan ko. At pagkatapos au nagpa-alam na ako kay Manang na papasok na, hinatid ako ni Manong Jere sa school namin dahil sya lang naman talaga ang palaging naghahatid sa akin. Pagdating ko sa school at marami akong nakitang estudyate na nagkalat sa loob ng campus suot ang kani-kanilang mga costume. Maganda din ang loob ng school dahil sa dami ng kulay ng ilaw at may mga fairy lights din silang nilagay sa gates.

Tiningnan ko isa isa ang mga houses and booth sa loob ng plaza namin, napangiti lang ako dahil sa sobrang ganda nito. Pagkatapos kong tingnan ang mga ito ay dumiretso ako sa Horror House namin.

"Guys mukhang kompleto na tayo ah." Sabi ni Luna habang isa-isang tiningnan ang mga kaklase namin.

"So since kompleto na tayo kailangan na nating pumunta sa mga ina-sign na lugar long saan kayo mag stay at manakot." Sabi ni Luna tumango naman kami at pumunta sa loob.

Since ako yong magbabantay sa end ng maze or sa finish line, hindi nalang ako pumasok at doon nalang sa likod dumaan dahil nakakatamad ng pumasok doon.

Sa ngayon maraming pumasok sa Horror House namin dahil kami yong unang nag bukas. Our school is okay kong pwede lang kaming mag dala ng taga ibang school kong wala naman silang ginagawa. Some of them are busy with taking pictures sa mga gwapong lalaki dito sa school or shall we say mga heartthrob. Well Sino bang hindi magpa-picture sa kanila eh ang gwapo kaya hindi ko na yan matatanggi sa sarili ko.

May narinig din akong mga sigaw sa loob ng Horror House, palihim lang akong humagikhik. Mukhang tinatakot na sila Ng iba kong mga kasamahan, habang ako naghintay kong kailan may lumabas dito.

(Third Person's POV)

Tuwang-tuwa si Correen sa mga mukha ng mga pinapalo nya ng soft baseball bat nya. Hindi na nya mapigilang humalakhak dahil dito pero mukhang natatakot din ang mga ito. 

Sa kabilang banda ay pumasok sila Hezron, Santeah, Javier, Dylan, Christine, at Joana sa Horror House nila Correen. Kahit hindi pa sila nakapasok ay naginginig na sa takot sila Santeah at ang ibang mga babae na kasama nila.

"Ku-kuya papasok pa ba tayo dyan?" Nanginginig na tanong ni Santeah at tumawa lang si Hezron sa kanya kaya agad tinaasan ng kilay ni Santeah so Hezron.

Ng maka pasok sila sa Horror House ay hindi na bumitaw si Santeah sa braso ng kuya nya. Tawang-tawa naman ang mga lalaki dah nakita nilang takot na takot ang mga babae.

"Kuya naman kaayo lang naman ang nagkaka-saya dito." Nangingiyak na sabi ni Santeah.

"Ate Christine balik na tayo." Sabi ni Santeah kay Christine na hindi na rin umimik dahil sa takot.

When Life Goes OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon