PROLOGUE

70 0 0
                                    

I was gasping for air.

Kanina ko pa sinusubukang umalis sa masukal na kagubatang ito pero bumabalik din ako dito.

It felt like I was running for something pero hindi ko alam kung ano ang tinatakbuhan ko.

Napaupo ako. I couldn't move an inch anymore. Pagod na pagod na ako.

I'm on the verge of crying but then someone appeared in front of me.

Inangat ko ang aking mga paningin. I saw a silhouette of a woman approaching me.

"Ipinanganak mula sa inyong angkan ang magtataglay ng lakas na hindi mapapantayan ng kahit na sino mang nabubuhay dito sa mundo. Maaaring magdulot ito ng kasamaan o kabutihan. Magmumula sa inyong angkan ang wawasak at tatapos sa inyong lahi."

"H-ha?" tanong ko, subalit imbis na sagutin niya ako ay nagsimula siyang maglakad papalayo sa akin.

Agad akong tumayo at tumakbo papunta sa kanyang direksyon.

Bigla nalang siyang nawala. I looked everywhere pero hindi ko na siya makita.

It was just then na biglang nag-iba ang lugar naa aking kinatatayuan.

Nasa isang malaking bahay na ako. There were people everywhere. May hawak silang sandata at lahat ng iyon ay nakakatutok sa direksyon ko.

"HUWAG!" sigaw ng lalaking duguan na halos mawalan na ng malay dahil sa pagkakabugbog.

"Hindi ka masama, huwag mong kakalimutan kung sino ka." he sounded like he was about to cry.

Tiningnan ko lang siyang lumapit sa akin. He hugged me.

I stood in shock nang biglang umalingawngaw ang isang putok ng baril.

"NO!" sigaw ko nang maramdaman ko ang agos ng dugo mula sa likod ng lalaking nakayakap sa akin.

"Tandaan mo kung sino ka." bulong niya bago tuluyang bumagsak sa sahig.

Isang malakas na yugyog ang gumising sa akin. "Mon-mon! Nananaginip ka lang." Wika ni Mama.

I sighed in relief. Akala ko totoo na eh. It felt real to me though. Yung parang kilalang-kilala ko yung lalaki sa panaginip ko and I felt the connection between us.

I shrug off the thought and went to the bathroom. Ayoko ma-late sa first day ng college. I became giddy because of excitement.

Papunta na ako ng school. "Woodstock University." Bulong ko sa sarili ko habang hindi ko maitago ang mga ngiti sa labi ko bunga ng excitement. This is gonna be fun. Sana marami akong magawang magagandang memories ngayon.

Pinagmamasdan ko ang mga punong nadadaanan ng sasakyan habang papunta ng school. The sun is brightly shining at wala man lang bakas na may nagbabadyang ulan. The sky is blue. Binuksan ko ang bintana sa window seat at inilabas ang aking kamay. The air felt great. Masaya kong inienjoy ang view nang mahagip ng mga mata ko ang isang babae na nakatayo sa gilid ng isang malaking puno ng Acacia.

She intently stared at us. At me. Siya yun. Ang babae sa panaginip ko.

Sino siya?

Let Love Bleed Red: The Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon