II

85 0 0
                                    

Kung gusto mong malagay sa history, gumawa ka ng dalawang bagay. Una, gumawa ka ng kabayanihan at pangalawa gumawa ka ng kabobohan. Unfortunately, nalagay nga ako sa history pero dahil naman sa puro kabobohang nagawa ko. Mahigit isang linggo pa nga lang akong nag aaral dito sa Woodstock, halos akuin ko na lahat ng kamalasang pwede mangyari sa buhay ng isang tao. Unang araw ko pa nga lang, nakabangga ko na agad ang captain ng football team. Hay.

Simula ng araw na iyon, hindi na ako pinatahimik ng nga fans niya. Kung kaya lang siguro nila akong patayin sa pamamagitan ng mga matatalim nilang tingin malamang hinatid na nila ako sa aking huling hantungan.

Tapos ngayon na naman, nasangkot na naman ako sa isang rambol. Kasama si Miguel. Kung saan nasaktan na naman siya. Dahil ulit sa akin. May mas isuswerte pa ba ang buhay ko? Naging mabait naman ako ah. Bakit Earth? Bakit?

"Wala akong pakialam kung sino ang nagsimula ng gulo. Basta kayo yung nakitang bumugbog. Kaya bilang parusa sa ginawa niyong kahihiyan sa departamento ng Architecture, lilinisin niyo ang mga palikuran sa building na ito." Galit na wika ni Dean Stephens. Biruin mo? 9 days pa lang ako dito sa Woodstock, napatawag na agad ako sa opisina ng Dean? Tapos kasama pa si Miguel. Ito pa, first time maopisina ni Miguel. Oh akalain niyo yun?

Ako ang unang babaeng sumugat sa gwapo niyang mukha, tapos ako din yung dahilan kung bakit siya napatawag dito sa opisina ng Dean. Double history! I'm amazing. Simply amazing. Insert sarcasm.

Magpoprotesta pa sana ako kaso kinaladkad na ako ni Miguel palabas ng opisina. Paano nga ba umabot sa ganito? Kasi ito yung nangyari.

Flashback..........

"NATUTULOG KA NA NAMAN FRANCHESTER! LABAS!" sigaw ni ma'am na gumising sa akin. Ilang beses na ba akong napapalabas ng mga professors ko? Sumisikat na ata ang apelido ko dahil sa kasisigaw nila eh.

I shrugged. Kinuha ko na lang ang bag ko at lumabas ng silid. Kung bakit kasi di ko pa namana ang pagkadiligent ni kuya Zandro sa pag-aaral. O di kaya'y nahawa man lang sa kasipagan ni Tia. Speaking of that girl, papatayin ko yun kung bakit siya umabsent.

Nagtungo ako sa cafeteria. Kakain na nga lang ako.

Mangilan-ngilan pa lang ang mga estudyante sa cafeteria since hindi pa lunch period. Umorder ako ng clubhouse at naupo sa table malapit sa bintanang katapat ng zen garden. Kailangan ko ng relaxing view para marelieve ako sa mga stress ng college life. Oo, kahit one week pa lang ako sa college, naii-stress na ako. Sino ba namang hindi di ba?

I am enjoying my sandwich nang mahagip ng oh-so-precious eyes ko si Miguel na pumasok ng cafeteria. This devil. Psh. May bandage pa rin ang kilay niya dahil sa sugat na ginawa ko pero hindi naman iyon nabago ang kagwapuhan niya eh. Nakasuot siya ng isang gray sando, black ripped jeans at itim na Janoski. Bakit kahit naiinis ako sa kanya, ang pogi pogi pa rin niya sa paningin ko?

I was staring at him nang bigla siyang lumingon sa direksyon ko. Our gazes met and it was like those in the movies kung saan may static sa pagitan ng inyong mga tingin. Tinaasan niya ako ng kilay. Antipatiko! Gusto ko siyang sugurin.

Kung di lang ako naririnding pumaslang ng tao, malamang ay matagal ko na siyang kinatay at sinipsip lahat ng dugo niya sa katawan hanggang sa wala nang matira kahit isang patak man lang. Revenge na, busog ka pa.

Tila nanunukso talaga itong demonyong to at naupo pa talaga siya sa table sa harapan ko. We're facing each other and I swear I could sense evil in him. Tinitigan niya ako saglit. Ginantihan ko siya ng irap which made him smile at me mischievously. Anak ng! Nananadya na ang taong to ah.

Itinuon ko nalang muli ang atensyon ko sa pagkain. Psh. Storbo sa digestion.

I was half way on finishing my sandwich nang biglang may pumasok na isang lalaking mukhang gangster at nag-amok. Lumapit siya sa babaeng nakaupo sa katabing mesa na aking kinaroroonan at hinila ito patayo. Napadaing ang babae sa sakit pero di ito pinansin ng lalaki. Di ko sinasadyang marinig ang kanilang pinag-uusapan. Hey, blame it on my super hearing abilities.

Let Love Bleed Red: The Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon